"Nakita mo ba ang planner ko?" tanong ni Lianne.
Hindi pa siya nakakapagbihis ng uniporme. Kalalapag pa lamang niya ng kanyang
bag sa kama. "Dito ko lang sa drawer iyon nilagay."
Naisip ko kaagad si Mama Sam. "Hindi ko nakita. Baka
naiwan mo naman kung saan."
Naghahanap pa rin siya sa cabinet. "Hindi e. Sigurado
ako, dito ko iyon nilagay kagabi."
"Hindi,e . Alam mo naman di ba na ako pa nga ang nagsauli nun
sa'yo. Hinanap pa kita para lang isuli."
"Napaka-defensive mo naman pala." Nginitian niya ako.
"Hindi naman kita pinagbibintangan. May importante lang kasi akong number
na tatawagan.
Tumawa ako. "Hindi naman. Nagpapaliwanag lang. Tara,
kain na tayo. Nagluto ako ng paborito mong sinigang na bangus."
"Ah, talaga?! Sige, wait lang. Magpapalit lang ako ng
pambahay." Tumalikod siya sa akin at nahubad ng blouse.
Lumantad na naman sa akin ang maputi niyang likod. Naka-bra lang siya.
Masasabi kong komportable na siya sa akin. Kaya na kasi niyang maghubad
kahit presente ako. Pero, may hiya pa rin ako, hindi ko na siya tiningnan.
Inabot ko ang cellphone ko at tinext ko si Mam Sam. Sabi ko: "Hello,
Mam Sam! Ask q lng, my knuha k bng planner s drwer ko?"
"anUng plannEr? Bkt q kkunin?" reply niya.
"Wla b? K? sori."
"K!"
Kumain na kami ni Lianne. Sarap na sarap siya sa ulam namin. "Ang
swerte ng mapapangasawa mo, Hector. Ang sarap mong magluto." sabi
niya pagkatapos niyang humigop ng sabaw.
Sa kalagitnaan ng dinner namin, nag-open up siya. Malungkot ang tono ng
boses niya. "Kailangan ni Papa ng pang-chemo. Kailangan ko
sanang makontak ang tiya ko na nasa Canada. Nasa planner ang number niya."
"Baka may Facebook account ang tita mo. Kontakin natin
dun." suhestiyon ko. Pilit kong pinasaya ang boses ko.
"Pwede. Sige.. Help me."
"Okay sige. Maglo-load ako mamaya para makapag-internet ka. Sige,
kain ka pa."
No comments:
Post a Comment