Kahapon (Lunes), wala kaming ginawa ni Dindee kundi mag-Facebook. Nag-upload kami ng mga pictures mula sa kanyang DLSR. Ang gaganda ng kuha namin. Andami ngang likes at comments.
Isa sa mga comments doon ay mula sa Mommy niya. Aniya, "You, two are perfectly awesome! Ang sweet!" Comment iyan ng ina ni Dindee sa picture namin na magkahawak kamay kami sa dalampasigan habang ang araw ay palubog.
"Thnk u po, Tita!" Reply ko naman sa comment niya.
"Welcome, Red. Take care of my baby." sagot pa ni Tita.
"Ok po. :)" Nahiya tuloy akong bigla. Gayunpaman, handa akong ingatan si Dindee. Wala akong rason para saktan siya.
Sabi nga niya: "Parang nangako ka na kay Mommy dyan sa reply mo sa comment niya. Sana tuparin mo."
"Oo naman. Sapat ka na sa buhay ko." Kinuha ko ang kamay niya ay hinagkan ko iyon. Tapos, sumandal siya sa dibdib ko. Niyakap ko siya. "I love, Dee! Sobrang mahal na mahal kita."
"Mahal na mahal din kita, Red!"
Sinapo ko ang mga pisngi niya. Tinitigan ko siya. Nakita ko ang walang mapagsidlang kasiyahan niya sa kanyang mga mata. Dahan-dahan kong inilapit sa kanya ang mga labi ko. Bago pa ito dumapi sa kanyang mga labi ay pumikit siya at nagpaubayang mahagkan ko. Naramdaman ko ang init ng kanyang pagmamahal.
No comments:
Post a Comment