Followers

Friday, October 31, 2014

Hijo de Puta: Ochenta y kuwatro

Naging palaisipan sa akin ang panaginip ko kanina. Hindi ko lubos maisip kung ano ang ibig sabihin niyon. Hindi na tuloy ako nakatulog pagkatapos niyon. 

Himbing na himbing si Lianne. Gaya ng dati, nakalilis na naman ang kanyang kumot. Nasilip ko ang mapuputi niyang binti. Lalo lang tumayo at tumigas si Manoy. At dahil wala nang nana na lumalabas sa aking burat, balik sa normal na naman ito. Kaya, nilaro ko ito kahit maaaring magising si Lianne at makita ako. 

Habang binabati ko ang kahabaan ko, iniisip kong subo-subo ni Lianne ang akin. Ang sarap niyang kantutin sa bibig. Napapikit ako at napaungol.

Malapit nang pumulandit ang katas ko nang magsalita si Lianne. "Sana nagtago ka man lang.." Mahinahon niyang sabi pero sarkastiko. Nakaupo na siya sa kama.

Bigla kong itinago si Manoy. At, hiyang-hiya akong bumangon para lapitan siya at mag-sorry. Pero, nagtalukbong na siya ng kumot.

"Sorry, Lianne." sabi ko nang nakalapit na ako sa kanya. "Hindi ko naman intensiyon na bastusin ka." Dinampi ko ang kamay ko braso niya. Ginalaw niya ito, hudyat na tanggalin ko ang aking kamay.

"Lumayo ka sa akin!" Nanginginig ang boses niya.

"Sorry na. Kahit tingnan mo man ako sa mata. Hindi kita kayang bastusin. Nadala lang ako sa.."

"Nadala? Oo, nadala ka! Isang gabi.. hindi mo na mapipigilan ang sarili mo.. ako na ang..."

"No! I won't do that! Mahal kita, e!" Tumayo na ako at tumungo sa kusina. Nagtimpla ako ng kape ko. Hindi pa rin lumabas ng kumot si Lianne. Ang hula ko, umiiyak na siya.


Hiyang-hiya ako sa nangyari. Gayunpaman, hindi ako magbabago kay Lianne. Sana hindi niya ako katakutan.  Malibog lang talaga ako pero hindi ako manyakis.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...