Followers

Sunday, October 5, 2014

Redondo: Hawak-Kamay

Alas-nuwebe na ako nagising kanina. Nakabawi na ako sa ilang araw na puyat at pagod.

Naglalaba na si Dindee nang bumangon ako. Hindi ko na siya inabala pagkatapos kong batiin siya ng “Good morning”. Si Daddy naman ay nag-biking daw.  Hu hu. Hindi niya ako sinama.

Nag-almusal muna ako bago ko nilinisan ang sugat ko. Napansin ko na malapit na itong matuyo. Konti na rin lang ang mga gamot at antibiotic na iinumin ko.

Tinext ko si Mommy ng “Happy World Teachers’ Day” nang maalala ko. Nasa Word Of Hope Family Church Quezon City daw siya kasama ng ibang mga teachers sa iba’t ibang school sa NCR para sa tribute sa kanila ng DepEd.

“Sayang, Mommy, hindi kita nai-date.” sabi ko sa kanya nang tumawag siya.

“Sus! I-save mo ang pera mo. Okay lang ako. Nabati mo na ako kaya kumpleto na ang araw ko.”

“Okay po. Pero, ask ko lang po..”

“Ano yun?”

“Binati ka nap o ban i D-Daddy?” Tumawa pa ako.         

“Ikaw ha, nang-aasar ka na naman! Sige na, bye na. Ask mo na lang si Daddy mo. Bye! Love you, Red!”

“Love you, too, Mommy. Bye Enjoy!”

Hindi ko naman natanong si Daddy. Ang tungkol sa Tecahers’ Day Celebration sa school ko kasi ang napag-usapan namin. Sa Tuesday daw gaganapin ang program. Nabalot daw sila ng mga gifts para sa mga teachers na na-solicit ng GPTA officers.

After lunch, nag-stay kami ni Dindee sa kuwarto niya. Binuksan lang naming ang pinto para di mag-isip si Daddy ng masama.

Nagkuwentuhan lang kami. Nagtawanan. Tapos, kinantahan ko siya. Hindi na muna ako naggitara. Inaaral ko pa lang kasi ang lyrics ng mga bagong kanta na nasa bago kong songhits.

“Hindi ko na naririnig sa’yo ang composition mo.” Si Dindee. Saka ko lang din naalala ang kanta kong iyon. Kaya, kinanta ko ng dalawang ulit.

“Anong masasabi mo?”

“Maganda. Pwede ka na. Sana, maging sikat kang musikero, someday.”

“Sana nga..”


Natulog kami, pagkatapos. Alas-sais, nagising kami ni Dindee nang magkahawak-kamay. May nakapagitan ding unan sa amin. 

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...