Maaga pa ay gising na ako. Parang hindi naman ako nakatulog kagabi.
Pagkatapos kong mag-toothbrush, naggitara ako ako. Strum lang. Hindi ako kumanta. Tulog pa si Dindee. Ayaw ko siyang magising. Si Daddy naman ay naliligo na.
Nalulungkot talaga ako kaya pati ang tugtog ko ay malungkot din.
"Ang lungkot naman, Nak!" si Daddy. Natapos na siyang maligo.
Nagulat ako. Nginitian ko lang siya at tinuloy ang pagtugtog ko.
Sinabayan ko si Daddy sa pag-almusal. Maya-maya, lumabas na si Dindee. Binati ko siya ng napakalambing. Ganun din siya sa akin at kay Daddy. Niyaya ko na siyang mag-almusal din.
Ramdam ko pa rin ang kalungkutan habang kumakain kami, lalo na nang inihatid ko siya sa airport. Ang higpit ng yakap ko sa kanya. Ganun pala ang pakiramdam kapag iniwan ka ng mahal mo.
Bumalik ako sa bahay na mabigat ang loob. Para akong nakalutang sa hangin. Parang ayaw ko nga munang umuwi sa bahay dahil lalo ko siyang ma-miss. Gayunpaman, namalayan ko na lang na nakauwi na ako.
Dalawang oras ang lumipas, tumawag na si Dindee. "I'm home. I miss you!"
"I miss you too, Dee. Kelan ka babalik?"
Tumawa si Dindee. "Balik agad? Di ko alam. Basta, text at tawagan na lang tayo lagi. Be happy..kahit wala ako sa tabi mo."
"Opo. Kumusta mo ako kay Tita."
"Oh, sure.. behave ka dyan." Tumawa uli siya. "Ingat! Ilove you!"
"I love you, too!"
Panay ang text namin ni Dindee maghapon. Andami naming napag-usapan. Namasyal daw kasi siya kina lola at lolo. Tapos, nakipagkuwentuhan siya sa pinsan kong si Karrylle, best friend niya. na-miss ko tuloy ang mga kamag-anak ko.
Nakaka-miss si Dindee. Malungkot ang bahay kapag wala siya.
No comments:
Post a Comment