DENISE' POV
Nakakabuwisit ang kuya ko! Epal. Bakit pa kasi naging kambal kami?! Ang alam ko sa kambal ay close sa isa't isa. Bakit kami ay parang Iraq at America? Tindi!
Sukat ba namang lahat ng kilos ko ay binabantayan. Sinisilip ako. Akala mo naman perpekto siya. E, kung hindi ko lang alam, lambutin siya. Kunwari pa siyang pabrusko.
Ito namang mga magulang ko, wala naman yata akong nagawang tama sa paningin nila. `Tapos, isasali pa nila ako sa Miss Barangay. Bakit `di na lang kaya si Kuya ang isali nila?
Kanina, sa hapag-kainan, tahimik na nga akong kumakain, napansin pa ni Mama ang pagnguya ko. Maingay raw. Para daw akong baboy.
"`Ma, sa Japan po, mas gusto nila ang maingay kumain. It means, naa-appreciate mo ang pagkain."
Tiningnan lang ako ni Mama, na tila kumbinsido sa sinabi ko. Pero, itong si Kuya, sumingit pa. Aniya, "Nasa Japan ka ba?"
"Wala!" Tinarayan ko siya. `Tapos, mas nilakasan ko pa ang paghigop sa sabaw ng nilagang baka.
Kontrapelo talaga.
"Maiba ako, Denise..." Kinabahan akong bigla kay Mama. Tiningnan ko siya. "Sa Sabado na pala ang rehearsal ninyo. Ihanda mo na ang sarili mo."
Ang tindi ng kabog sa dibdib ko. Matutuloy pala talaga. Buwisit!
"Sige po, `Ma..." Iyan lang ang nasabi ko.
Nakangisi si Kuya.
No comments:
Post a Comment