Followers

Sunday, October 26, 2014

Redondo: Adventure

Alas-nuwebe na. Hindi ako kaagad bumangon. Naririnig ko na ang mga kaluskos ni Dindee sa kusina. Hinayaan ko lang siya. Hindi niya rin ako kinatok para gisingin. 

Nagsulat muna ako sa journal ko. Ilang araw din akong di nakapag-update dahil nasa Pangasinan kami.

Alas-nuwebe na kami dumating kagabi mula sa Alaminos. Pagod na pagod at antok na ako kaya hindi na ako nagkapagsulat.

Gayunpaman, nag-enjoy ako ng husto, kasama si Dindee at ang kanyang mga kaklase at isang prof. Na-enjoy ko din ang Hundred Islands at iba pang lugar na aming nadaanan. Sulit!

Biyernes ng gabi kami dumating sa Alaminos. Hindi man kami nakapag-swimming ay na-enjoy na namin ang lugar. Nagkulitan lang kami. Ginawa na naman kaming pulutan ni Dindee. 

Sabado ng umaga, namalengke muna ang ilan sa kaklase ni Dindee at ang prof nila para may baunin kami sa isla. 

Alas-diyes, nasa isa sa mga islands na kami. Manghang-mangha ako sa mga nakita ko. Ang mga rock formation at ang kalinisan ng dagat ay talagang nakaka-amaze.

Na-enjoy ko rin ang pag-swimming at pag-snorkeling. Napakaganda ng mga corals reefs. Pero, mas na-enjoy ko ang moment namin ni Dindee, not to mention her sexy and flawless body. Wow! Nakaka-starstruck. Mabuti na lang at hindi ko nakalimutan ang trunks ko. Bumagay sa kanyang swim wear ang suot ko. 

Panay ang kainan namin doon. Picture-an. Kulitan. Mabuti din at dinala ko ang gitara ko. Kaya, nakantahan ko sila. Kilig na kilig ang mga girls sa akin. Next time daw ay isasama nila uli ako.

Nag-overnight kami. May mga dala silang tent. Kami ni Dindee, wala. Kaya, naki-share lang kami sa kaklase niya na may malaking tent. 

First time ko ang ganung adventure. Medyo, delikado pero thrilling. Hindi naman masama ang panahon. Safe din daw ang lugar.

Nag-bonfire kami habang nagkukuwentuhan. Tapos, pinaggitara at pinakanta nila uli ako. Nagbukas na rin ng beer in cans ang prof nina Dindee at isa-isa niya kaming binigyan. Sakto. Tig-iisang bote kami. Enough para mas uminit ang mga katawan namin. 

Nang gabing iyon, mas lalong uminit ang pagmamahal ko kay Dindee. Mas lalo kasi niyang ipinakita at ipinadama sa akin ang pagmamahal niya sa akin. Ang maging proud pa nga lang siya na isama at iharap ako sa mga kasamahan niya ay sapat na para mapatunayan ko ang tapat niyang pag-ibig sa akin. Idagdag pa ang mga lambing niya sa akin. Hindi siya nahihiyang makipaghawak-kamay o dumikit sa akin, which is, gustong-gusto ko naman. Ang sarap niyang mahalin at magmahal. Masasabi ko talagang, worth it ang adventure na iyon. Hindi man dapat ako belong sa gala nila ay naging bahagi pa rin ako nito.

Alas-diyes ay nasa hotel na kami. Oras na upang bumiyahe pauwi. 

Nag-side trip kami. Tumungo kami sa Manaoag. Namili din kami ng mga pasalubong. 

Nangitim kami ng kaunti pero sulit naman. Isang araw na enjoyment, katumbas ng walang katapusang alaala. 

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...