Oktubre 1, 2014
Hindi ako pumasok ng maaga. Pasado alas-9:30 na ako nakarating sa school. Hindi ko akalain na may division training kami ngayong araw. Si Mareng Lorie pa ang nagsabi sa akin.
May memo nga na binigay kahapon, di ko naman kasi binasa.
Nagmadali akong hugutin sina Aila at Nicole. Agad din kaming umalis. Medyo late lang kami pero di kami ang pinaka-late.
Okay naman ang unang araw ng training, kaso di ako nakasama sa paghatid kay Sir Erwin sa PVES.
Pero, naabutan ko pa siya sa school pagbalik ko at pumunta kami sa hideout para mag-dinner at inumin ang champagne na bigay sa kanya ni Mah.
Ang saya naminng nagkuwentuhan.
Alas-9 kami umalis sa hideout. Di ko alam kung madadalas pa ba kaming makapunta doon ngayong taga-Villanueva na si Sir.
Oktubre 2, 2014
Maaga akong nagising para sa second day ng training. Nagmadali pa ako para lang di mahuli. Nakaabot naman ako sa time. Kaming mga taga-GES ang pinakauna sa West.
Okay naman ang training namin. Dumating na si Mareng Lorie kaya medyo may tawanan. Medyo wala lang ako sa ulirat dahil masakit ang bagang ko. Kahit nga nung nagla-lunch kami ay di ako masyado nagsasalita. Sila, panay ang kuwento. Ayos naman! Masaya.
Pasado alas-singko na ako nakabalik sa Gotamco dahil nagka-issue si Mam Jann sa East District Collab Filipino nang i-xerox nila ang gawa namin.
Naayos naman after ng mahabang paliwanagan.
Nasa school si Sir nang dumating ako. Nagyaya siyang sa hideout pero sa isang carinderia kami nakakain. Nagkape din kami sa 7Eleven. Nagpicture uli kami at nagtawanan. Kasama namin si Plus One
Past seven, nasa boarding house na ako. Ka-text ko si Ate Diana. Nag-explain siya kung bakit di siya nakareply at kung bakit di pa niya natutubos ang pagkasanla ng bahay at lupa niya. Naunawaan ko naman. Kaya lang sinabihan ko siya na hanapan niya ako ng malilipatan ng sanla. Di ko na nga sinabi na maysakit si Zildjian. Ang sabi ko lang ay kailangan ni Mma ay mga anak ko.
Si April din ay nagchat sa akin tapos nangungutang ng pang-medical. Ngayon lang siya nakipagcommunicate, tapos, mangungutang agad. What a heck!?
Tuwang-tuwa ako nang maglabas na ng listahan ang Gabay Guro ng mga nanalo ng isang ticket para sa Grand Gathering na gagawing tribute para sa mga guro sa Oct. 5 sa MOA Arena.
Napili na naman ang sagot ko. Second year na akong nanalo.
Magwo-walk in pa rin ako dahil wala pang ticket sina Sir at Mamu.
Oktubre 3, 2014
Kagabi ay nagpagdesisyunan ko na hindi na ako dadalo sa seminar na “Edukasyong Pampanitikan” sa La Salle dahil chinat ako ni Mam Loida kagabi din na kasama ako sa NCR Teachers’ Day celebration sa Sabado ng alas-6 ng umaga. Maiiwanan ko lang din ang seminar.
Hindi ako pumasok ng maaga.
Konti lang ang mga estudyante kong pumasok kaya nakalkal ko ang mga papeles ko na kailangan kong ipasa para sa promotion ko.
Mineet kami ni Mam Rose. Nag-usap kami tungkol sa loading namin. Nagkasundo naman agad kami. Maya-maya, nagpabili siya ng Mc Float. Medyo, nagkakuwentuhan kami at na-at ease sa kanya. Sana ay maging palagay na ang loob namin sa kanya kahit wala na si Sir Erwin sa Gotamco.
Gayunpaman, nalulungkot akong wala si Sir. Kahit si Mamu ay gayundin ang nararamdaman.
Dumating ang ahente ng lupa at bahay. Kinausap nila ako ni Mareng Janelyn. Nakikipagpalit siya ng lote. Pero, hahanapan pa siya ng dapat ay sa akin. Mabilis kasing mabenta. Hindi rin naman ako kukuha kung di iyon ang ibigay sa akin. Wala kasi akong panghulog sa equity na ganung kamahal.
Natulungan ko rin si Sir Macahig na i-print ang mga ID pictures ng mga athletes nila. Na-lay-out ko rin ang invitation para sa Teachers day celebration sa Oct 7.
Umuwi agad ako pagkatapos ng klase. Nauna pa ako kay Eking.
Oktubre 4, 2014
Alas-kuwatro ay gising na ako. Wala pang isang oras ang
lumipas ay paalis na ako. Pasado alas-singko ay nasa ABES na ako. Doon daw kasi
ang tagpuan.
Ako ang pinakunang dumating sa aming lima. Sumunod si Mam
Joan Remalante. Pangatlo si Mam Edith. Pang-apat si Mam Vi. Panghuli si Mam
Loida.
Pasado alas-siyete, napagdesisyunan namin na mag-commute na
lang dahil hindi naman pala pupunta ang mga taga-ABES sa Teachers’ Day
Celebration sa Word of Hope. Okupado kasi ang driver ng van sa Carinderia
Fiesta sa World Trade Center.
Okay naman ang biyahe. Mabilis. Agad din naman naming
nahanap ang venue.
Nadisappoint ako sa celebration. Hindi iyon tulad last year
na dinaluhan ko sa Pasig. Hindi masyado masaya. Wala pang mga booth at
freebies. Wala ding parlor games, although my mga performances at tribute sa
teachers.
Na-disapppoint nga rin ang mga kasamahan ko. Kaya, after
lunch, umuwi na ang tatlo. Kami na lang ni Mam Loida ang nanuod ng afternoon
program. Gusto kasi naming makakuha ng ticket para sa Gabya Guro Grand
Gathering o kaya manalo sa raffle.
Hindi man kami nanalo sa pa-raffle, nabigyan naman kami ng
ticket. Sayang nga lang dahil hindi sa amin ibinigay ang ticket ng tatlo.
Naubusan din kami ng tumbler na give-away mula sa Manila
Teachers, kaya bago kami umuwi, nanghingi ako sa ibang division. Binigyan naman
ako kaya may souvenir ako sa selebrasyong iyon.
Pasado alas-singko natapos ang palatuntunan.
Pinasabay na kami pauwi ni Mam Norma ng JRES sa van nila.
Kaya lang, na-ipit kami sa traffic. Tatlong oras yata kami sa kalsada. Pasado
alas-9 na ako nakarating sa boarding house.
Masaya naman ako buong maghapon. Kahit paano ay naaliw ako
sa mga napanuod ko. It’s another milestone. Mas na-feel ko na ako ay isang
guro.
Oktubre 5, 2014
Pagkatapos kung maglaba at eight, tinext na ako ni Sir Erwin na paalis na siya papunta sa Gabay Guro. Akala ko ay hindi siya matutuloy kasi di naman nag-confirm si Mamu. Ang plano ko rin kasi ay pumunta mag-isa o kaya gamitin ang dalawa kog ticket para sa amin ni Sir kung sakaling kami lang dalawa ang manunuod.
Since, eager siyang pumunta, naligo ako ng mabilisan. Tinext ko nga sina Pareng Joel at Ms. Kris. Hindi sila makasama. Nag-confirm ang una. Hindi naman nagreply ang pangalawa.
Sumatutal, kami lang dalawa ang pumunta.
Past ten yata yun, na-claim ko na ang napanalunan kong ticket sa FB promo ng Gabay Guro. Pipila sana kami para sa walk-in. Hindi na kami pumila. Dalwa na ang ticket ko. Ang isa ay galing sa dinaluhan kong teachers' day celebration kahapon sa QC.
Pagkatapos naming ma-claim ang freebies ng Gabay Guro, kumain na kami ni Sir sa Chowking habang naghihintay ng time. Treat ko.
Then, pumila na para makapasok sa arena. Nakadiskarte si Sir. Nakasingit kami sa pila ng di namin kilala. Tapos, nag-selfi-selfie pa kami kasama sila.
Naghiwa-hiwalay nga lang kami pagdating sa loob, pero nakita ko si Teacher Karen, na nakasama ko last year. Sumama siya sa amin ni Sir. Madiskarte din siya kaya nakaupo kami sa malapit sa entablado.
Alas-dos, nagsimula na ang programa. Ang saya. Nakaka-inspire. Hindi kami nabigo. Star-studded. Andaming papremyo. Although, hindi kami nanalo, masaya pa rin kami. Sabi nga ni Sir Erwin, sasama uli siya next year.
Alas-siyete na natapos ang program. Siksikan palabas pero nakalabas kamia gad. Naiwan si Teacher Karen. Nakasakay din naman agad ako ng bus patungong Cubao. Sa Antipolo ako tumuloy.
Pasado, alas-nuwebe, nasa Bautista na ako. Mabuti at hindi pa tulog si Mama kahit nakapatay na anag mga ilaw.
Sobrang pagod at antok ko kaya pumikit agad ako para makatulog.
Oktubre 6, 2014
Mabuti at nagkasignal na ako kaninang umaga. Sulit ang stay ko sa Antipolo. Nakapag-update ako ng mga stories ko.
Habang nagluluto si Mama ng lunch, nagkuwentuhan kami. Kinuwentuhan ko siya ng tungkol sa ilang mahahalagang pangyayari sa buhay ko. Natuwa siya nang sabihin kong malapit na akong ma-promote.
Nagsabi rin siya ng kagustuhan niyang makapagpabubong para doon siya titira. Sinabi kong January uli ang pangako ni Ate Ning. Kaya, nalungkot siya bigla. Nabawi ko naman nang sabihin kung kukuha ako ng bahay at lupa sa Cavite. Pwede naman kako siya doon tumira kaya si Flor na lang ang tumira doon sa Bautista para di makuha ng iba, since ayaw na doon ni Jano.
Nagchat naman kami ni Flor. Humihingi nga ng tulong kasi nahihirapan na siyang makisama sa pamilya ni Nunuy. Sinabi ko na humingi siya kay Jano.
Nagtext si Eking, bandang alas-siyete. Nasa boarding house na daw si Emily. Alam ko naman. Hinihiram kasi niya ang maleta ko.
Alas-nuwebe y medya na ako nakauwi. Bumaha kasi. Hindi na umuwi si Emily.
Oktubre 7, 2014
Andaming langgam sa higaan kaya di ako nakatulog ng maganda. Gayunpaman, nagising ako ng bandang alas-6. Bumangon ako para maghanda. May training kami ngayon.
Sumabay na sa akin sa pag-alis si Emily. Nag-almusal muna kami sa Chowking. Doon ay nagkuwento siya tungkol kay iyon. Binigyan niya rin ako ng ilang info tungkol sa pag-abroad niya. Masaya ako dahil malapit na siyang makaalis.
Hindi ako nakadalo sa Teachers Day Celebration sa school gawa ng maling desisyon ng mga namahala sa division training. Palpak ang desisyon.
Pasado alas-tres na kami nakabalik sa school. May mga bata pa rin ako. Ang nakakagulat ay may mga gift sila sa akin. Nakakatuwa.
Pagkatapos ng klase, Sinundo na kami ni sir Erwin para pumunta sa hideout. Nagkape kami doon, kasama si Plus One. Nag-dinner na rin kami. Ang saya-saya!
Alas-diyes na ako nakauwi.
Oktubre 8, 2014
Alas-diyes na ako nakarating sa school. Naiinis ako dahil matutuloy ang ranking. Mababalewala ang rank ko kung sakali.
Halos, maghapon akong bitter. Gayunpaman, nagturo pa rin ako. Hindi nga lang ako nakapasok sa Section Mercury dahil parang ayaw ng adviser nila na magpalitan. Di tulad ni Sir dati na kapag wala siya, nakakapasok kami.
Dahil sa mga pangyayari, nagkaroon kami ni Mamu ng mga conclusions. Nagdesisyon nga ako na tanggapin na lang kung ano ang gusto nila. Kung ako ay di ka-promote-promote para sa kanila, okay lang. Sila na ang magaling.
Pero, bandang alas-tres yata yun, binalitaan ako ni Gloria. Teacher 2 na raw ako. Although, may dinagdag sila sa ranking, thankful na ako kung ano ang natanggap ko. At least, di mababalewala ang efforts ko.
May sinabi lang sa akin si Mamah. Sinubukan daw ni Mayora na manipulahin si Mah para di ako makasali sa mapopromote. Ipinaglaban daw ako ni El Presidente. Kabutihan at katotohanan pa rin ang nagwagi.
Umaliwalas na ang mukha ko. Kaya nang dumating ang ahente ng lupa at bahay sa Cavite, lakas-loob akong pumirma para kumuha ng unit. Kaso, andaming requirements. Kailangan ko pa palang lakarin ang Pag-ibig number ko. Napag-alaman ko na wala pa akong number.
Need ko rin ng service record kaya pupunta ako bukas sa DO.
Oktubre 10, 2014
Maaga akong bumangon para amaga
akong makarating sa Division Office. Nagawa ko naman nga. Pasado alas-8 ay
nandun na ako. Pero, naghintay ako doon kay Mam Rodel ng halos kalahating oras
sa pag-aakalang wala pa siya. Nasa loob na pala siya. Pagdating ko nga ay
nakaready na ang service record ko. Ayos! Worth it ang paghihintay ko.
Maaasahan talaga si Mamah
Pupunta pa sana ako sa Pag-Ibig
para itanong kung bakit hindi pa nila ako nabigyan ng numero kaya lang
alas-nuwbe y medya na. mali-late na ako.
Binati ako ni Baleleng.
Maang-maangan pa ako na hindi ko alam na mapo-promote na ako as T2. Tapos,
nakipagkuwentuhan ako saglit dahil naglilinis ako sa room ko.
Nagturo ako ng Math at Filipno sa
mga estudyante ko since malapit na ang periodic test.
Hapon, nag-thank you ako kay Mam
Loida para s anaging prootion ko. Nalaman ko kasi na malaki ang papel na
ginampanan niya para hinid ako mabale-wala sa ranking. Nagulat ako nang sinabi
niya na T3 nga dapat ako. Wow! Nakakataba ng puso. Ganun pala kalakas ang mga
papel at mga nagawa ko sa school.
Nakakatuwa!
Pilit namang nakikihalubilo sa
amin ni Mamu si Mayora. Hindi naman namin siya masyado pinakikiharapan.
Uwian. Ang 3some ay nasa hideout
na naman. Doon ay nagkape kami, habang ginagawa ko ang programme ni Sir sa
PVES. Pinagsaluhan namin sa dinner ang pansit na bigay ng pupil ko. Nagtawanan.
Nagkuwentuhan. nalaman ko din sa kanya na ipinaglaban din ako ni Mam Lolit sa
ranking. Sabi pa niya, magagalit daw siya kung di ako mapo-promote. Pasok nga
daw talaga ako sa T3. Pang-master teacher na daw kasi ang mga papel ko.
Nagugulat talaga ako sa mga
nalalaman ko. Talagang may nakikita na akong liwanag sa aking mga pinagpaguran.
Ang saya namain kanina sa
hideout. Andami na kasi naming followers. nag-comment rin sina Ms. kris at Mam
Baes sa pics namin. Andami naming tawa.
Nakakawala ng pagod.
Oktubre 10, 2014
Grabeng puyat ko kagabi. Hindi ko alam kung bakit hindi ako agad nakatulog. Siguro mga pasado alas-dos na iyon nang makapikit ako. Kaya nga nang magising ako bandanag alas- sais-singkuwenta, natulog uli ako. Ayaw ko sanang pumasok. Kaya lang naisip ko ang mga pupils ko. Nasabihan ko na sila na huling lesson na namin ngayong araw dahil sa Oct 16 and 17 na ang periodic test nila.
Nagawa ko namang makapasok ng maaga. Nakapagkuwentuhan pa kami ni mamu tungkol sa bitterness ni Tita Lolit at ng kanyang boyfriend tungkol sa closeness ko sa kanya. Selos ang dahilan. Tawa ako ng tawa.
Nakausap ko rin si Mareng Janelyn tugkol sa Cebu Pac na pinacancel niya.Sinisingul pa rin kasi ako ng RCBC. Nag-charge pa. Natawagan niya bandang alas-sais. Cancelled na nga daw. RCBC nga talaga ang may problema. Letse! Good payer ako tapos nagkainterest pa ang bill ko.
Natapos kong ituro ang Math sa tatlong sections. Hindi na ako nag-Filipino dahil kahapon pa lang ay tapos na. Pinoproblema ko na lang ngayon ay ang paggawa ng test questionaires.
Hindi sasama si Mamu sa Tiaong. Hindi rin makakasama si Plus One, Gloria, Mam Lopez at Mam Leah. Kaya, kami lang nina Sir at Mamah ang matutuloy bukas.
Dumaan ako sa Hp para magpa-ID. Kailangan ko sa pagbili ng bahay at papales ng promotion. may pina-xerox din ako.
Nauna akong umuwi kay Eking.
Sinimulan ko ang pagagwa ng test questionaire sa Math. Natapos ko ang TOS at nakatapos ako g nine questions. Ayos na yun. Sunday night naman kung may time pa.
Oktubre 11, 2014
Alas-kuwarto ay nagising na ako dahil sa tunog ng alarm clock. Pasado alas-singko naman ay papunta na ako sa Buendia Bus Station upang hintayin sina Sir at Mamah. Si Sir ang nauna. Nagkuwentuhan at nagtawanan kami habang hinihintay si Mamah, na alas-sais y medya na dumating.
Nakasakay naman agad kami ay nakaalis bandang alas-siyete.
Nagkuwentuhan kami ni Sir sa biyahe tungkol sa mga nakakatawa at seryosong usapan. Marami akong napag-alaman. Matagal niya na palang alam o nakikita ang katrayduran ng isa kong kaibigan. Nalungkot ako.
Pasado alas-9 ay dumating na kami sa Tiaong o sa bahay ng pinsan ni Mamah. Nadisappoint kami ni Sir nang makita namin ang magarang bahay. Akala kasi namin ay barriotic. Iyon pala ay sibilisado. Gayunpaman, nawala iyon nang hainan kami ng masasarap na pagkain. Andami kong nakain.
Pagkakain, ipinasyal nila kami sa kanilang lupain. Sayang, di naman naabutan ang rambutan. Pero, nag-enjoy kami.
Pagdating namin ay ala-una na. Kumain na naman kami. At pagkatapos, inilibot nila kami sa maganda nilang lugar. Naenjoy ko iyon.
Alas-tres, umalis na kami. Pinadalhan kami ng pansit habhab at sinaing na tulingan. May dala rin kaming halaman.
Dumiretso ako sa Antipolo. Past nine na ako dumating kasi natagalan ako sa kalsada. Pagbaba ko sa Santolan, ang hirap makasakay. Nilakad ko hanggang Sta. Lucia. Sumakay ako hanggang Masinag. Doon lang ako nakasakay papuntang Gate 2. Whew! Ang hirap.
Oktubre 12, 2014
Nakatulog ako ng halos 8 oras. Ang sarap sa pakiramdam.
Sinimulan ko ang pag-upload ng pictures na hindi ko natapos kahapon. Ang bagal ng net kaya natagalan ako. Inaabot ako ng alas-dos.
Natulog naman ako pagkatapos. Gumising lang ako ni Mama, bandang alas-5 dahil may bumibili ng halaman. Presyuhan ko daw. Ayos, nakabenta si Mama ng P200. May kulang pa ang buyer ng P100. Makakadagdag sa iniwan kong pera.
Pumunta si Flor para ibigay sa akin ang P10K na galing kay Jano. Isi-save ko iyon para sa mga pangangailangan ko.
Kasunod ng pagdating niya ay ang balitang kinakamkam na naman ni Evelyn ang kapirasong lupa na ibinigay na sa amin. Binakuran na nga kami, gusto pa niyang kunin. Nabuwisit ako. Nakakasuklam na ugali!
Nagparaya na lang kami ni Mama, kalaunan. Wala din kasing kahahantungan kung makikipag-agawan pa kami sa lupa. Tutal, kumukuha na ako ng bahay sa Tanza, gusto naman ni Mama doon, kaya mananahimik na lang ako. Ba hala na si Hesus sa mga gahaman.
Naunawaan ko na kung bakit hindi tinulot ng Diyos na matubos ni Ate Ning ang sanla sa akin. Kasi kung nangyari iyon, malamang nagastos lang sa pagpapagawa niyon at malamang masayang lang. It's God's will.
Umalis ako sa Bautista ng alas-7 at ligtas akong nakarating sa Paco ng alas-9.
Oktubre 13, 2014
May collaborative publishing training kami JRES. Sinundo ko
pa si Nicole kaya na-late kami ng kaunti. Mabuti at may mas late pa sa amin.
Habang nasa training ang mga bata, nakagawa ako ng test questionnaire
sa Math. Ala-una, natapos ang training kaya di ko natapos. Pero, bago kami
lumabas ng JRES, pumunta si Sir Erwin para makausap ako. Nagkaroon kami ng
kaunting oras para makapagkuwentuhan.
Isinama ko si Nicole sa pagbili ng documentary stamps sa
post office at sa pagkusa ng contribution list ko sa Pag-ibig. Matagal natawag
ang number ko, pero mabilis lang akong nabigyan ng kailangan ko. Nakarating
kami sa school bandang alas-tres.
Nakapagpasa pa ako ng mga papers ko sa promotion. Natawagan ko na rin ang RCBC
hotline. Nalinawan na ako. Tapos, naipagpatuloy ko na ang paggawa ng test.
Pag-uwian, nagbayad ako ng bills ko. Almost 7k ang binayaran
ko. Nalungkot ako kasi ganun pala kalaki ang utang ko. Halos maubos na ang pera
ko. Nagalaw pa ang pera na galing kay Jano.
Pagdating ko, ginawa ko agad ang test questionaire ko sa Filipino.
Andami kong dapat gawin. Naglaba pa ako. Naisantabi ko na nga ang Wattpad at
blog. Di bale, malapit na ang sembreak..
Oktubre 14, 2014
Naglaba ako kaya maaga akong bumangon. Na-late nga lang kami ni Nicole sa pagpunta sa JRES. Hindi naman kami ang nahuli.
Huling training na namin yun sa collaborative. Ready na kami sa Sabado.
Past one ay nasa school na ako. Nagpagawa ako sa klase ko habang tina-type ko naman ang test ni Mamah.
Naayos ko din ang ibang requirements ko sa housing loan ko. Kulang pa ng billing address at barangay clearance.
After class, pumunta na kami sa school. Maagang dumating si Sir Erwin kaya sabay-sabay na kami. Kasama si Mam Jing. Nagkape at nag-dinner kami doon.
Nag-upload din ako ng pics namin gaya ng dati.
Wala lang akosa mood masyado kaya di ko na-enjoy ng husto ang bonding namin. Gayunpaman, masaya ako.
Nakauwi ako bandang alas-10. Antok na antok na ako. Di na ako nakapag-Wattpad.
Oktubre 15, 2014
Kagabi pa lang, sa hideout, ay nagdesisyon na akong umabsent ngayon. Kaya naman, nagpasarap ako sa tulog at higa. Alas-nuwebe na ako bumangon. Pagkatapos iyon na makaalis si Eking.
Alas-diyes y medya, pinuntahan ko si Ate Ella, ang katiwala ng inuupahan naming kuwarto para hiramin ang Meralco bill at ID card niya. Ang bill lang ang ibinigay niya. Hindi daw niya mahanap ang ID niya. Bukas na lang daw.
Tapos, pumunta ako sa barangay hall para kumuha ng barangay clearance. Sayang, paalis na ang treasurer kaya kinuha niya lang ang name, address, age at purpose ko. Bukas ko na lang daw kunin.
Pagbalik ko sa kuwarto, naglinis ako. Ilang araw na rin kasi akong pinipeste ng mga langgam. Tumitira sila sa pantalon ko, sa kumot at unan ko. Buwisit!
Nag-Wattpad ako. Nag-update. Nag-encode. Nanuod din ako ng Landmarks Net 25 sa Youtube. Nakakaengganyong mag-travel sa iba't ibang lugar sa Pilipinas. Medyo, mahal pero, nakakaproud kapag sa sariling bansa ka namamasyal.
Gustong-gusto ko nang makarating sa Corregidor Island. Ang ganda ng lugar. Napaka-historic. Isa-suggest ko kay Sir Erwin na huwag na muna kaming mag-Hundred Islands. Doon na lang kami. Ayoko kasing mag-swimming. Mas gusto ko lang ang trekking and the same.
Oktubre 16, 2014
Maaga akong pumunta sa school dahil nagtext si Baleleng na 7 AM daw kami susunduin ni Sir Mark para sa training ng broadcasting. Medyo late na nga aako nakarating sa school, mas late pa kaming nasundo. He he. Gayunpaman, happy ako at ako ang huling nakadalo sa training. Akala niya ay nagsakit-sakitan lang ako. At may nilakad daw ako.
Pasado ala-una ay nakabalik na ako sa Gotamco. Pagkababa ko ng printer at bag ko sa SBM room ay umalis na ako para bumili ng black ink sa HP. Need namin sa broadcasting.
Pauwi, pinag-isipan ko kung bakit hindi ako sinama ni Donya Conching sa INSET as resource speaker. Bilang Filipino Coordinator ay dapat isa ako sa magbibigay ng talk. Kaya pagdating ko sa GES, kinuwestyon ko agad ang matrix na tina-type ni Mam Jing. Si Tita ang kausap ko. Nagtaka din siay kung bakit wala ako, samantalang nagatnong daw si Donya kung sino ang mga coordinator. Gigil na gigil ako. Ayaw ko na hinahadlangan ang kakayahan ko.
Ipapatawag daw niya si Donya pagkatapos ng recess. Gusto ko na sanang komprontahin kaso pinigilan ako ni Mamu. Mabuti na lang dahil, nag-sorry si Conching. Na-overlook niya lang daw. Iyong para sa akin ay napunta kay Bel. Roles and Resposibilities of a Teacher ang topic ko. I thanked her pa rin. But then, isa na namang lamat ang sumira sa tiwala ko sa kanya.
Dumating si Sir. Nagkainan kami sa dati naming kinakainan. Kasama namin si Plus One, si Gloria at si Mamah. Usap-usapan namin ang nangyari sa akin. Gusto kong ipaalam sa kanila na marunong akong lumaban lalo na kapag ako ang naaapakan.
Nagkape pa kaming 3some sa hideout. Ang tinapa issue naman ang pinag-usapan namin. Natutuwa kami dahil naiintriga sila ng husto sa samahan namin.
Nagtext si Eking habang nasa hideout pa ako. Bibiyahe na raw siya ngayon pauwi ng Bulan. Sasabay siya kay Kuya Jape sa truck. Natuwa ako, lalo na nang malaman ko na nasa boarding house na rin si Epr.
Nakauwi ako pasado alas-otso. Masakit pa rin ang ulo ko. Kanina pa ito pagkatapos ng training ko.
Oktubre 17, 2014
Nakuha ko ang baangay clearance ko. Ilang minuto lang akong naghintay. Ipinabigay ko na iyon lang kay Mareng Janelyn, kasama ng iba pang requirements.
Sinumlan ko kaagad ang review sa Math sa klase ko. Walang palitan kaya maghapon kaming nag-Math review. Enjoy naman sila kasi five items lang ang binibigay ko tapos nagche-check agad kami. Nagbigay pa ako ng plus 1 sa test kapag na-perfect nila ang five items. Then, magbibigay uli ako ng lima pa, hanggang maubos namin ang test questions. Given numbers lang naman ang binigay ko. Diskarte na nila iyon kung kokopyahin nila ang sagot o hindi.
Boring ako maghapon. Walang tawanan. Nakakamiss ang 3some. Ibang-iba kasama si Donya Conching. Aba'y sinabihan ba naman ako na 'turista' daw ako. Nadulas lang siya. Gustong magbiro. Mabuti nga pinakikiharapan ko siya. Sa ginawa niya sa akin kahapon, sira na siya. Nakikipag-compete sa akin saka ang baleleng niya. No way!
Pag-uwi ko, may nag-text sa akin. Isang Quipper School Admin. She is willing to help me. So, I asked questions, then I tried it. Nakuha ko kaagad. Nakuha din ni Allysa Jacobe. Nag-add din ako ng iba pa.
Sana magamit o ma-maintain ko ito. Maganda kasi para sa mga bata. Nakaka-inspire.
Maaga akong gigising bukas para sa MMYWCC sa Valenzuela City. Sana maganda ang output at performance ng teams namin.. God bless us all!
Oktubre 18, 2014
Alas-tres pa lang ay gising na ako. Nauna pa ako sa alarm ko. Kaya, maaga akong nakarating sa ABES kasama sina Aila at Nicole, kahit natagalan ako sa pagsakay. Natagalan din kami sa paghihintay kay Sir Ivan.
Mabilis lang nakarating ang service namin sa Valenzuela City Astrodome, kung saan idadaos ang 35th MMYWCC. Sa sobrang aga, antagal naming naghintay. Past nine na nagsimula.
Nang maiayos namin ang mga bata sa kanya-kanyang category, napasama kami sa sasakyan ng North District para kumain sa Jollibee.
Nakasalamuha na naman ako ng bagong mga kaguro.
Then, antagal naming nahintay sa broadcasting team. Inantok ako sa paghihintay. Halos, uminit na rin ang puwet ko s aupuan.
Three na sila natapos.
Bago kami bumiyahe pauwi, nag-pictorial muna kami.
Mabilis sana kaming nakalabas ng Valenzuela, kaya lang natrafic kami sa EDSA. Ang tagal ng biyahe namin. Alas-siyete ko na naihatid ang dalawa sa kanilang bahay. Ang sakit pa naman ng ulo ko. gayunpaman, thankful ako dahil ligtas kaming nakauwi. Isa pa, medyo maganda naman ang kinalabasan ng laban ng mga team namin. Mukhang makakapsaok kami sa national level. Sana..
Oktubre 19, 2014
Pasado alas-diyes ay nasa SMX na ako para sa Manila Fame. Habang hinihintay ko sina Sir Erwin ay pumunta muna ako sa malapit na simbahan doon ng Katoliko. Nakinig ako ng sandali sa misa ng pari. Maya-maya, kumuha ako ng mga pictures ng simbahan. Pumunta din ako s a Seaside para kuhaan ang ferrris wheel.
Alas-onse, nagtext na si Sir. Patapos na raw ang misa.
Agad kaming pumasok sa event venue. Namangha kami sa mga designs at crafts. Sobrang gaganda! Pang-export talaga. Gawang Pinoy!
Panay ang kuha namin ng litrato, habang sawang-sawa ang mga mata namin sa mga nakikita. Sulit!
Nag-treat ang wife ni Sir sa Max's. Nahihiya ako pero nilakasan ko ang loob ko. First time ko kasing nakasalo si Mam Marilyn. Okay naman siya. Mabait at maasikaso.
Bumalik kami sa SMX at muling nag-enjoy ang aming mga mata, puso at isip. Busog na busog ang aking utak. Andami kong napulot na ideas at inspirasyon.
Alas-kuwatro ay lumabas na kami. Pinasalamatan ko silang mag-asawa.
Nag-text si Emily, banda quarter to seven. Pupunta daw siya dito bukas. May bonding pa naman kami s ahideout. Bahala na.
Pasado alas-diyes ay nasa SMX na ako para sa Manila Fame. Habang hinihintay ko sina Sir Erwin ay pumunta muna ako sa malapit na simbahan doon ng Katoliko. Nakinig ako ng sandali sa misa ng pari. Maya-maya, kumuha ako ng mga pictures ng simbahan. Pumunta din ako s a Seaside para kuhaan ang ferrris wheel.
Alas-onse, nagtext na si Sir. Patapos na raw ang misa.
Agad kaming pumasok sa event venue. Namangha kami sa mga designs at crafts. Sobrang gaganda! Pang-export talaga. Gawang Pinoy!
Panay ang kuha namin ng litrato, habang sawang-sawa ang mga mata namin sa mga nakikita. Sulit!
Nag-treat ang wife ni Sir sa Max's. Nahihiya ako pero nilakasan ko ang loob ko. First time ko kasing nakasalo si Mam Marilyn. Okay naman siya. Mabait at maasikaso.
Bumalik kami sa SMX at muling nag-enjoy ang aming mga mata, puso at isip. Busog na busog ang aking utak. Andami kong napulot na ideas at inspirasyon.
Alas-kuwatro ay lumabas na kami. Pinasalamatan ko silang mag-asawa.
Nag-text si Emily, banda quarter to seven. Pupunta daw siya dito bukas. May bonding pa naman kami s ahideout. Bahala na.
Oktubre 20, 2014
Nagsimula na ang INSET namin kanina. Ako ang naging emcee kasi absent si Mamu. Okay lang naman. Gusto ko nga ang mag-talk sa harap ng madla.
Malungkot lang ako kasi wala ang mga kaibigan ko. Napansin nga ni Mam Ana.
Mabuti nga na lang ay dumating si Sir Erwin. Umaliwalas ang mukha ko. Naging masigla at maingay ang hapon namin.
Alas-4, pumunta kami sa hideout, kasama si Archie. Akala namin ay nandun na si Mamu. Wala pa pala. Gayunpaman, nag-enjoy kaming apat. Natutuwa ako at may bago kaming recruit.
Bago mag-alas-siyete ay nakauwi na ako. Darating kasi si Emily.
Dumating siya ilang minuto pagdating ko. Nagkuwentuhan kami gaya ng dati..
Oktubre 21, 2014
Sabay kaming lumabas ni Emily sa boarding house. Papunta siya sa Caloocan para asikasuhin ang kanyang employment certificate. Ako naman ay papunta sa school para sa second day ng INSET.
Alam kung masaya siya sa ipinaparamdam ko sa kanya. Mas inspired siya ngayon na magtrabaho abroad. Alam ko rin na umaasa siyang magkakabalikan kami.
Okay naman ang training sa school, lalo na nang dumating si Mamu. Tapos, sa lunch break, dumating din si Sir Erwin.
Alas-dos, pumunta kami sa JRES para sa opening ng Teachers' Sports Fest. Kasama ng 3some sina Sir Vic, Pareng Joel, Mam Joann, Ma Fatima, Mam Leah, Sir Archie at Donyang Ineng.
Pagkatapos ng opening, naiwan kaming tatlo doon dahil ang iba ay pumunta sa Baclaran. Si Archie ay nagbayad ng bill.
Nauna kaming tatlo sa hideout. Maya-maya ay dumating na si Don Facade. Ang saya-saya na ng usapan namin. Naglabas na rin ng kuro-kuro, saloobin at opinyon si Don Facade. Napalagay na ang loob ko sa kanya. Masarap pa siya magluto. Nagluto siya ng toge na may tofu.
Natagalan kami sa kuwentuhan at tawanan. Quarter to nine na kami nakalabas ng hideout. Bitin, pero masaya.
Oktubre 22, 2014
Maaga pa akong nakarating sa school kaya nakapagdilig pa ako. Tapos, nakapag-voice out pa ako tungkol sa kahihiyang natamo ng GES kahapon sa opening ng Sports Fest, dahil sa kapabayaan ng principal namin. Sinabi ko ang damdamin ko at mga hinaing ko.
Maya-maya, pumunta na sina Donya Choling at Mam Loida sa office. Pagbalik nila, pumayag na si Mam D na half-day lang ang INSET poara suportahan ang laro ng GES players.
Later, pumasok siya at pinasalamatan kami ni Pareng Joel for oir initiave. Plastic. Hindi ko siya tiningnan.
Naging vocal ako ngayon araw. Nag-share kasi ako ng ideas at complaints ko. Agree naman ang karamihan sa kanila.
Two PM, nasa JRES na kami. Pinanuod lang namin ang laban ng players namin sa volleyball girl at umalis na kaming lima papuntang hideout.
Doon ay nagluto si Don Facade ng pansit bato. Ako ay gumawa ng ensalada gaya ng nakain namin ni Sir Erwin sa Tiaong. Bumili pa ng ice cream si Donya Ineng. Daming pagkain. Busog!
Masaya ulit kamimg nagkuwentuhan at mag-share ng ideas. Lumalalim na rin ang attachment sa isa't isa.
Alas-otso ay nakauwi na ako.
Oktubre 23, 2014
Nagmadali akong pumasok sa school para ihanda ang sarili ko sa pagiging discussant. Pagdating doon ay inihanda ko na ang projector na gagamitin ko. Tapos, naiayos ko na rin ang mga papeles na ipapasa uli sa Division Office.
Umaasa akong last na iyon. Maghihintay na lang ako ng appointment paper.
Hindi naman ako nakapag-talk agad kasi naging mainit ang usapan tungkol sa problema ng Grade Six teachers. Nauwi ito sa palitan ng mga saloobin, na hindi naman nasolusyunan. Itinago ko pa ang mic para tumigil na sila.
Alas-onse na yata iyon nang makapagsimula ko.
Maayos ko namang nai-deliver ang topic ko. Nag-play muna ako ng nakakaiyak na video about pupil and his teacher. Related iyon sa topic ko na "Role and Responsibilities of Teachers".
Then, I discussed my topic clearly and enthusiastically. Naging attentive ang mga kaguro ko. Tapos, nagkaroon pa kami ng activity, wherein napagsalita ko sila.
Halos nasabi ko lahat ang mga nasa isip ko. Nakapagpatawa pa ako. Hindi pa ako naging bitter sa mga taong bitter sa akin. In short, naging source ako ng learning.
I really love public speaking. Sana lagi akong bigyan ng topic na maganda.
After lunch, naging mainit uli ang usapan. Hindi naman ako bitter. Nag-share lang naman ako ng mga ideas at tips. Nasambit ko rin ang hideout, 3some at ang mga activities namin doon. I pointed out na hindi kami nagtsitsismis, kundi nagshishare ng mga ideas.
Naipagmalaki ko rin ang mga husay ni Sir Erwin at mga magandang naidulot niya sa amin.
Naipayo ko kay Mareng Janelyn na kaya sila nagka-clash ni Sir Hermie ay dahil hindi sila kumakain ng sabay-sabay o hindi sila nagsasalu-salo, gaya ng ginagawa namin sa hideout.
Pagkatapos, nanuod kami ng laban ng volleyball girls sa JRES. Talo sila, pero masaya kami.
Since, ayaw pa nina Mamu at Donya Ineng na umuwi dahil gusto pa nilang manuod ng laban ng boys, niyaya na kami ni Sir Erwin na kumain sa labas. Trineat niya kami sa Jollibee. Siguro, dahil iyon sa flat one niyang grades sa masteral.
Doon, ikinuwento ko lahat ang mga naganap.kanina sa INSET. Katulong kong nagkuwento sina Mamah at Don Facade.
Ang saya-saya ko ngayong araw. Natuto na ako, nakapag-share pa ako ng ideas. Naka-bonding ko pa ang mga friends ko.
Bukas, last day ng INSET at trip to Pangasinan..
Oktubre 24, 2014
Last day ng INSET namin. Maaga kaming natapos, pero di pa rin kami nakaalis agad, nanuod pa kasi kami ng volleyball sa JRES.
Past 4 na kami nakaalis nina Sir Erwin, Mam Edith at ang asawa niya. Alas- diyes na kami nakarating kina Mia. Na-traffic kasi kami sa EDSA.
Sobrang gutom, antok at pagod na ako habang naghihintay kina Mam Loida.
Oktubre 25, 2014
Alas-singko ang usapan ng pag-alis namin mula kina Mia papunta sa Alaminos. Pero, eksakto alas-singko pla naiset ang alarm. Kaya ang sumatotal ay alas-8 kami nakaalis. Okay lang, at least natuloy kami. Pasado alas-onse na nga lang kami nakarating sa Hundred Islands.
Namamgha ako sa ganda ng mga isla. Sulit! Ang ganda! Ang saya-saya.
Kakaibang experience. Nakapaligo na, nakapag-sight-seeing pa. Nakapagdala pa ako ng corals at bato.
Alas-otso n.akami nakabalik kina Mia. Isang masagamang dinner ang naabutan namin. Idagdag pa ang mga tira naming pagkain. Fiesta talaga.
Pagkatapos kumanta, magbideoke kami. Hanggang alas-onse lang kasi, sobrang antok ko na.
Thanks, God! Natuloy.din ako. Hindi man ako nakasama kina Mareng Lorie noong Mayo, natuloy naman ngayon. Isa na naman itong milesstone sa buhay ko.
Oktubre 26, 2014
Alas-sais ay nakapaligo at nakabihis na ako. Ready na ako para umuwi. Kaya lang, naghintayan pa kami. Nakatulog mga ako sa paghihintay. Paggising ko, isang malapistang almusal na naman ang naganap. Sarap!
Alas-9, umalis na kami. Dumiretso kami sa Manaog. Pasado-alas-onse na namin narating ang simbahan. Nadisappoint ako. Akala ko kasi ay lumang-luma na ang iyon. Pero, na-enjoy kmai ni Sir Erwin. Nilibot namin at nagpicture. At least, nadagagan na naman ang collection ko ng church pictures.
Pagkatapos, naglunch kami sa Hardin sa Paraiso. Nadaanan lang namin.
Ang ganda ng lugar. Native ang mga design ng cottage. Maganda ang landscape. Na-appreciate naming lahat. Kaya, andami naming pictures.
Pasado, alas-6 ay nasa Caloocan na kami. Niyaya kasi kaming mag-stopover sa bahay ni Sir Erwin. Doon ay naghanda si Mrs. Climacosa ng dinner. Sarap! Nabusog ako.
Alas-otso ay nasa boarding house na ako. Pagod ako pero maligaya. Ang sarap talagang maglakbay at mamasyal!
Oktubre 27, 2014
Nagmadali akong naghanda para nakasabay ako saang service ng West District schools. Tinext ko si Sir Ivan at Mam Ruby. Pero, ang huli lang ang nakatext ko. Nakaligo na ako nang sabihin niya na paalis na sila at hindi na ako mahihintay. Nasa school na ako, nang mag-reply naman si Sir Ivan.
Pagdating ko sa school, hindi na ako umasang susunduin, lalo na nang makita ko ang memo na alas-otso pala ang start ng awarding ng 35th MMYWCC. Nalungkot nga rin sina Aila at Nicole nang sabihin kong di na kami pupunta.
Alam ko, may hokus-pokus na namang naganap. Hindi kasi sa akin naipakita ang memo, last week.
Hindi bale na.
Malaman-laman ko, hindi rin pala kami nanalo. Mabuti na rin palang di kami nakapunta. Gastos lang din.
Nagsimula na kaming magbigay ng test, though bukas pa ang simula. Gusto ko na rin kasing makapagbakasyon na ang mga bata. Ang nakakainis lang ay may mga Science Camp, Halloween Party at UN parade pa daw. Kakainis! Wala naman sa plano at timing ang mga pakulo ng admin.
Gayunpaman, hindi ako naging kontrapelo. Hindi ko na lang masydong seseryusuhin. Kung kaya kong tumulong ay tutulong ako.
Past 4, dumating si Sir Erwin. Pupunta kasi kami sa hideout.
Sa hideout, kumpleto kami: 3some, Don Facade, Donya Ineng at Plus One. Nag-dinner kami ng barbeque at ginisang sayote sa sardinas.
Tawanan, kulitan at kuwentuhan ang mga sumunod na pangyayari.
Past seven, umuwi na kami.
Oktubre 28, 2014
Bago mag-alas-kuwatro ng umaga ay gising na ako. Maya-maya lang ay nagbabanlaw na ako ng dalawang pantalong binabad ko kagabi. At, pasado alas-kuwatro y medya ay nasa biyahe na ako. Past five naman ako dumating sa school. Napakaaga ko pa. Madilim pa sa classroom ko. Mabuti ay bukas na ang canteen kaya nakapagkape pa ako bago ako umakyat.
Pagkatapos ng flag ceremony, sinimulan ko kaagad ang pagbigay ng test. Habang ginagawa nila iyon ay nakapag-update pa ako ng Redondo ko.
Habang nagtetest sila ay marami rin akong nagawa. Nasabihan ko si Tita Lolit na magla-lunch kami sa Tramway mamaya. Na-text at na-invite ko rin si Mom Lopez, since magkikita sila ni Mamah. Then, nakapag-wiring ako ng bino-bonsai kong bougainvillae.
Past eleven, pilit na pinababa ang mga bata para sa demo ng Tupperware. Naiiinis ako. Nagmamadali kasi akong makapapunta na sa Tranway. Nagugutom na kasi ako. Idagdag pa ang approach sa akin ni Mah. Inutusan nila akong maging photographer na naman. Tumanggi ako. Ang mga contestants sa photojourn ang pinakuha ko ng pictures.
Si Mah naman ay nagsabing ipunin ko daw ang pictures ng mga events para sa diyaryo at accomplishment report niya. naiinis ako. Nakaramdam na naman ako ng pansarili niyang kapakanan. Kapag ang suporta niya ang kailangan ko, wala siya. pero, kapag ako ang kailangan niya, ang bilis-bilis niya akong ipatawag. Unfair! Bahala siya. I will dilly-dally..
Nalulungkot ako na hindi nakasama si Sir Erwin sa lunch namin saTramway. Siyam lang kami (Ako, si Mamah, si Mamu, si Tita, si Donya Ineng, si Don Facade, si El Presidente, si Plus One at si Mam Glo). Masaya naman pero iba sana kung naroon si Sir.
Nabusog ako ng husto, lalo na nang pasalamatn nila ako.
Bumalik ako sa school. Nag-upload lang ako ng ibang pix sa Pangasinan, tapos umidlip ako. Pasado alas-kuwatro na ako nagising. Wala ng pupils sa school.
Pumunta ako sa hideout sa pag-aakala kong naroon sina Mamu. Wala pala sila. Tumambay muna ako sa may Taft, bago pumunta sa Metropoint kung saan makikipagkita ako kay Sir Randy dahil ibibigay ko sa kanya ang Math book na kailangan niya sa SIM niya.
Nauna akong dumating sa kanya.
Sa aghihintay ko ay muntik na akong maloloko. At ung bakit, mababasa ito sa artikulo kong may pamagat na "Mag-ingat sa mga Mapanlinlang". Sinulat ko ito pagdating ko sa boarding house.
Oktubre 29, 2014
Ako na naman yata ang pinakamaagang dumating sa school. Partida pa. Naglaba pa ako.
Natapos na ang exam ng mga bata. Kahit hindi na nga sila pumasok bukas. Kaya lang kailangan pa rin. May program pa kasi sa Friday. Nagpatulong nga si Mam Loida na magpagawa ng programme. Nag-contribute ako ng doxology. Si Mamu ay Hawaiian dance naman ang ituturo sa pupils niya.
Ten-thirty, pinauwi ang mga bata para bigyang-daan ang professional namin.
Tahimik lang ako habang nagmi-meeting, pero nagti-take notes ako. Wala namang nakaka-inspire na agenda. Mga dagdag trabaho lang. Ang nakakatuwa lang ay may libreng lunch si Mam at namigay ng bag.
Ala-una, nagsidatingan ang mga pupils ko na kasali sa doxology. Pinanuod ko lang sa kanila ang Youtube video at presto, nakuha agad nila. Bukas ay konting pulido na lang.
Alas-dos ay umuwi na ako. Pagdating, nag-FB sandali at umidlip ako. Tila, pagod na pagod ako kaya mag-aala-sais na ay nakahiga pa rin ako.
Inatupag ko na naman ang Wattpad at blog ko pagbangon ko.
Pasado alas-siyete, nasorpresa ako sa pagdating ni Emily. Hindi man lang nagtext o nag-PM sa FB. Di bale na. Mabuti maaga akong umuwi. Kung nagkataon, baka di niya ako naabutan.
Oktubre 30, 2014
Maaga na naman akong nagising. Pero, muntik na akong
ma-late. Ilang minute na lang ay alas-sais na. Kaya lang pag-punch ko ng time
card, nasa 1 na ang print. November 1 na pala ang date ng bundee clock. Sayang!
Dapat nagpa-late na lang din ako.
Gayunpaman, sinimulan ko ang klase sa pagpapa-check ng mga
papel sa mga bata. Nakapag-practice din ang mga pupils ko na magdo-doxology.
Tapos, nakapaglinis pa ako sa garden ko at nakapag-bonsai. Patay na patay
talaga ako ngayon sa pagbobonsai.
Hinintay ko si Mamuh na matapos niyang practice-in ang mga
pupils niya na sasayaw ng Hawaiian dance, kasi gamit niya ang laptop ko.
Quarter to 2 na sila natapos. Past two naman ako nakauwi.
Umidlip ako pagkatapos kong mag-Fb ng sandali. Hinayaan ako
ni Emily na makatulog. Sarap! Nakabawi ako ng antok.
Oktubre 31, 2014
Last day ng pasok ng umaga. United Nations Celebration at Halloween Party din namin sa school, kaya maaga akong umalis. Alas-syete kasi ang parade.
Sinamahan ko sa parada ang mga pupils ko. Konti lang sila kaya di ako nahirapan. Ang ilan sa kanila ay ang mga magdo-doxology.
Pagkatapos ng parade, naging photographer na naman ako. Ibinigay kasi sa akin ni Tita Lolit ang camera ng school. Pero kahit wala iyon, kukuha ko pa rin talaga ako ng mga litrato.
Past nine, natapos ang program. Okay naman. Medyo magulo pero andaming naka-costume. Na-realize ko namas gusto pa ng school, pupils at parents ang ganung program kesa sa Buwan Ng Wika o Buwan ng Nutrisyon. Nalungkot ako sa ideyang iyon.
Alas-diyes y medya, nakinig kami ng isang talk mula sa multi-level marketing. Nakakaengganyo ang mga salita nila pero di na ako interesado. Dati na akong naging biktima ng ganung negosyo. Ayoko na.
May free lunch si Mam pero kapalit niyon ay kailangan muna naming tapusin ang TQC plan. Kaya, nag-extend kami ng oras sa school. Sinundo pa naman kami ni Sir Erwin para i-treat kami at ni Mam De Paz sa Max's.
Hinintay ko si Tita na matapos niya ang mga gawain niya bago kami nakapunta sa Harrison Plaza. It was two PM.
Nagkuwentuhan kami tungkol sa pangyayari kanina between Plus One and Baleleng. Natatawa ako. Dahil lang sa picture ay nagkasamaan sila ng loob.
Past three na kami naghiwa-hiwalay. Tapos, nagkita na kami ni Emily sa Pedro Gil. DI na kasi ako umuwi sa boarding house.
Nag-grocery ako sa Puregold-Cubao. Kaya, natagalan kami at naabutan ng rush hour. Napag-FX tuloy kami. Mabuti naman kasi P10 lang naman pala ang difference ng pamasahe sa jeep.
Past seven na kami dumating sa Bautista.
Agad na niyakap ni Emily si Mama. Naluha sila pareho. Wthout saying a word, nagkapatawaran na sila. Hinahanap nga ni Mama si Zillion.
Nakakatuwa!
No comments:
Post a Comment