Followers

Tuesday, October 28, 2014

Mag-ingat sa mga Mapanlinlang

raming manlolokong nakapaligid sa atin. Nakamasid sa atin at naghihintay ng pagkakataon na tayo ay malinlang at maisahan.

May kakatagpuin akong kaibigan, isang gabi, para iabot ang librong ibibigay ko sa kanya. Magkikita kami sa isang mall sa Rotonda, Pasay. Sa HBC ang sabi kong lugar kung saan ako maghihintay, kaya pumunta ako roon.

Lalapit pa lang ako ay may nakangiti nang mga mata sa akin. Isang lalaking nasa kalagitnaang bente ang edad ang tumitig sa akin. 

Umupo ako at inabangan ang aking kaibigan, habang pasulyap-sulyap sa may kamahalan kong cellphone. Pilit ko itong ikinukubli sa aking bag.

Maya-maya, may dumating na isang lalaking kaedad ng lalaking patingin-tingin sa akin. Nag-usap sila. Hindi ko siyempre pinakinggan ang usapan nila. 

Lumipas ang ilang minuto, tumayo ako. Tumabi naman sa akin ang lalaki. Wala na pala ang kausap niya.

"May hinihintay ka?" tanong saa kin ng lalaki. Hindi niya ako tiningnan.

"Hindi ko rin siya tiningnan. "Wala!" sagot ko. Nahulaan ko kaagad ang intensiyon niya--- na linlangin ako. Kung anumang modus ang gagawin niya o nila ay hindi ko alam. pero, ramdam ko na manloloko siya. Ang magtanong ka lang sa estranghero kung may hinihintay ka ay isa nang kaduda-dudang gawain. 

Umalis ako sa lugar na iyon at tumayo ako malapit sa entance ng mall, na malapit sa guard. 

Mula doon ay natanaw ko ang mokong na sinilip pa ako. Nagkandahaba pa ang leeg sa pagtingin sa kinaroroonan ko. 

Nakakatuwa pa, naroon na pala ang kaibigan ko. Sa kagustuhan kong makalayo doon, dahil naroon pa rin ang manloloko, ay nagpaalam agad ako sa kanya pagkaabot ko ng libro. Gusto pa sana niya akong ilibre ng dinner, pero nagpakita ako ng kagustuhang makauwi na.

Nakita ko pang nakatingin pa sa amin ang lalaki habang nag-uusap kami ng aking kaibigan. May kasama naman siyang babae kaya kampante akong hindi siya ang malilinlang.

See? Kung nakipag-usap ako sa taong iyon, malamang may nangyaring masama sa akin. 

Kaya, mag-iingat tayo sa mga mapanglinlang. Nakakalat lamang sila sa tabi-tabi at handang manlamang.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...