Followers

Sunday, October 5, 2014

Redondo: Picnic

Dahil araw naman ng Linggo, naisipan kong yayain si Daddy at si Dindee na magpicnic sa Luneta. Pumayag naman si Daddy dahil gusto niya rin mag-relax. Si Dindee, ang bilis umuo. Madaya nga daw ako last time na pumunta akong mag-isa.

Kaya, nagluto agad si Daddy ng lunch namin para ibaon. Mas practical daw kung magbabaon kami. Saka, mas picnic daw talaga na matatawag iyon kesa sa mga pagkain sa fast food.

Naglinis naman kami ni Dindee, habang nagpi-prepare si Daddy.

Alas-diyes ng umaga ay nasa Luneta na kami. Mainit na, pero ayos lang kasi sa Japanese Garden naman kami pumasok. Naglatag kami doon ng folding mat para makahiga-higa.

Maghapon kami doon. Nagpiktyuran. Nagkainan. Nagtawanan. Nagkuwentuhan. Nagkulitan. Grabe! Ang sarap kasama nina Daddy at Dindee. Ang kulit ni Daddy. Nagpapa-picture na tapos ng puno o habang nakasabit sa sanga ng puno. Parang unggoy lang. Tawa ng tawa ang girl friend ko. 

Nang mapagod na kami sa kaka-picture, naggitara naman ako. Halos solo kasi namin ang lugar kaya para kaming banda doon. Nakikikanta kasi ang Daddy ko at si Dindee. Wala namang lumalapit sa amin kaya lang napapatingin ang iba. Ayos lang! Kahit paano ay may audience impact. 

Panay naman ang shot ni Dindee habang naggigitara ako. 

Sobrang saya ng picnic namin. No dull moment. Sarap ulit-ulitin.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...