Followers

Friday, October 3, 2014

Redondo: Teachers' Day

Wala kaming broadcasting training ngayong araw dahil may teachers' Day celebration ang mga ka-team ko. Pumasok ako, pero, nagpaalam din ako kay Mam Dina, bago mag-uwian. Nauna lang akong umuwi. Kailangan ko pa kasing bumiyahe papunta sa school ni Mommy.

Bago ako nakalabas ng school, nagtext si Daddy. Nasa school na rin daw siya. Hinintay ko muna siya bago ako tuluyang lumabas. 

Sinabi lang niya na batiin ko daw si Mommy nga "Happy Teachers' Day' para sa kanya. 

"Ayie! Bakit di niyo na lang po i-text."

"Wag na." Ngumiti pa siya. "Sige na, lakad ka na. Ingat!"

"Sige po, Dad!"

Sa school ni Mommy, naabutan ko pang nagkakainan sila ng mga co-teachers nila. Noon pa lang sila nag-lunch kasi nag-rehearse daw sila ng sayaw. 

Pinakain din ako ni Mommy. Then, hinayaan niya akong mag-practice sa classroom niya.

Alas-dos, nagsimula na ang programa. Kalagitnaan ng programa ako natawagan. Suwabeng-suwabe ang pagkakanta ko. Andaming kinilig, lalo na ang mga bagong teachers. Hindi man nila sabihin ay naramdaman ko ang tuwa at kilig na naibigay ko sa kanila.

"Wow! Amazing! Thank you, Red Canales! Your Mom is so proud of you! Thank you, once again!" sabi ng dalagang emcee. "More?" Tanong niya pa sa audience. 

"More! More!" sagot naman ng mga manunuod.

Wala akong nagawa kundi kumanta uli ng isa pa. "All of Me' ang inawit ko. Hiyawan silang muli.

Nakakataba ng puso. Nakakatuwa din dahil sa dalawang awitin ko ay napaligaya ko ang mga guro pati na rin ang mga mag-aaral.

Hindi muna ako pinauwi ni Mommy. Hinatid ko siya sa kanyang inuupahang bahay dahil andami niyang natanggap na regalo. Cakes, flowers, chocolates, prutas, pastries, blouses, at kung anu-ano pa. Ipinauwi niya nga sa akin ang ibang pagkain. 

Tuwang-tuwa sina Daddy at Dindee sa mga dala ko sa kanila. Sabi nga nila, para daw akong nag-grocery. 

"Red, mag-teacher ka na lang din..para marami kang gift na matatanggap pag Teachers' Day." sabi ni Daddy. Nagbibiro lang.

"Pwede!" sagot ko naman.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...