Followers

Sunday, October 19, 2014

Redondo: Labada

Alas-nuwebe na ako nagising. Nabawi ko na rin ang puyat ko kahapon. Samantalang si Dindee, maaga daw siyang gumising para maaga niyang matapos ang mga labahin niya.

Pagkaalmusal ko, hinaranahan ko si Dindee habang nagbabanlaw siya. Nawawala daw ang pagod niya. 

Tinulungan ko siyang magsampay. Iyon lang kasi ang gusto ko sa paglalaba--ang bahaging magsasampay na. He he.

"Ang tanda mo na. Sana ikaw na ang naglalaba ng mga damit mo." usig sa akin ni Dindee. Pabiro pero seryoso.

"Ayaw ni Daddy, e!"

"Ayaw ni Daddy o ayaw ni Baby? Ows!? Palusot! Ang sabihin mo..tamad ka lang."

"Grabe ka naman. Hindi naman talaga ako pinaglalaba ni Daddy." Sumimangot ako para tigilan na niya ang pang-uusig sa akin.

"At gusto mo naman? Sus! Hindi dahilan yun! Kasi paanoo kung di na kayo magkasama ng Daddy mo? Sino maglalaba?"

Ngumiti ako. Tiningnan ko siya. "Ikaw!"

"Hay, naku, Redondo! Ngayon pa lang maghiwalay na tayo.."

"Bakit? Para yun lang.."

"Pano kung..? Ah, basta..gusto kong mag-aral kang maglaba."

"Oo na. Bukas, maglalaba ako ng mga medyas ko."

Nanlaki ang mga mata ni Dindee. "Medyas lang?!"

Tumawa na lang ako ng tumawa. Tapos, hinablot ko ang katawan niya palapit sa katawan ko. Niyakap ko siya. "Mahal mo naman ako di ba?"

"Ewan ko sa'yo! Parang hindi na.."

Ang kulit niya. Andaming sinasabi. Gusto niya talaga akong matutong maglaba. Bahala na. I'll try. Maganda naman ang intensyon niya. Para sa akin naman ang gusto niyang mangyari.

Naisip ko... try ko kayong tumanggap ng labada. Hehe.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...