"Ingat! Umuwi ka kaagad. Huwag magkakapagod. Di ka pa magaling. Bye!" Iyan ang sabi sa akin ng sweet kong girlfriend nang maghiwalay kami ng way para pumasok sa kanya-kanya naming school.
Ang sweet niya. Ginagawa niya akong bata.
Gayunpaman, ginawa ko naman ang mga sinabi niya. Kaya lang, kailangan talaga akong mapagod dahil may training pa rin kami ng radio broadcasting.
Madugo ang practice. Nakakapagod din kahit boses lang ang ginagamit.
Kaya, nang makauwi ako, hindi ko na nagawa pang makipagkulitan kay Dindee. Nag-kiss lang ako sa kanya, tapos natulog ako. Hindi naman siya nagtampo dahil busy din siya sa mga reports niya.
Alas-siyete, ginising ako ni Daddy para kumain.
Sa hapag, nagsalita siya. Pupunta daw siya sa school ko bukas para sa celebration ng Teachers' Day. Maghahanda sila. Natuwa naman ako sa sinabi niya pero di na ako nagsalita kasi baka humaba pa ang usapan. Gusto ko nang matulog uli.
Wala kaming training bukas, pero matutulog ako ng maaga. Nag-good night na ako kay Dindee. Kiniss niya nga ako sa pisngi.
No comments:
Post a Comment