Okay na naman ang sugat ko. Medyo natuyo na. Sa tulong at matiyagang pag-aalaga sa akin ni Dindee ay mabilis itong gagaling at magiging peklat. Wala na rin ang takot at galit ko kay Leandro. Napatawad ko na siya.
Nagkausap uli kami ni Riz kanina. Gumawa kasi siya ng paraan na magkatabi kami. Nagpatulong na naman siya, but that time, kay Roma naman. Kunwari, tinawag ako ng best friend na upang magpaturo sa Math. Iyon pala ay makikipag-usap lang sila sa akin.
Wala namang masama sa action nila. Nakipagkulitan lang sila. Simula kasi nang maging kami ni Dindee ay naging malayo na ako sa kanila. Ngayon ay ibinabalik nila ang dati naming samahan.
Nakisali na rin sina Nico, Rafael at Gio. Napagalitan pa nga kami ng guro namin sa THE. Ang ingay kasi nila masyado habang may activity kami.
Kaya, pagkatapos ng klase ay nagkayayaan kaming mag-KFC (Kikiam, Fishball at Coke). Ang ingay talaga nila, kahit sa public place kami. Hinayaan ko na lang din kasi masaya naman at hindi nakakasakit ng kapwa. Ang mahalaga ay buo uli ang samahan namin.
Alas-tres na ako nakauwi. Inabutan ko nga si Dindee na nagpi-Facebook.
Hindi naman siya nagtanong kung saan ako galing, kaya di ko rin sinabi. Saka, di ko rin naman talaga ikukuwento. Selosa pa naman siya.
Pagkabihis ko ay niyaya niya akong manuod ng Youtube videos. Nanuod kami ng mga videos ng Jamich. Idol niya raw ang dalawa. Well, okay naman. Kahit paano ay nakakatuwa at nakakakiIig naman ang mga stories nila.
Tinuruan niya rin akong gumawa ng Wattpad account. Narinig ko lang ito kay Riz at Roma. Nagkainteres ako. Someday, magsusulat ako.
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pinakamasamang Kuya
Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment