Followers

Sunday, November 30, 2014

Angel

Halos mapaiyak sa sakit ang dalagang nagpa-abort kay Dra. Baby. Nawalan ito ng malay, pagkatapos. Tumutulo naman ang luha ng abortiyonista habang inilalagay sa botelya ang fetus.


“Ito na ang huling beses na gagawin ko ito.” wika ng doktora pagkatapos tanggapin ang pera sa boy friend ng dalaga. Iniabot naman niya ang botelya.


“Salamat po at napagbigyan niyo pa po kami.”


Matamlay na tiningnan ni Dra. Baby ang lalaki. Tapos, tiningnan niya ang babae. Awang-awa siya dito. “Kaedad niya sana ang anak ko. Kung di ko lang siya kinuha ng lola niyang mata-pobre, magkasama sana kami ngayon. Siguro ay hindi ako ganito.” Nagbabadya na ang mga luha niya.


“Malungkot din po pala ang nakaraan ninyo. Parang si Angel.”


“Angel? Angel ang pangalan niya?”


“Opo. Hulog po siya ng langit sa akin. Kaya nga lang, ayaw sa akin ng lola niya. Si Donya Ynez..”


“Oh, my God! Anak ko!!” Nilapitan niya ang dalaga.” Anaaak! Sorry.. I’m so sorry..!” Bumuhos ang luha ng doktora sa harap ng walang malay na dalaga.



Redondo: Right Choice

“Right choice of songs lang, anak..” payo sa akin ni Daddy nang napansin niyang naligalig ako sa pag-parctice ng kakantahin ko mamaya sa bar.

“Ano nga po ang kakantahin ko?” napakamot pa ako sa ulo ko.

“Sino-sino ba ang audience mo? Ano kaya ang tipo nilang kanta. Ibagay mo sa kanila.”

“Henyo ka, Dad!” Naki-apir pa ako sa kanya nang ma-gets siya.

Iniwan na niya ako.

Si Dindee naman, nakatingin lang sa akin. Excited siya. Halata sa kanyang mga mata. Mas lalo naman akong na-inspired na kumanta at tumugtog dahil nakatingin siya. Siya kasi ang numero unong critic at judge ko. Pag hindi pasok sa panlasa niya, malamang bagsak din ako sa may-ari ng bar.

“Pwede na ba?’’ tanong ko kay Dindee, pagkatapos kung tugtugin ang “Where Are You Now?’’ ng Honor Society.

“One point!”

“Eto pa..” Tinugtog ko naman ang “Inuman Na”.

Natawa si Dindee, pero tinuloy ko lang ang pagtugtog ko.

“Okay lang ba?”

“Maganda naman. Redondo version. Siguro magugustuhan nila yan, since bar ang tutugtugan mo.”

“Thanks, Dee! Last one..” Ang original composition ko naman ang tinugtog ko.

 “Kainis ka, Red! Bakit yan?”

”Pangit ba? Hindi ba bagay?”

“Bagay. Pwede naman..”

“E, bakit ka naiinis?”

“E, kasi naman..e. Kinikilig ako, e.”

Natawa ako. Hindi ko rin natapos ang kanta. Niyakap na niya kasi ako.

“I believe..makukuha ka mamaya. Ang galing mo, Red. I love you na talaga.”


“I love you more.” Kiniss ko pa ang noo niya.

Bente Singko

“Ma, papasok na po ako.” paalam ni Totoy. Naka-uniporme na siya.

“Daan ka sa Papa mo. Nasa may simbahan, kasama ni Pare. Nagsu-survey sila. Wala tayong pagkain mamaya.”

Sinunod ng Grade one pupil ang utos ng ina.

“Pare, pa-vale ng P25. Ibibigay ko sa anak ko.”

Bumilog ang mata ng bata nang iabot sa kanya ang dalawampung pisong papel at limang pisong papel. Noon lamang siya nakahawak ng ganun kalaking halaga. Naisip niya kaagad ang mga bibilhin sa recess. Naisip niya ring ilibre din ang mga kaibigan.

Masayang-masaya si Totoy na nagawa niyang lahat iyon.

“Totoy, akin na ang P25. Bibili ako ng bigas at ulam natin.” Nakalahad pa ang kamay ng ina.

“Po?”

Inulit ng ina ang sinabi niya. Nanginginig na kinapa ni Totoy ang pitong piso sa kanyang bulsa. Tapos, tumakbo siya palabas ng bahay.


Saturday, November 29, 2014

Redondo: Humble Beginning

Kahapon, nag-bike kami ni Dindee. Medyo, okay na kasi ang pakiramdam niya. Tapos, nagawi kami sa isang bar.

Wanted: Musicians

Iyan ang nakapaskil sa labas.

Interesado ako. Kaya, agad akong nag-inquire, kahit tutol si Dindee. Mas gusto niya kasing mag-audition na lang ako para maging artista.

“Mas gusto ko ang humble beginning.” Turan ko, bago ako pumasok sa bar. Naiwan si Dindee para magbantay ng mga bisikleta namin.

Ilang minuto lang ang lumipas ay lumabas na ako. Suminangot ako bago ako makita ni Dindee.

“O, yan na nga ang sinasabi ko, e. Humble beginning ka pa, ha. Cheapipay naman ang bar nila, tapos bibiguin lang ang pangarap mo. Tara na nga! Diretso tayo sa GMA o kaya sa ABS!” Umangkas na siya sa bike. Napangiti naman ako nang di niya alam.

Kinagabihan..

“Daddy, tutugtog lang ako sandal sa MetroStram.” Nakabihis pang-alis ako. Nasa likod ko na rin ang gitara.

“Ha?” Nagulat siya, pati nga si Dindee.” MetroStram? Bar ba iyon dun sa may..?”

“Opo!”

“Loko ka talaga, Red! Di mo sinabing tanggap ka na..” si Dindee.”Sama ako!”

“Sama ka. Pero, don’t expect na makukuha ako. Pakikinggan pa lang nila ako ngayon.”

“Ah..” nagkasabay pa sina Daddy at Dindee.

“Opo. Join ka po ba, Dad?”

“Sana..kaso, masakit ang batok ko. Stiffed neck. Goodluck na lang, anak. Ingat kayo. Uy, Dindee, palakpakan mo ang anak ko, ha?”

Nagtawanan muna kami bago kami umalis ni Dindee. ANg kulit ni Daddy.

Alas-onse na ako nakapag-perform. Andami rin kasing applicants. May boy band. May rock band. May solo performer din, gaya ko. Pero, pinababalik ako bukas. Mag-prepare daw ako ng tatlong piyesa. Wow! Para akong nasa cloud nine. Hindi pa man ay ramdam ko nang tanggap na ako. Mainit din kasi ang pagtanggap sa akin ng mga customer. May isa ngang grupo ng doon na nag-approach sa akin. Mahusay daw ako. Sana daw ay ma-hire ako.

Tuwang-tuwa si Daddy. Kaya, daw pala di siya makatulog..

Tuwang-tuwa din ako. Sana ito na ang humble beginning na sinasabi ko.





Double Trouble 30

DENISE' POV

Buwisit na Dennis! Feeling guwapo. Lakas maka-score kay Krishna ko. Ito namang maharot kong girlfriend, bumigay na yata. S#*%!

Kanina sa school magkausap sila. Nagtatawanan sila. May pahawak-hawak pa si Krishna sa kamay at braso ng damuhong kapatid ko. `Tapos, pahampas-hampas pa.

Sabi niya, never siyang mai-in love kay Kuya. Sabi niya, ako lang ang mahal niya. Leche! Parang hindi iyon ang nakikita ko. Ako ang nawalan!

"Magkaliwanagan nga tayo, Kuya!" Pinahalata kong galit ako. Inunahan ko na siya. Kailangan ko siyang sindakin. Nagulat nga siya, e, habang nagtatanggal siya ng medyas. Ako naman ay kabababa ko lang ng bag ko sa sofa.

"Malabo ba? Bakit?" Sarcastic pa ang p*#a!

"Ibang klase ka rin, `no! Inaahas mo na si Krishna ko, e!" Mas mataas na ang boses ko. Grabe kasing selos ang naramdaman ko kanina sa school. Hindi lang talaga ako nagkapag-react.

Hindi nagsalita si Kuya. Tinapos niyang hubarin ang medyas niya. Nagulat ako nang ilamukos niya ang mga iyon sa mukha ko. "Itong sa `yo! Babae ka, Denise!" `Tapos, tinalikuran ako.

"F_ck! Bakla! Bading! Beki!" Kung ano-ano pang mura ang sinigaw ko habang nasa kuwarto siya. Wala akong nagawa. Ayaw ko namang mabugbog ako ni Kuya. Mas malakas pa rin siya kaysa sa akin kahit nag-aastig-astigan lang siya. Nagkulong na lang ako sa kuwarto at umiyak.

`Tapos, naalala ko pa. Bukas na pala ang rehearsal para sa pageant na sasalihan ko. Miss Barangay! Hindi ko ma-imagine ang sarili kong rumarampa. Nakakaiyak! Anong parusa ito?!


Friday, November 28, 2014

Gunting

"Tumahimik!" sigaw ng kinder teacher sa kanyang dalawampung bata.

Tumahimik naman sandali ang mga mag-aaral. Pero, ilang minuto lang ay maiingay uli sila, habang nagka-cut out ng bilog sa art paper. 

"Sige, guguntingin ko ang mga dila niyo kapag makita kung nakabukas ang mga bibig ninyo!" banta ng guro. 

Agad namang ipininid ng mga paslit ang kanilang mga bibig sa takot. Lihim namang nasiyahan ang guro sa kanyang estratehiya. Ngayon ay makakapagbanyo na siya.

"Okay, mga bata..Pupunta si Teacher sa toilet. Walang mag-iingay. Ang mag-ingay, guguntingin ang dila."

"Yes, Teacher!" chorus pa ang sagot ng mga kinder.

Mas natuwa ang guro pagbalik niya mula sa banyo dahil talagang tahimik ang lahat. Hanggang sa mag-uwian ay wala pa ring nagsasalita. 

"Brando, very good ka ngayon. Hindi ka maingay." hinimas pa ng guro ang buhok ng bata, na sapo-sapo naman ang kanyang bibig. "Susunduin ka ba ng yaya mo?" umiling lang ang bata. "E, sino ang susundo sa'yo?"

Inalis ng bata ang kanyang palad sa bibig at ibinuka niya ito. Tumulo ang pulang-pulang dugo.

Si Haring Kingking

Isang araw sa kaharian ng Yoropya ay nagulantang ang lahat sa pagkawala ni Haring Kingking.

"O, Diyos ko!" maiyak-iyak na turan ni Reyna Rinahan. "Kanina lang ay bumangon ako upang painumin siya ng gamot para sa kanyang karamdaman. Pero, paggising ko ay wala na siya sa aking tabi. Hanapin niyo ang hari, mga kawal! Ikaw, bilang pinuno.." Itinuro niya si Patrocinio. "..ay tumungo kayo sa Bundok Pasakit. HIndi kayo babalik sa kahariang ito hangga't hindi niyo naibabalik ang aking mahal na hari!" Makapangyarihang utos ng reyna. Tumalikod na siya nang nakangisi.

"Mahal na reyna maaari ba akong sumama sa kanila? Nais kong tumulong sa paghahanap sa aking ama." paluhod na pagsusumamo ni Prinsesa Pokwita.

Bumalik ang reyna. Inikutan niya ang prinsesa habang nakataas ang mga kilay at nakahalukipkip ang mga braso. "Yaman din lamang na wala ka namang silbi sa kahariang ito, sige, humayo ka! Sumama ka sa mga tamad na kawal! Hanapin mo ang iyong butihing ama. Magsama kayo!"

"Hindi maaari! Hindi siya pwedeng sumama sa kanila. Mapanganib sa Bundok Pasakit!" tutol ng matandang babae na matagal nang katiwala ni Haring Kingking.

"Lumayas ka sa harapan ko, lapastangang gurang. Lumayas kayong lahat!" Umupo siya sa trono ng hari. 

Nagulat ang lahat nang ginawa ito ng reyna. Kabilin-bilinan ng hari na bawal itong upuan ng kung sino hanggang hindi niya sinasabi at nahahanap ang papalit sa kanya bilang hari.

Maya-maya ay bumuhos ang malakas na ulan, kasunod ang kulog at kidlat. 

Sa gitna ng pag-aalburuto ng langit, walang nagawa ang mga kawal kundi isama si Prinsesa Pokwita sa kanilang paghahanap sa nawawalang hari.

Ilang buwan ang lumipas, nagbago ang buhay ng mga tao sa kaharian. Ang dating masaya at masaganang buhay nila ay napalitan ng lungkot at paghihirap sa kamay ni Reyna Rinahan. Pinahirapan niya ang mga ito at ginutom. Maraming bata ang nagkasakit at binawian ng buhay.

"Mahabag ka sa anak ko, Reyna Rinahan! Kailangan niya ng gamot.." Tangan-tangan ng aliping ina ang kanyang nagdedeliryong anak. 

"Wala nang gamot. Nasa Bundok Pasakit ang lahat ng kawal. Walang maaaring lumuwas para bumili. Kung gusto mo, lumuwas ka sa liwasan at ikaw mismo ang bumili."

"Imposible ang sinasabi ninyo, Reyna! Sabi ni Tandang Cora.."

"Si Tandang Cora? Hindi pa rin pala siya lumisan sa aking kareynahan?"

"Hindi po..Matagal na po.."

"Mga matitipuno kong bantay.." malambing niyang sabi sa dalawang guwapong lalaki na nasa kanyang magkabilang tagiliran. Hinawakan niya pa ang dibdib ng isa. "..hanapin niyo si Tandang Cora.." Biglang humarap ang reyna sa nagmamakaawang ina. ".. at patayin!"

Sa takot ng ina, agad siyang tumayo at lumayo sa mabalasik na reyna. 

Kinahapunan, hapong-hapo na dumating si Kawal Patrocinio. Payat na payat siya. Gula-gulanit na rin ang kanyang uniporme. Wala na ang kanyang sandata.

"Mahal na Reyna, ikinalulungkot ko po..hindi ko po nahanap ang mahal na hari. Ang malubha pa, hindi ko po nagawang iligtas sa mga kapahamakan ang aking mga kawal at si..si Prinsesa Pokwita." Lumuhod siya at humagulhol. "Handa po akong tanggapin ang inyong kaparusahan. 

Pumalakpak ang reyna. "Magaling! Magaling! At dahil sa iyong tapang at dedikasyon, ikaw ay mananatili sa Yoropya ko." Humalakhak ang reyna. Nagbulungan naman ang mga alipin habang nakatalikod siya.

"Bruhilda, ipatawag ang lahat!" utos niya sa bagong katiwala. "Ilabas na itong payat na kawal. Pakain siya."

"Opo, mahal na reyna."

Tumugtog ang banda. Hudyat ito ng isang piging. 

"Ngayong gabi ay nangagtipon tayo para sa pagpuputong ng korona sa bago nating hari!" lahad ng reyna.

Tumugtog ang mga tambol.

"Ipasok ang litsong baka na mula pa sa kabilang kaharian." 

Ipinasok naman ng mga bagong kawal ang litson at ipinatong sa gitna ng malaking dulang na punong-puno na rin ng masasarap na pagkain.

"Ipinakikilala..ang bagong hari ng Yoropya..si Haring Tolome!" masayang pagpapakilala ng reyna.

Nagulat ang lahat ng mga masusugid na tauhan ni Haring Kingking na ang kanang kamay ni Reyna Rinahan pala ang bago nilang hari. Matipuno at batang-batang. 

Agad na ipinutong ng reyna ang korona sa bagong hari. Hinalikan niya pa ito sa labi pagkatapos.

Agad na nagsialisan ang ibang mga tauhan. Pagkatapos ay kumain na sina Reyna Rinahan, Haring Tolome at ang kanilang mga alipores. Hinayaan nilang natatakam ang mga alipin.

Nang mabundat ay bumalik sa trono ang bagong hari. Umupo naman ang reyna sa kanyang trono dahil nakakaramdam siya ng hilo.

Hindi niya makumpirma kung si Haring Kingking nga ang nakatayo sa kanilang harapan. Kung hindi ito nagsalita ay hindi niya makikilala.

"Haring KingKing? Buhay ka?" Tila tinakasan ng dugo ang reyna.

"Oo! Buhay na buhay. Muntik mo na akong mapatay sa lason." wika ng totoong hari. 

"O, hindi! Paano kang nakaligtas?!"

"Salamat kay Tandang Cora at kay Patrocinio, ang mga masusugid kong mga tauhan."

Lumabas ang dalawa. Kasunod nila si Prinsesa Pokwita at ang mga magigiting na kawal.

"Tapos na ang pagrereyna-reynahan mo, Rinahan! Isa kang taksil!" Sa kumpas ng hari, agad na nilapitan ng mga kawal ang mga alagad ni Rinahan, na noon ay nangaghandusay na. 

"Masarap ba ang litsong baka na may lason? Natikman mo rin ang lasong inihahalo mo sa pagkain ko."

Hindi na nakasagot ang traydor na reyna. Kaya, kinaladkad na siya ng mga kawal. Inihulog siya sa kulungan ng mga tigre, kasama ng mga traydor niyang tauhan at kalaguyo.

Noon din ay isinalin ni Haring Kingking  ang kanyang korona kay Patrocinio. Ipinutong naman niya ang dating korona ni Rinahan kay Prinsesa Pokwita.

Simula noon, naging masaya, payapa at masagana nang muli ang kaharian ng Yoropya sa ilalim ng paghahari at pagrereyna nina Haring Patrocionio at Reyna Pokwita at sa paggabay ng dating Haring Kingking, na binibigyan naman ng  kalakasan ng apong si Prinsipe Zolo.

Redondo: Si Gio

“Sama ako sa bahay niyo, Red.” pagsusumamo ni Gio. “Sige na. Biyernes naman na, e.”

“Anong gagawin mo dun?” Binibiro ko lang siya. Gusto ko naman talaga siyang isama. Minsan lang kasi siyang magyaya.

“Wala. Pasyal lang. Bonding.” Humaba pa ang nguso at kumunot ang noo.

“Tamang-tama..andami kong labahan!”

“Hala! Huwag na nga lang akong pumunta!Mabuti pa sumama na ako kina Nico.’’ Nagtampo na ang bestfriend ko. Tumalikod na, e.

Kinawit ko ang bag niya at muntik nang matumba. “Biro lang! Sineryoso mo naman. Tara na nga!”

“Yehey! Ayos! Tara!” Tumalon-talon pa ang loko.

Behave naman si Gio pag nasa bahay. Di katulad nina Nico at Rafael. Kapag sila ang pumupunta sa bahay, parang nabuhawi ang buong kabahayan pag-alis nila. Tindi!

“Ang ganda talaga ng girl friend mo, Red.” Parang batang bumulong sa akin si Gio.

“Crush mo? Ipakilala kita.” Nilakasan ko para marinig ni Dindee.

“Pakshit ka talaga, Red!” Nahiya siya. Nagtago pa sa kanyang braso.

Natawa din tuloy si Dindee.

“Dindee..may sasabhin daw sa’yo si..” Bago ko pa naituloy ang sasabihin ko ay dumapo na sa aking mukha ang throw pillow.

“Uwi na nga ako!” Namumula ang pisngi niya.

“Ang lakas mong mang-trip, Redondo. Adik ka ba?” Patawa-tawang sabi ni Dindee. “Hayan tuloy, pikon na ang best friend mo. Pasensiya ka na dyan sa kaibigan mo. Praning yan,e. Ako nga madalas bully-hin niyan, e.”

“Weeh! Di kaya! Ikaw nga diyan, e. Kahit nga may sipon ka, ang lakas mo mang-asar.”

Ginaya pa ni Dindee ang nguso ko. Ginaya ko din ang pagsinga niya. Para kaming mga bata. Napatawa tuloy namin si Gio.

Maya-maya pa ay dumaldal na si Gio. Nakipagkulitan na rin siya kay Dindee. Panay pa ang banat ng mga jokes na corny, para sa akin. Si Dindee panay naman ang tawa. Ngayon lang kasi niya narinig.


Nakakatuwa din si Gio.

Thursday, November 27, 2014

Redondo: Sipon

Nauna akong umuwi kay Dindee. Kaya, habang naghihintay sa kanya ay nagsulat ako. Nag-Wattpad din ako. Nakapagsulat ako ng isnag kuwento at isnag tula. Nakapagbasa din ako ng Wattpad stories ng ibang Wattpaders.

Natutunan ko dun kung paano sumulat ng dagli. Ito pala ay isang napakaikling kuwento. Kung ang maikling kuwento ay maikli, ang dagli ay mas maikli.

Maganda! Gusto kong magsulat ng dagli. One of these days ay masisimulan ko rin ito. Not now, dumating na kasi si Dindee. Gusto ko siyang kulitin.

“Oops! Wag kang lalapit sa akin.” Tinulak niya pa ako ng bahagya nang gusto kong maka-kiss siya sa pisngi.

“Bakit na naman?!” Napakamot tuloy ako sa ulo ko. “May kasalanan na naman ba akong nagawa?”

“Wala..” Tumalikod siya at pumasok sa kuwarto niya.

Sinundan ko siya. “E, anong problema?”

“Wala rin..”Suminga siya sa panyo niya. “Gusto mo bang mahawa kita nito?” Itinapat sa mukha ko ang panyong siningahan. Umayo ako ng bahagya. “O, kitam! Nandiri ka. Lumayo ka na nga..”

“Hindi naman ako nandidiri e. Gusto mo, halikan pa kita. Torrid pa!”

“Try mo! Sumbong kita sa Mommy at Daddy mo!”

Natawa ako. Para kasi siyang bata nang sinabi niya ang huling linya. Kaya, niyapos ko siya na para ding bata. Tapos, binuhat ko siya, sa kabila ng pagpupumiglas niya ay nagawa ko pa ring itumba ang sarili ko at si Dindee sa kama. Napailalim ako.

“Red, naman kasi. Bitiwan mo ako!”

“Ayoko! Kiss muna..”

“Ayoko nga! Wala ako sa mood. Ang pakiramdam ko, ang pangit-pangit ko ngayon. Bitawan mo na ako . kasi naman, kasi..Red!”


Binitiwan ko siy. Pero, hindi naman agad kami nakabangon.

“Maganda ka pa rin, Dee. Hindi ka pumangit. Sipon lang yan, wag kang madrama.” Tumawa pa ako. Kaya nakurot niya ako sa braso.

“Hoy, hindi to drama no!” Tinulak niya ako kaya nahulog ako sa kama. “Lumabas ka na nga’t magbibihis na ako!”

Nag-inarte ako. “Aray ko. Mabali yata ang tadyang ko..”

“Arte mo! Pahilot ka na lang sa Daddy mo. Baliin ko pa yang ilong mo e.”


Rude girl din pala ang jowa ko, kahit may sipon pa. He he

Wednesday, November 26, 2014

Hijo de Puta: Ochenta y siyete

Umusok ang entablado. 

"Ladies and gaymen, please welcome Mr.. Hardlong!" introduce sa akin ng deejay.

Naghiyawan ang mga parokyano, habang gumigiling ako palabas ng tanghalan.  Halos, puno ang mga upuan.

Nakabahag ako, pero hindi pang-Igorot ang sinasayaw ko, kundi isang nakakalibog na paggiling, na lalong nagpapatigas sa aking burat, dahil habang ginagawa ko iyon ay si Lianne ang iniisip ko. 

Maya-maya pa ay bumaba ako sa entablado at kumuha ng isang di pa masyadong matandang babae. Game na game siya sa pagdikit ko ng titi ko sa kanyang behind. Hinayaan ko ring himasin niya ang dibdib ko. 

Isang saglit pa ay sinimulan ko nang tanggalin ang bahag ko dahil nakatayo na ang anaconda. Tinakpan ko naman agad ito habang inaalalayan ko ang matronang malibog. Nais pa sana niyang i-blowjob ako. 

Gumiling uli ako sa kabila ng hiyawan ng mga bading at matrona. Nais nilang umakyat sa entablado. Hinarahangan lang sila ng mga bouncer. 

Sa sulok ay natanaw ko ang dalawang persona. Naka-hoodie ang isa. Naka-Muslim costume naman ang babae. Misteryosa ang babae kaya nilapitan ko pagkatapos kong jakolin ng kaunti ang manoy ko. 

Sa daan ay hindi napigilan ng iba na hawakan ako at ang alaga ko. Pero, ang misteryosang babae ang pakay ko. Siya ang gusto kong sumalsal at sumubo sa akin.

Yumuko ang lalaking nakahoodie nang lumapit ako. Nakatitig naman sa akin ang Muslim. Hindi ko man makita ang kanyang mukha ay alam kong nag-eenjoy siya sa paghimas ko sa aking katawan habang nakatiwangwang ang aking kahabaan.

Ilang minuto akong naghintay na hawakan niya ako. Samantalang ang mga nasa likuran kong mga bading ay pilit na hinihipo ang aking mauumbok na puwet. 

"Mr. HardLong, I wanna suck your dick." sigaw ng sosyal na bading sa likod ko. Pagharap ko ay may isanlibo siyang ikinakaway. Kaya, lumapit ako.

Isang maharot at mainit na tagpo ang sumunod na nangyari. Libog na libog na ako. Pero, ang misteryosang babae pa rin ang gusto ko. 

Kaya nang nagkaraoon ako ng tsansa na tingnan ang babae, humarap ako sa kanya. 

"Lianne?" biglang akong nahiya sa hubad kong katawan. Tinakpan ko ng pera ang nakatayo pa ring burat ko, habang nilalapitan ko ang nag-aapoy na si Lianne. 

Bago pa ako nakalapit ay naharang na ako ni Mam Sam. "Game over, Mr Hardlong.." sarkastiko niyang tinuran. 

Nag-walk out sina Lianne at Paulo. Wala akong nagawa.


Redondo: Rude

Alas-singko na ako nakauwi kanina. Nagkabit kasi kami ng Christmas decors sa mga hallways ng school. Katuwang ko ang mga kapwa ko officers ng SSC. Napuri kami ng adviser namin pagkatapos. Binigyan pa kami ng pang-snacks.

Pagdating ko sa bahay, nasa kuwarto si Dindee. Masama ang pakiramdam niya. Sinisipon siya, kaya agad ko siyang binilhan ng gamot. Wala siya sa mood makipagkulitan. Nasinghalan pa nga ako pagkatapos kung biruin. Sa halip, ginitarahan ko na lang siya. 

"Ano ba yan? Lalo akong sinisipon sa boses mo." Nakakanoot ang noo niya.

"Bakit?"

"Yung masaya naman ang itugtog mo."

"Okay!" Tinugtog ko ang Rude ng Magic! Kahit hindi ko pa ito masyadong gamay ay nagustuhan naman niya. Halos, gusto nga niyang makising-along.

"Pangit! Hindi mo nakuha.." Ngumiwi pa ang girl friend ko at tumiklop ang mga braso.

Tiningnan ko siya. Parang seryoso. "You're so rude talaga!" Nag-walk out ako kunwari.

"Hoy, Red! Joke lang!" Hinabol niya ako. 

Nagsimangot-simagutan ako. 

"Sorry na. Rude talaga ako. Kiss na kita." Umangat siya para maabot ang mga lips ko. 

Ang lutong!

"Sarap naman! Isa pa nga!" biro ko. 

"Mas rude ka! Abusado!" Hinampas niya ako sa braso. 

Na-miss ko si Dindee. Ilang araw din kaming di nakapagkulitan dahil sa problema. Salamat dahil nagawa ko na ulit na harapin ang aking pag-ibig.

Tuesday, November 25, 2014

Hijo de Puta: Ochenta y sais

''Sorry, Lianne.." Nahablot ko ang braso niya bago siya nakalabas ng pinto para pumasok na.

"Nagmamadali ako, Hector.." Naghulagpos siya. Hindi siya tumingin sa akin.

"Sabihin mo munang pinapatawad mo na ako.."

"Para ano? Tapos na yun. Wala ka namang narinig na masakit mula sa akin, di ba?"

Binitiwan ko na siya. "Pero, mas masakit sa akin na hindi mo ako kinikibo.."

"Masakit ba? Di ba dapat ako ang mas nasasaktan sa pagnanasa mo sa akin? Akala ko ba totoo ang pagkupkop mo sa akin. " Saka lamang siya tumingin sa akin.

"Sorry na. Hindi na mauulit."

Tumalikod lamang siya at umalis na. Hindi na ako nagsalita pa. Hindi niya pa rin ako kayang patawarin.

Maghapon akong wala sa wisyo ko. Apektado tuloy ang pag-eensayo ko ng sayaw para sa aking pagbabalik sa Xpose. Nag-e-expect pa naman si Mam Sam ng isang mainit at malibog na gabi mamaya. Nag-imbita daw siya ng mga parokyano. 


Gayunpaman, handa akong bigyan ng kakaibang performance ang mga customer. Hindi ko sila bibiguin. Ikokondisyon ko na ngayon ang sarili ko para sa kakaibang paggiling at pagbibilad ko ng katawan. Gagawin ko ito para kay Lianne. Kung hindi niya ako mapapatawad dahil sa pagjajakol ko sa presensiya niya, sana mabawasan man lang ito sa pamamagitan ng taos-puso kong pagtulong sa kanya. Gusto ko ring makaipon upang may maibigay ako para sa chemo ng kanyang ama. 

Redondo: Obigasyon

“Pwede ba kitang makausap, Red?” pabulong na tanong ni Mam Dina, sa kalagitnaan ng aming seatwork. Hindi iyon napansin ng mga kaklase ko. Pero, alam ko nangtinginan sila sa amin nang sinundan ko sa labas ang adviser ko.

Sa pasilyo kami tumigil para mag-usap. Wala pang klase sa tapat ng classroom.

“Okay naman ako. Tama ka, unti-unti ko nang natatanggap ang sitwasyon. Salamat!”

“Okay lang po ‘yun, Mam!” Nginitian ko pa siya.

Hindi naman siya gumanti ng ngiti. “Pakisabi kay..sa Daddy mo na..na kailangan kong magpa-check-up sa OB. Hindi ko hangad na gawin ito, pero..sabi kasi ng pamilya ko na may responsibilidad din ng tatay nito. Sana naunawaan mo ako, Red.”

“Opo, Mam! Hayaan niyo po’t ipapaalam ko po sa kanya ang tungkol sa napag-usapan natin.”

“Salamat! Sige na, pasok ka na.”

“Sige po..”

May mga nag-usisa tungkol sa pagpapatawag sa akin ni Mam. Sabi ko, tungkol iyon sa Christmas Party na plinano ng SSC. Naniniwala naman agad sila.

Natuwa ako lakas at tibay ng loob ni Mam. Kakayaanin niya para sa bata. Humanga ako sa kanya. Kaya, nang nasolo ko si Daddy sa labas ng bahay, sinabi ko sa kanya ang pinag-usapan naming ni mam. Ayon sa kanya, willing naman siyang magbigay ng suporta. Sabi nga niya ay bukas din ay magpapadala siya ng dalawang libo para sa check-up.

Humanga din ako kay Daddy kahit paano. At least, hindi niya tinatalikuran ang obligasyon niya bilang ama. Nagkamali man siya ay pinipilit naman niyang pagbayaran iyon sa ibang paraan.

Haay! Ang hirap magkamali..

Sana kung kami man ni Dindee ang magkatuluyan ay hindi ito mangyari sa amin. Hindi ko pinangarap na matulad kay Daddy. Idol ko siya, pero hindi sa pagiging palikero at padalos-dalos.


Tuluyan ko na ngang kakalimutan ang pangarap kong maging pari dahil mas masarap pa rin ang may pamilya at may mga anak. Gayunpaman, isang buo at masayang pamilya ang pangarap ko.

Monday, November 24, 2014

Redondo: Move On

Nang ibinalik ko ang card ko kay Mam Dina, kinausap ko siya. Pabulong.

"Musta ka na po, Mam?"

Sinulyapan niya muna ako. "Mabuti naman ako, Red."

Hindi na ako tiningnan ni Mam kaya hindi na ako nagtanong pa. Gusto ko sanang itanong kung kumusta na ang puso niya. Pero, dahil nakita kong bumabalik na ang saya sa kanyang mukha, ang hula ko ay unti-unti na niyang natatanggap ang katotohanan.

“Sige po, Mam! Salamat po!’

Tumango lamang siya at ngumiti.

Pakiramdam ko ay nabunutan ako ng tinik. Umaliwalis din ang mukha ko. Pasasaan ba’t tuluyan nang makaka-move on si Mam.

Mabilis akong nakatapos ng seatwork kaya naisipan kong magsulat ng note para kay Mam Dina. Sabi ko:
Mam Dina,
     Natutuwa po ako dahil nakakangiti na po kayo. Sigurado po akong magiging masaya din si Daddy kapag malaman niyang unti-unti niyo pong binubuo uli ang buhay niyo. Maraming salamat po dahil patuloy kayong lumaban sa pagsubok.
     Excited na po akong magkaroon ng kapatid. Kaya, ingatan niyo po lagi ang sarili niyo para sa ikakabuti ninyo . God bless you po!
                                                                                                                                               Red,

Iniabot ko ang sulat kay Mam nang nagsiuwian na ang mga kaklase ko. Si Gio lang ang tanging nakakaalam ng tungkol dito. Ngunit, di niya alam na ang note ko ay tungkol sa pagdadalantao ng guro namin. Ang sabi ko, nag-thank you lang ako sa pagiging top one ko sa klase.


Sunday, November 23, 2014

Redondo: Si Mommy

Hindi ako nakapagsulat kahapon ng maghapon. Pinasyalan kasi namin ni Dindee si Mommy sa kanyang boarding house. Naiwan ko ang journal ko sa bahay.

Sa dalawang araw at isang gabi naming pamamalagi kay Mommy, nakita ko ang kanyang kalungkutan. Pilit man niyang ikubli ang sakit na nararamdaman niya ay hindi nagsisinungaling ang mga mata niya.

Okay daw siya. Lagi niyang sinasabi pero iba naman ang kanyang ipinapakita. Pilit ang kanyang mga ngiti. Kahit panay na ang patawa ni Dindee. Niyaya pa nga namin siyang mamasayal pero tumanggi siya. Kami na lang daw. Hindi na rin kami umalis. Nag-stay kami sa boarding house niya maghapon.

Ayaw sana namin siyang iwanan na malungkot pero pinagtabuyan na niya kami bandang alas-singko ng hapon. May pasok pa raw kami bukas.

“Mommy, dalaw ka naman sa bahay minsan.” Pagkatapos kong mag-kiss sa kanya.

Tiningnan niya ako. “Busy pa ako, Red. Sige na, ingat kayo.”

Wala na akong nasabi.

“Bye po, Tita!” Si Dindee. Nag-kiss din siya.


Nabigo akong pasayahin si Mommy. Gayunpaman, hindi pa ako sumusuko na pagdugtungin ang mga puso nila ni Daddy.  Kaya ko ‘to!

Friday, November 21, 2014

Redondo: Top One

Hindi pumunta si Daddy sa school para kunin ang report card ko. Hindi daw siya pinayagan ng boss niya. Hindi naman ako nagtampo. Expected ko na ganun ang mangyayari. Alam kong magdadahilan lamang siya.

Hindi rin naman nagtanong si Mam Dina kung bakit hindi akarating ang Daddy ko. Siya na nga mismo ang nagsabi na ako na lang ang kumuha ng card ko.

Wala ako sa conference ng mga magulang. Nag-abang lang ako sa covered court at ipnatawag ako ni Mam Dina after ng meeting nila. Saka ko lang nakita sa blackboard ang naka-post na honor roll. Top one uli ako. Top two si Riz. Point seventy-five ang lamang ko sa kanya.

Tuwang-tuwa ako sa resulta ng aking pagsisikap. Kahit paano ay matatakpan ang mga pighati na pinagdadaanan ng aking mga magulang. Binati nga nila ako  sa text. Tuwang-tuwa din si Dindee.

Inspired akong maggitara kaninang hapon, pag-uwi ko. Kaya, tumugtog ako at kumanta habang hinihintay si Dindee. Nakalimang kanta ako nang dunating siya. May dala siyang halu-halo ng Chowking. Blow-out daw niya sa akin.

“Hindi ako nito pwede.” biro ko kay Dindee.

Nalungkot siya. “Bakit?”

“Kasi may concert ako bukas. Mamamaos ako.” Tumawa ako.

“Baliw!’’ Hinampas niya ako sa braso. “Akin na at ipapamimigay ko sa mga bata dyan sa labas!”

Binawi ko kaaga d ang halu-halo. “Wag na! Postponed ang concert.”

Nagtawanan kami.

Ang sarap tumawa. Nakakalimutan ko ang mga problema.


Redondo: Pessimistic

Bigayan na ng report card bukas. I wonder kong pupunta si Daddy. Pero, sinabi ko pa rin kanina habang nagluluto siya. Nag-ahh lang siya. Titingnan daw niya kung papayagan siya.

Ia-aannounce na rin bukas ang top ten. Sana ako pa rin ang top 1.

Nag-meeting din kaming Supreme Students’ Council Officers kanina. Pinag-usapan namin ang Christmas Party. Nagkaisa kaming magkaroon ng Family Day. Doon ay makakalikom kami ng pondo. Ang registration fee ng bawat pamilya ay gagamitin sa snacks at prizes. Ang matitira ay ilalaan sa isang proyekto na aming pag-uusapan pa lamang.

Natuwa ako sa ideyang iyon ng aking vice-president. At least maisasakatuparan ko na ang plano kong buuin ang pamilya. That way ay mahihikayat ko sina Mommy at Daddy na magkasama sa mahalagang okasyon. Less effort na iyon para sa akin dahil iba-black mail ko sila. He he. Kung hindi sila a-attend ay …boom! Sasabog ako.

Joke lang.

Sana..mapagsama ko sila sa araw na iyon. Ayoko munang isipin ang pakiramdam ni Mam Dina kapag nagkita-kita silang tatlo.

Nang malaman ito ni Dindee, tawa siya ng tawa. Baliw daw ako. Siyempre daw hindi sasama si Mommy.

“Huwag kang pessimistic. Malay natin..” sabi ko naman.

“Kaw ang bahala. Tingnan natin..”

Gusto ko sanang magtampo sa girlfriend ko. Kaya lang, useless. Ayoko munang may katampuhan. Andami ko nang problema. Alam ko naman na she doesn’t mean it.


Wednesday, November 19, 2014

Redondo: Pananamlay

Kapansin-pansin ang pananamlay ni Mam Dina. Hindi siya ngayon nagturo. Nagpasagot lang siya sa amin ng activity sa libro. Hindi na rin siya pagalit ng pagalit sa mga pasaway kong kaklase. Madalas din siyang magpaalam para mag-CR. Siguro ay dala ng kanyang paglilihi.

Sinabihan ko ang ibang kaklase ko na mag-behave. Sinunod naman nila ako, hindi dahil ako ang president ng school, kundi dahil maganda naman ang intensiyon ko sa aking pakiusap. Isa pa, kapatid ko ang dinadala ng adviser namin. Hindi siya dapat na naaapektuhan.

Para din tuloy akong nanamlay sa mga recitation. Pag-uwi ko parang naming nadala ko pa ang mood ko. Pakiramdam ko tuloy ay pasan ko ang daigdig. Gusto ko sanang iwaksi ang isiping iyon. Nag-try akong mag-stram ng gitara pero parang walang tono ang sound nito. Kaya, tinext ko na lang si Mommy at si Dindee. Parang na-miss ko sila ng bigla.

Si Mommy, nag-reply. Okay lang daw siya. Wala naman na akong masabi at maitanong. Parang wala din sa mood makipag-communicate ang aking ina.

Si Dindee naman ang kinulit ko. Pinamamadali ko na siyang umuwi. Alas-tres nang makauwi siya. Lumaki agad ang ngiti ko. Aminado ako, si Dindee ang nagbibigay sa akin ng kakaibang pakiramdam. Hindi siya pwedeng mawala sa paningin ko ng matagal. Kahit hindi siya magsalita, titigan ko lang siya maghapon ay solve na ako. He he.


Nawala na ang aking pananamlay.

Tuesday, November 18, 2014

Redondo: No Comment

“Hindi ko na kaya, class..” pagsisimula ni Mam Dina, pagkatapos niya kaming batiin. Napamaang ang mga kaklase ako. Ako naman ay nahulaan ko kaagad ang ire-reveal niya. Hawak kasi niya ang kanyang tiyan. “Pasasaan ba’t malalaman at makikita rin ninyong lumalaki ang batang nasa sinapupunan ko. “ Hinimas niya ng bahagya ang kanyang tiyan.

“Mam?” si Riz ang unang nagbuka ng bibig.

“Oo, Riz..buntis ako.” Malungkot ang tinig ni Mam.

“Congrats po, Mam!” Masayang bati ni Riz! Nag-second the motion naman ang mga walang-muwang kung mga kaklase.

“Mam, bakit di po kayo natutuwa?” isang kaklase ko ang nagtanong. Kapansin-pansin naman talaga kasi si Mam.

“Isa kasi itong bunga ng pag-ibig na mali.”

Hindi agad ito naunawaan ng mga kaklase ko. Kaya, ipinaliwanag ito ni Mam Dina. Ngunit, di niya sinabi kung sino ang ama. Tinitingnan niya lang ako na tila naghihintay ng tulong mula sa akin. Naunawaan naman siya ng halos lahat. Ayon nga sa isa naming kaklase, hindi na naman iyon bago.

“Salamat, class sa pang-unawa ninyo.  Salamat.. “

“Walang anuman po, Mam!” si Riz. “God is good all the time po. One of these days, natatagpuan niyo rin po ang tunay na lalaking tatanggap sa’yo at sa iyong anak.”

“Sana nga, Riz..”

Pag-uwian, kinausap ko si Mam Dina. Tinanong ko siya kung bakit di niya ipinagtapat na si Daddy ang ama ng kanyang ipinagdadalantao. Sabi niya, pinoproteksyunan niya lang ang aking reputasyon.

“Mam, hindi naman iyon dapat ikahiya. Nagmahalan naman kayo ng Daddy ko kahit sa maikling panahon.”

“Oo! Kaya lang, mali pa rin, Red.. Tama na iyon! Okay na naman na ako. Pinatawad na rin ako ng mga magulang at mga kapatid ko. “

“Mabuti po kung ganun. Sige po, ingat po kayo lagi.”

Ngumiti lang si Mam. Pilit na ngiti.


Ikinuwento ko iyon kina Dindee at Daddy kanina sa hapag-kainan habang naghahapunan kami. No comment si Daddy. But I know, nabagbag ang kanyang damdamin. 

Monday, November 17, 2014

Redondo: Baby Damulag

Kahit medyo  hindi pa napanatag na ang loob ko kagabi. Hindi na ako masyadong apektado sa mga nangyari kaninang umaga. Siyempre, Lunes na Lunes. Kaya lang, si Mam Dina ay balisa. Nahalata ko. Marahil ay hindi na niya alam kung paano niya itatago ang kanyang tiyan. Lumalaki na ito. Ilang araw na lang ay mahahalata na iyon ng mga kaklase namin. Hindi niya pa  sinasabi sa aming klase ang kanyang pinagdadaanan.

Gayunpaman, hindi ko siya kinainisan. Naaawa nga ako sa kanya. Kahit paano ay inisip ko pa rin ang dala-dala niya sa kanyang sinapupunan. Kapatid ko iyon. Marapat lamang na pakitaan ko siya ng maganda, although hindi mabuti ang paraan ng kanyang pagmamahal sa aking ama. Naging padalus-dalos kasi siya.

Pilit kong iwinaksi ang isiping iyon. Nag-focus ako sa pag-aaral ko. Nakita ko kasing nanunumbalik ang dating kasiglaan ni Riz sa talakayan. Kailangan ko siyang labanan. Kailangan ko kasing angatan siya.

Totoong mahusay siya. Pero, dahil masigasig ako, kaya ko siyang talunin. At, nagawa ko ngayong araw.

Inspired ako ngayon, lalo na’t panay ang text sa akin ni Dindee. Isa siya sa mga nagbibigay sa akin ng lakas ng loob.

“Alam mo, Red! Sana laging tayong ganito. Nakakasawa naman kasi ang lagi tayong may tampuhan.” sabi niya habang nakasandal siya sa dibdib ko at nakatanaw kami sa mga bituin.

“Ako nga rin.. Sana nga, Dee.”

“Aba! Mukhang may alinlangan ka pa!” bigla niya akong siniko.

“Ano ba dapat ang sagot ko?” Lagi na lang akong mali?” biro ko naman.

“Dapat..Oo. Pangako.”

“O, siya! Oo. Pangako!” Itinaas ko pa ang kaliwa kong kamay.

“E, bakit kaliwang kamay ‘yan?”

“Ay, sorry. Dapat pala kanan!” Sinadya ko lang iyon. Observant ang girl friend ko. Marunong..

Kinurot-kurot ako ni Dindee.

“Ang saya niyo naman, guys!” bati naman ni Daddy na mula sa loob ng bahay.

“Oo nga po, Tito! Kulit nitong baby damulag ninyo. Join po kayo. Masarap nap o ang hangin. Paskong-pasko na po.”

“Oo nga, e. Hindi ba kayo nilalamig?”

“Ang init nga po, Dad e. Lalo na itong isa. Ang init ng ulo sa akin.”

Tumawa si Daddy. Parang walang pinagdadaanang problema. Tapos, kinurot uli ako ni Dindee.



Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...