''Sorry, Lianne.." Nahablot ko ang braso niya bago siya
nakalabas ng pinto para pumasok na.
"Nagmamadali ako, Hector.." Naghulagpos siya.
Hindi siya tumingin sa akin.
"Sabihin mo munang pinapatawad mo na ako.."
"Para ano? Tapos na yun. Wala ka namang narinig na masakit mula sa
akin, di ba?"
Binitiwan ko na siya. "Pero, mas masakit sa akin na hindi mo
ako kinikibo.."
"Masakit ba? Di ba dapat ako ang mas nasasaktan sa pagnanasa mo sa
akin? Akala ko ba totoo ang pagkupkop mo sa akin. " Saka lamang siya
tumingin sa akin.
"Sorry na. Hindi na mauulit."
Tumalikod lamang siya at umalis na. Hindi na ako nagsalita pa. Hindi
niya pa rin ako kayang patawarin.
Maghapon akong wala sa wisyo ko. Apektado tuloy ang pag-eensayo ko ng
sayaw para sa aking pagbabalik sa Xpose. Nag-e-expect pa naman si Mam Sam ng
isang mainit at malibog na gabi mamaya. Nag-imbita daw siya ng mga
parokyano.
Gayunpaman, handa akong bigyan ng kakaibang performance ang mga
customer. Hindi ko sila bibiguin. Ikokondisyon ko na ngayon ang sarili ko para
sa kakaibang paggiling at pagbibilad ko ng katawan. Gagawin ko ito para kay
Lianne. Kung hindi niya ako mapapatawad dahil sa pagjajakol ko sa presensiya
niya, sana mabawasan man lang ito sa pamamagitan ng taos-puso kong pagtulong sa
kanya. Gusto ko ring makaipon upang may maibigay ako para sa chemo ng kanyang
ama.
No comments:
Post a Comment