Followers

Thursday, November 27, 2014

Redondo: Sipon

Nauna akong umuwi kay Dindee. Kaya, habang naghihintay sa kanya ay nagsulat ako. Nag-Wattpad din ako. Nakapagsulat ako ng isnag kuwento at isnag tula. Nakapagbasa din ako ng Wattpad stories ng ibang Wattpaders.

Natutunan ko dun kung paano sumulat ng dagli. Ito pala ay isang napakaikling kuwento. Kung ang maikling kuwento ay maikli, ang dagli ay mas maikli.

Maganda! Gusto kong magsulat ng dagli. One of these days ay masisimulan ko rin ito. Not now, dumating na kasi si Dindee. Gusto ko siyang kulitin.

“Oops! Wag kang lalapit sa akin.” Tinulak niya pa ako ng bahagya nang gusto kong maka-kiss siya sa pisngi.

“Bakit na naman?!” Napakamot tuloy ako sa ulo ko. “May kasalanan na naman ba akong nagawa?”

“Wala..” Tumalikod siya at pumasok sa kuwarto niya.

Sinundan ko siya. “E, anong problema?”

“Wala rin..”Suminga siya sa panyo niya. “Gusto mo bang mahawa kita nito?” Itinapat sa mukha ko ang panyong siningahan. Umayo ako ng bahagya. “O, kitam! Nandiri ka. Lumayo ka na nga..”

“Hindi naman ako nandidiri e. Gusto mo, halikan pa kita. Torrid pa!”

“Try mo! Sumbong kita sa Mommy at Daddy mo!”

Natawa ako. Para kasi siyang bata nang sinabi niya ang huling linya. Kaya, niyapos ko siya na para ding bata. Tapos, binuhat ko siya, sa kabila ng pagpupumiglas niya ay nagawa ko pa ring itumba ang sarili ko at si Dindee sa kama. Napailalim ako.

“Red, naman kasi. Bitiwan mo ako!”

“Ayoko! Kiss muna..”

“Ayoko nga! Wala ako sa mood. Ang pakiramdam ko, ang pangit-pangit ko ngayon. Bitawan mo na ako . kasi naman, kasi..Red!”


Binitiwan ko siy. Pero, hindi naman agad kami nakabangon.

“Maganda ka pa rin, Dee. Hindi ka pumangit. Sipon lang yan, wag kang madrama.” Tumawa pa ako. Kaya nakurot niya ako sa braso.

“Hoy, hindi to drama no!” Tinulak niya ako kaya nahulog ako sa kama. “Lumabas ka na nga’t magbibihis na ako!”

Nag-inarte ako. “Aray ko. Mabali yata ang tadyang ko..”

“Arte mo! Pahilot ka na lang sa Daddy mo. Baliin ko pa yang ilong mo e.”


Rude girl din pala ang jowa ko, kahit may sipon pa. He he

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...