Maglalaba sana si Daddy nang yayain ko siya na magsimba kami. Kagabi ko pa iyon plinano. Pero, katakot-takot na yayaan ang nangyari. Mabuti ay napapayag ko. Siguro ay nakatulong din si Dindee sa kanyang convincing power.
Naisip ko kasi na nalalayo na rin ang loob ni Daddy sa Panginoon. Puro na lang siya trabaho. Kaya, ayan tuloy, binigyan siya ng pagsubok.
Sa Malate Church kami nagsimba. Tahimik kaming nakinig sa misa ng pari. Tiyempo kay Daddy ang sermon. Tungkol kasi ito sa pangangaliwa. Hindi daw ito kalugod-lugod sa mata ng tao at lalong-lao na sa mata ng Diyos. Tila, tinamaan siya kasi hindi siya makatingin sa pari. Nakayuko lamang siya. Kaming dalawa naman ay walang kibuan. Siniko lang ako ni Dindee.
Hindi na kami kumain sa labas. Ayaw ni Daddy. Ipagluluto na lang daw niya kami ng sinigang na hipon. Okay, ang sabi naman.
Naging tahimik si Daddy buong maghapon. Panay lang ang laba niya. Gusto ko nga siyang tulungan pero di niya ako pinatulong. Kagagaling ko lang daw kasi sa hospital. Nakipagkuwentuhan na lang ako kay Dindee. Napag-usapan namin na pareho kaming kikilos para mapatawad ni Mommy si Daddy.
Nahiga ng maaga si Daddy. Pagod daw kasi siya at maaga na namang gigising bukas. Nag-good night na rin ako kay Dindee. Gusto ko kasing makausap muna si Daddy bago siya tuluyang matulog.
"Dad, gising ka pa po ba?" tanong pagkatapos kung mahiga sa tabi niya.
Umingit si Dad. Senyales na gising pa siya. Nakatakip lang ang braso niya sa mga mata niya.
"Puntahan natin si Mommy bukas sa school niya. Gusto mo po?''
"Huwag muna. Mainit pa ang dugo niya sa akin."
"Sige po."
"Okay. Tulog na tayo. Good night!''
"Wait po. Mahal mo po ba si Mam Dina?''
"Oo."
"Si Mommy?"
"Di ko alam.."
"Good night, Dad.." Nainis ako bigla sa sagot ni Dad. Hindi ko alam kung bakit di niya alam ang sagot sa tanong ko. Ibig bang sabihin ay hindi niya mahal si Mommy? Bakit mahal niya si Mam?
"Good night!"
Shit!
No comments:
Post a Comment