Alas-dose na yata kami natulog ni Dindee kagabi. Sobrang na-miss namin ang isa't isa. Since, hindi naman kami pwedeng magtabi sa higaan, kaya nag-bonding na lang kami sa sala, hanggang antukin kami.
Kinuwentuhan niya lang ako ng mga ginawa niya sa Aklan. Ininggit niya ako ng ininggit. Nagkunwari naman akong naiinggit para makalimutan niya ang mga kasalanang ibinabato niya sa akin. Pero, hindi pa rin siya nalimot. Nabanggit pa rin niya ang mga iyon. Super explain naman ako.
Kinabukasan..
"O, bakit?" bulalas ni Dindee nang makita niya akong papasok sa CR para maligo. "Papasok ka?"
"Oo! Bakit? Lunes ngayon."
Tiningnan muna ni Dindee si Daddy. Tila, nagpaptulong. "Lunes nga! Kaya mo ba? Di pa, may pilay ka pa?"
"Sino nagsabi?" Sarkastiko ang tono ng salita ko. Gusto ko kasing pumasok.
"Kaya mo na ba?" si Daddy ang nagsalita.
"Opo. Okay na naman po ako, Dad!"
Nagmakulit pa si Dindee. Pero, wala siyang nagawa. At dahil ako ang nasunod, pinagpilitan naman niyang ihatid ako sa school. Tinawaan ko pa nga. Sabi ko: "Ano ako bata?" Napilit din ako. Sabi din kasi ni Daddy na huwag na daw matigas ang ulo ko. Pakiramdam ko kasi may planong awayin ni Dindee si Riz. Mabuti naman at inihatid niya lang talaga sko sa classroom. Umalis din kaagad. Late na daw siya.
Pinagtawanan ako nina Rafael at Nico. Awang-awa naman sa akin sina Gio, Roma at Riz, gayundin ang iba pa naming kaklase. Nagpakita din ng pagkaawa si Mam Dina. Pinayuhan pa nga ako, na laging mag-iingat.
Hindi na ako nagpasundo kay Dindee. Si Gio na ang naghatid sa akin pauwi. Kaya, ko namang bumiyahe mag-isa, actually. Masyado lang ma-care ang girl friend ko. Sabagay, advantage ko para mag-arte-artehan ako.. Sarap kayang alagaan ni Dindee.
Kanina nga, gusto pa niyang masahein ako. Ayoko lang dahil mas gusto kong makipagkuwentuhan sa kanya, habang nakatitig ako sa mga mata niya at pasulyap-sulyap sa mga mapupula niyang labi, na kaysarap halikan.
No comments:
Post a Comment