No comment si Dindee sa reply comment ko sa sarili kong status update kahapon. Galit pa rin siya sa akin.
Nalungkot tuloy ako maghapon. Apektado ng bahagya ang classs performance ko. Siniko nga ako ni Roma. "Hoy! Tinanatawag ka ni Mam!" sabi pa ng bakla.
Kakamot-kamot tuloy ako kay Mam, habang nagtatanong kung ano ang question niya. Mabuti at nasagot ko naman agad after 24 years.
Mahirap pala talagang magmahal. Pero, naisip ko, siguro ay parte lang ito ng pag-ibig. Kailangan naman siguro talagang may tampuhan. Kaya lang, sana ang hiling ko ay huwag naman tuluyang manlamig sa akin si Dindee. Alam ng Diyos na hindi ako nagloko. Oo, gustong-gusto ko ang presensiya ni Riz, pero dahil naiisip ko kung gaano niya ako kamahal at gaano niya ako inaalagaaan at napapasaya, hindi ko iyon maaaring sirain.
Nasasaktan ako sa pambabalewala ni Dindee sa damdamin ko. Hindi niya marahil alam na nasasaktan din ang mga lalaki. Gusto ko ngang umiyak pero hindi ko lubos maisip kong bakit kailangan kong umiyak. Hindi pa naman kasi tuluyang umayaw sa akin si Dindee. Tampururot lang iyon.
Gayunpaman, wala ako sa wisyo maghapon. Niyaya nga ako nina Rafael at Nico na mag-basketball sa court ng school, after class. Pero, hindi ako nakipaglaro sa kanila. Si Gio ang niyaya ko. Sinama ko siya sa barbero.
Nagpagupit ako. Gusto kong inisin si Dindee. Minsan kasi, naituro ko ang buhok na gusto kong ipagupit. Ayaw daw niya niyon. Huwag na huwag daw akong magpapagupit ng ganun dahil papangit ako.
Hehe. Nagpagupit ako niyon. Tapos, pag-uwi ko sa bahay ay nag-selfie ako. Uploaded agad sa FB, pagkatapos ng ilang sandali.
Andaming likes at comments, pero wala pang actions mula kay Dindee. Excited na ako sa reaction niya.
Matutulog na ako pero wala pa rin siyang comment o like man lang. Tsk tsk.
No comments:
Post a Comment