Followers

Monday, November 3, 2014

Redondo: DSWD

Unang Lunes ng Nobyembre. Siyempre, balik-eskuwelahan na naman. Second semester na. Kaya, balik din ako sa focus ko. Pinilit kong limutin ang kalungkutan ko dulot ng pambabalewala ni Dindee.

Pasalamat ako kina Gio, Rafael at Nico dahil hakit paano ay nakatulong sila sa pagiging masiyahin ko kanina. Na-realize ko na kailangan ko din pala sila paminsan-minsan para makalimot. Sa sobrang kulit nila ay pati si Riz ay nadadamay. Nahahawa na uli si ang ex-dream girl ko sa kakulitan nila. 

Andami naming tawa kanina. Kami-kami na nga ang magkakasama sa Halloween party, kami-kami pa rin ang nagkuwentuhan ng mga kabalbalan namin. Okay namaan. Kuwela pa rin. 

Nakakatawa na nga si Riz, bakit ako hindi? 

Hindi naman siguro malalaman ni Dindee na nakikipagtawanan at nakikipagmabutihan ako kay Riz. Hindi naman siguro bawal. Kaibigan ko naman talaga siya dati.

Para hindi magbago ng emosyon si Riz, hindi ko sa kanya, o sa kahit sino sa mga kaibigan namin ang pinagdadaanan ko. Wala silang alam. Kaya lang, si Riz mismo ang nagpalungkot ng mood namin. Ikinuwento na kasi na nagwawala daw sa DSWD si Leandro. Gusto na daw umalis doon. Sabi sa kanya ng mga magulang ng dati niyang kasintahan ay hinihiling nito na dalawin siya doon. Hindi daw pumayag ang mga magulang ni Riz. Gustihin man daw niya ay hindi niya kayang suyawin ang kanyang mga magulang. Para rin naman daw ito sa kabutihan niya. 

Nagbigay din ako ng opinyon. Sinang-ayunan ko ang mga magulang niya. Sabi ko pa, tama iyon dahil baka kung ano pa uli ang isipin o gawin sa kanya ni Leandro. Mahirap na. 

Ang bagay na ito ay naging palaisipan sa akin. Alam kong bumibigat na naman ang dibdib ni Riz sa isiping ito. Gusto na niyang takasan si Leandro pero hindi niya alam. Alam kong may ibig sabihin ang mga titig niya sa akin gayundin ang huli niyang pangungusap na "Tulungan mo ako, Red."

Paano? Ako nga rin may pinagdadaanan...

Bago ko ipipikit ang aking mata at itatago ang aking journal, magtetext ako ng 'Good night and I love you, Dindee" upang malaman niya na naghihintay ako na kausapin niya ako.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...