Followers

Tuesday, November 4, 2014

Redondo: Status Update

Kahit kulang ako sa tulog, masigla pa rin akong nakipagtalakayan sa klase kanina. Tinalo ko na naman si Riz. Siguro ay nadadamay ko lang siya sa pagiging aktibo. Dahil may competition nga kami sa rank, kailangan niyang makipagsabayan sa akin.

Ayos naman! Nakaka-inspire din mag-recite kapag may kalaban.

Inantok ako nang uwian na. Gusto nang sumara ang talukap ng mga mata ko. Pero nang nakauwi na ako, dilat na dilat naman. Hindi naman ako maka-idlip. Kaya, inipon ko ang labahan namin ni Daddy. Naglaba ako. Gusto kong antukin.

Pero, bago ako nagsimula, nag-selfie muna ako kasama ang mga labahan ko. Then, naglagay ako ng caption. Sabi ko: "I hope matulungan ako nitong mapagod para ako'y makalimot.."

Gusto kong mabasa iyon ni Dindee. Gusto kong malaman niya na pinaparusahan ko ang sarili ko sa mabuting paraan at may kapakinabangan.

Alas-singko-bente na ako natapos. Saka ko lang din nabasa ang mga comments sa status update ko. Ang kay Dindee ay smiley na malungkot. Then, nabasa ko din sa cellphone ang message niya. Sabi niya: "Sige, parusahan mo ang sarili mo! Akala mo maaawa ako sa'yo?!"

Natawa ako. Nag-reply nga, galit naman.. Tsk tsk. 

Hindi ako nag-reply. Nag-comment din ako sa comment ni Rafael sa sinabi niyang "Tol, kelan ka pa natutong maglaba? Astig!"

I replied: "Lately. Salamat sa babaeng pinakamamahal ko."

"Ayie!" sabi pa ni kaibigan ko. Nag-jeje lang ako. Sana mabasa ni Dindee. 

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...