Followers

Saturday, November 1, 2014

Redondo: Halloween Party

Nagtampo pa rin si Dindee sa akin. Tawag daw kasi siya ng tawag. E, naiwan ko ang cellphone ko sa kuwarto. Nalaman niya kay Daddy na nakipag-Halloween party ako.

Kina Riz kami natulog. Hindi na kasi kami pinayagan ng mga magulang niya na pauwiin pa kami. Alas-diyes na ako nakauwi sa bahay kanina. Saka ko lamang nabuksan ang cellphone ko. 

Andaming message ni Dindee. Isa na dito ang sinabi niya na "Hindi na ako babalik diyan. Sinungaling ka!"

Humingi ako ng apology. But then, hindi niya na ako ni-reply-an. Maghapon akong nanunyo sa kanya pero walang epekto. 

"Daddy, bakit mo po kasi sinabing nasa Halloween party ako?" usig ko kay Daddy. "Ayan, nagtatampo na naman si Dindee sa akin."

"Wala akong naisip na palusot, e. Hindi ako sanay na nagsisinungaling." Tumawa si Daddy. "Saka, hayaan mo muna siya. Hindi ka na nasanay sa girl friend mo. Lagi namang nagtatampo iyon sa'yo pero lagi pa ring kayong nagkakabati."

"Lagi nga po, e pano po kung totohanin niyang hindi na bumalik dito?"

"Patay tayo diyan.."

"Kasi kayo, e.."

"Huwag mo na akong sisihin, Red. Okay lang yan. Mahal ka nun kaya ganun siya. Masanay ka na."

Hindi na ako kumibo. Naiinis ako kay Daddy. 

Naisipan ko namang i-text si Mommy. Nagpatulong akong kausapin si Dindee. Pinaghintay ako ni Mommy. Pero, pagkalipas ng isang oras. Buo na daw ang loob ni Dindee na doon na sa Aklan mag-aral.

Sheet!

Kung anong saya ko kagabi, ganun naman kalungkot ang gabi ko ngayon. Nawalan ako bigla ng ganang kumain. Hindi rin ako sumama kay Daddy sa sementeryo para dalawin ang puntod ng kanyang mga kamag-anak sa South Cemetery. Nagmukmok na lang ako sa kuwarto ko.

Hindi ko talaga kayang malayo ng tuluyan kay Dindee. Alam ng Diyos na hindi ako nag-flirt kay Riz. Oo, nagparamdam si Riz kagabi na gusto niya pa ako, pero hindi ko iyon pinansin. Sabi niya kasi sa akin: "Madyikin mo naman ang puso ko." Ngumiti lang ako. Si Dindee kasi ang mahal ko.

Buwisit kasing Hallowen party na 'yan!

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...