Followers

Saturday, November 15, 2014

Redondo: No Wonder

Pumunta ako kay Mommy. Sinama ko siyempre si Dindee. Mabuti at naitext ko daw siya agad. Kung hindi baka nakasama siya sa bahay ng co-teacher niya sa Cavite. Birthday-han.

Malaki talaga ang galit ni Mommy kay Daddy. Pinagtapat niya sa akin na malapit na sana niyang patawarin ang kanyang ama, kaya nga napapadalas ang punta niya sa bahay. Ang kaso, gumawa uli siya ng isang nakakasuklam na pagkakamali. Sinisi pa nga ako dahil hindi daw ako nagsumbong agad. Hindi ko naman kasi akalaing mahuhulg agad ang loob ni Mam sa kanya. Pero, sinabi ko sa aking mahal na ina na sinikap kong paglapitin sila. Natawa nga kaming tatlo nang maalala ko ang ginawa kong set-up noon sa mall para lang magkita sila.

“Oo nga. Thank you. Pero, hindi ko na yata kayang patawarin siya, Red. Ikaw, Dindee? Kung ako ikaw? Mapapatawad mo ba siya?

Natulala si Dindee bago nakasagot. “Depende po. Kasi kung mahal na mahal ko ang isang tao, kahit ano pa ang kasalanan niya, mapapatawad ko. Di ba, Red?” Kinurot pa ako ng girl friend ko.

“Aray! Nadamay na naman ako!”

“Siyempre! Alam mo Tita, no wonder… mag-ama nga po sila. May pinagmanahan..” Sinakal pa ako sa harap ni Mommy. Tumawa lang ang ina ko. Nagtawanan kami. In that way, tila nabawasan ang sama ng loob ng ina ko. 

Nag-malling muna kami, bago kami pinauwi ni Mommy. Alas-otso na kami nakauwi sa bahay. Hindi naman nag-usisa si Daddy. Pero, ako na mismo ang nagkuwento sa kanya ng mga sinabi ni Mommy. Pangiti-ngiti lamang siya. Gayunpaman, nabakas ko ang lungkot sa likod ng mga ngiting iyon.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...