Nag-focus ako sa aralin namin. Pinagalitan kasi ako ni Mam Dina. Napansin niya kasing wala ako sa sarili ko. Hindi rin daw kasi ako nagre-recite. Mababa din ang nakuha kong score sa quiz.
Haist! Nakakaapekto talaga ang pag-ibig sa pag-aaral. Bakit pa kasi nauso 'yan?!
Naisip ko rin ang good side nito. Mas madalas naman kaming masaya ni Dindee. Nagkataon lang na malayo kami ngayon sa isa't isa kaya nahihirapan akong manghingi ng sorry. Tapos, dinagdagan ko pa ng isa pang kasalanan. Nagpagupit ako ng hair style na ayaw na ayaw niya.
Naisip ko nga na i-delete na lang ang post ko sa FB para di na niya makita. Kaso, bago pa ako nakauwi sa bahay ay nagtext na siya. Natuwa ako kahit paano at napansin niya ako. Kaya lang, mas nagagalit siya.
"Sorry n po ksi.." reply ko. "Ngppnsin lng nmn aq sau, e"
"KSP k n pla ngaun.. :("
"D aman.. Bati n b tyo?
Bad trip! Hindi na siya nag-reply. Tumawag ako. Hindi niya sinagot. Hindi ko na talaga alam kung paano ko siya mapapatawa at kung paano niya ako mapapatawad. Lalo pa nga yatang lumalala. Grrr!
Matutulog na naman akong hindi kampante. Sana Sabado na lang bukas...
No comments:
Post a Comment