Followers

Saturday, November 29, 2014

Redondo: Humble Beginning

Kahapon, nag-bike kami ni Dindee. Medyo, okay na kasi ang pakiramdam niya. Tapos, nagawi kami sa isang bar.

Wanted: Musicians

Iyan ang nakapaskil sa labas.

Interesado ako. Kaya, agad akong nag-inquire, kahit tutol si Dindee. Mas gusto niya kasing mag-audition na lang ako para maging artista.

“Mas gusto ko ang humble beginning.” Turan ko, bago ako pumasok sa bar. Naiwan si Dindee para magbantay ng mga bisikleta namin.

Ilang minuto lang ang lumipas ay lumabas na ako. Suminangot ako bago ako makita ni Dindee.

“O, yan na nga ang sinasabi ko, e. Humble beginning ka pa, ha. Cheapipay naman ang bar nila, tapos bibiguin lang ang pangarap mo. Tara na nga! Diretso tayo sa GMA o kaya sa ABS!” Umangkas na siya sa bike. Napangiti naman ako nang di niya alam.

Kinagabihan..

“Daddy, tutugtog lang ako sandal sa MetroStram.” Nakabihis pang-alis ako. Nasa likod ko na rin ang gitara.

“Ha?” Nagulat siya, pati nga si Dindee.” MetroStram? Bar ba iyon dun sa may..?”

“Opo!”

“Loko ka talaga, Red! Di mo sinabing tanggap ka na..” si Dindee.”Sama ako!”

“Sama ka. Pero, don’t expect na makukuha ako. Pakikinggan pa lang nila ako ngayon.”

“Ah..” nagkasabay pa sina Daddy at Dindee.

“Opo. Join ka po ba, Dad?”

“Sana..kaso, masakit ang batok ko. Stiffed neck. Goodluck na lang, anak. Ingat kayo. Uy, Dindee, palakpakan mo ang anak ko, ha?”

Nagtawanan muna kami bago kami umalis ni Dindee. ANg kulit ni Daddy.

Alas-onse na ako nakapag-perform. Andami rin kasing applicants. May boy band. May rock band. May solo performer din, gaya ko. Pero, pinababalik ako bukas. Mag-prepare daw ako ng tatlong piyesa. Wow! Para akong nasa cloud nine. Hindi pa man ay ramdam ko nang tanggap na ako. Mainit din kasi ang pagtanggap sa akin ng mga customer. May isa ngang grupo ng doon na nag-approach sa akin. Mahusay daw ako. Sana daw ay ma-hire ako.

Tuwang-tuwa si Daddy. Kaya, daw pala di siya makatulog..

Tuwang-tuwa din ako. Sana ito na ang humble beginning na sinasabi ko.





No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...