Followers

Sunday, November 30, 2014

Bente Singko

“Ma, papasok na po ako.” paalam ni Totoy. Naka-uniporme na siya.

“Daan ka sa Papa mo. Nasa may simbahan, kasama ni Pare. Nagsu-survey sila. Wala tayong pagkain mamaya.”

Sinunod ng Grade one pupil ang utos ng ina.

“Pare, pa-vale ng P25. Ibibigay ko sa anak ko.”

Bumilog ang mata ng bata nang iabot sa kanya ang dalawampung pisong papel at limang pisong papel. Noon lamang siya nakahawak ng ganun kalaking halaga. Naisip niya kaagad ang mga bibilhin sa recess. Naisip niya ring ilibre din ang mga kaibigan.

Masayang-masaya si Totoy na nagawa niyang lahat iyon.

“Totoy, akin na ang P25. Bibili ako ng bigas at ulam natin.” Nakalahad pa ang kamay ng ina.

“Po?”

Inulit ng ina ang sinabi niya. Nanginginig na kinapa ni Totoy ang pitong piso sa kanyang bulsa. Tapos, tumakbo siya palabas ng bahay.


No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...