Followers

Tuesday, November 25, 2014

Redondo: Obigasyon

“Pwede ba kitang makausap, Red?” pabulong na tanong ni Mam Dina, sa kalagitnaan ng aming seatwork. Hindi iyon napansin ng mga kaklase ko. Pero, alam ko nangtinginan sila sa amin nang sinundan ko sa labas ang adviser ko.

Sa pasilyo kami tumigil para mag-usap. Wala pang klase sa tapat ng classroom.

“Okay naman ako. Tama ka, unti-unti ko nang natatanggap ang sitwasyon. Salamat!”

“Okay lang po ‘yun, Mam!” Nginitian ko pa siya.

Hindi naman siya gumanti ng ngiti. “Pakisabi kay..sa Daddy mo na..na kailangan kong magpa-check-up sa OB. Hindi ko hangad na gawin ito, pero..sabi kasi ng pamilya ko na may responsibilidad din ng tatay nito. Sana naunawaan mo ako, Red.”

“Opo, Mam! Hayaan niyo po’t ipapaalam ko po sa kanya ang tungkol sa napag-usapan natin.”

“Salamat! Sige na, pasok ka na.”

“Sige po..”

May mga nag-usisa tungkol sa pagpapatawag sa akin ni Mam. Sabi ko, tungkol iyon sa Christmas Party na plinano ng SSC. Naniniwala naman agad sila.

Natuwa ako lakas at tibay ng loob ni Mam. Kakayaanin niya para sa bata. Humanga ako sa kanya. Kaya, nang nasolo ko si Daddy sa labas ng bahay, sinabi ko sa kanya ang pinag-usapan naming ni mam. Ayon sa kanya, willing naman siyang magbigay ng suporta. Sabi nga niya ay bukas din ay magpapadala siya ng dalawang libo para sa check-up.

Humanga din ako kay Daddy kahit paano. At least, hindi niya tinatalikuran ang obligasyon niya bilang ama. Nagkamali man siya ay pinipilit naman niyang pagbayaran iyon sa ibang paraan.

Haay! Ang hirap magkamali..

Sana kung kami man ni Dindee ang magkatuluyan ay hindi ito mangyari sa amin. Hindi ko pinangarap na matulad kay Daddy. Idol ko siya, pero hindi sa pagiging palikero at padalos-dalos.


Tuluyan ko na ngang kakalimutan ang pangarap kong maging pari dahil mas masarap pa rin ang may pamilya at may mga anak. Gayunpaman, isang buo at masayang pamilya ang pangarap ko.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...