Followers

Friday, November 7, 2014

Redondo: Nagpapahangin

Kahit nasasaktan ako sa ginagawa sa akin ni Dindee, tinext ko pa rin siya ng tinext. Apologetic na mga messages o quotes ang mga sini-send ko sa kanya. But then, no reply pa rin. 

Nakakalungkot! Hindi na yata talaga kami magkakabati. Pinaparusahan niya ako.

Apektado pa rin ang focus ko sa klase,.Hindi ako mapakali. 

Napansin nga ako ni Roma at ni Riz. Ano daw ba ang problema ko?

"Wala! masama lang ang pakiramdam ko." palusot ko. 

Nag-excuse ako sa Math teacher ko. Nagpahangin ako. Hindi naman ako pumunta sa CR. Pumunta ako sa likod-- sa garden, kung saan nagpang-abot kami ni Leandro dahil binabastos niya si Riz.

"Riz?" napatyo ako mula sa pagkakaupo ko sa malaking bato nang makita ko siya na parating. "Anong ginagawa mo dito?"

"Ikaw, ang sumagot niyan.." Ngumiti siya. 

"Nagpapahangin. Masakit ang ulo ko. Baka makita nila tayo dito. Baka kung ano ang isipin.."

"Hindi ako natatakot. Mas ligtas ako kapag ikaw ang kasama ko. Alam ko may problema ka with your girl friend.. "

"Huh? W-wal.. Wala kaming.."

"I can be your shoulder to lean on.." Umupo siya sa batong inupuan ko kanina. "Friend mo ako. Gusto kong ituring mo ulit akong kaibigan. Sorry kung nakasira ako sa relasyon niyo.."

"N-no.It;s not you.."

"Alam ko. Ramdam ko.." 

"Alis na tayo dito.." Kinuha ko ang kamay niya at hinila ko siya ng marahan.

"Red, wait..!"

Huminto ako. Pero, hawak ko rin ang kamay niya. Tiningnan ko siya. 

"M-mahal mo ba..s-siya?" pautal niyang tinuran.

Tinitigan ko siya. Ilang saglit ang lumipas ay saka lamang ako nakapagsalita. "O-o..M-mahal ko siya. Tara na!" Binitiwan ko na siya. Walang lingon-likod akong lumakad at bumalik sa classroom.

Ngayon nga ay lalo akong namumublema. Nasa isip ko na rin ngayon si Riz. Bakit ganun? Bakit ganito ang nararamdaman ko?

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...