Followers

Wednesday, November 5, 2014

Pagpapasaway ng mga Estudyante: May Aral din

Sadyang pasaway ang mga estudyante sa panahon ngayon. Malingat ka nga lang ay may kalokohan na silang gagawin.

Kanina, pagpasok ko sa classroom namin ay naabutan ko ang sampung bata na nasa unahan. Nagre-wrestling sila. 

Mahinahon ko silang pinalabas. Antagal bago sila lumabas. Nagtuturuan at nagsisisihan pa. At nang nasa labas na silang lahat ay wala akong maisip na paraan para magbago sila ng tuluyan. Hindi na kasi sila takot sa mga sermon at pagalit.

Maya-maya, nag-pop out ang idea sa kukote ko. Pinasulat ko sila ng tigdadalawang reasons kung bakit sila nagpapasaway o nagpasaway. Ayoko ng sorry, dagdag ko pa.

Nag-effort sila. Nakakatuwa ang mga sinulat nila. May mahusay pala sa English. May mahusay ding mag-translate. Pinatagalog ko kasi sa kanila para makatotohanan ang paliwanag nila at passes na rin para makauwi sila.

Naisip ko tuloy na magiging effective iyon as way of discipline. Instead na pagalitan sila ng pagalitan ay pagsulatin na lang sila ng explanation nila. In English para mahirapan din sila. Hehe. It's a tie.

Natutuwa talaga ako. Pero kahit gusto kong matawa ay di ko ginawa. Gusto ko kasing matakot silang magpasaway dahil mahirap mag-English at magtranslate.

Mabuti na lang at maunawain ako.

Naunawaan ko nga ang ibig sabihin nito:
1. Iam not playing resling becus Ivander resling me.
2. Sir I am not playing resling
3. Sir I'm dont do this again Please Forgive me

Nakakatuwa talaga..

Minsan, ang pagiging pasaway ng mga bata ay may aral at kabutihang dulot sa iba. Totoo! They made me happy. They inspired me somehow. 

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...