Followers

Tuesday, November 11, 2014

Redondo: Buntis

Nababagabag ako ngayon. Nagpaalam ako kay Dindee na matutulog ako ng maaga. Pumasok naman siya sa kuwarto niya pagkatapos naming magpalitan ng 'good night', Si Daddy, naiwan sa sala. 

Pinaiwan ako ni Mam Dina kanina sa classroom. May pinag-usapan kami. Isang lihim..

"Dalawang buwan na akong delay, Red.." malungkot na tinuran ni Mam. Ibinaba niya ang kanyang tingin. Umiwas siya sa mga mata ko.

Alam ko ang ibig nyang sabihin. Pero, nagtanong pa ako. "Mam, bakit po? Ano pong ibig niyong sabihin?"

"Buntis ako. Tayo pa lang ang nakakaalam.."

Nahiya akong bigla. Tumingin ako sa malayo. Wala kasi akong maisip na salita para isagot sa rebelasyon niya.

"Red.." Inaangat na ni Mam ang mukha niya at tiningnan ako. Nangingilid ang mga luha niya. "..P-pakiusap..hayaan mo muna akong mag-isip. Hindi pa naman ako sigurado. Mag-PT uli ako para makumpirma ko."

"Mam, hindi ko po alam ang isasgot ko sa bagay na ito. naguguluhan po ako.."

"Ako man, Red.. Sana tulungan mo ako.. Naisip ko ngang tumigil na sa pagtuturo para makatakas sa problemang ito. Malaking kahihiyan kasi ang ginawa ko." Tuluyan nang umagos ang mga luha ni Mam. Yumugyog ang mga balikat niya. "Hindi ako mapapatawad ng mga magulang ko kapag nalaman nila ito. Diyos ko..patawarin Niyo po ako.."

Hindi ako sanay sa ganitong drama kaya speechless ako. Tulala nga ako nang nagpaalam ako kay Mam.

Ipinangako ko sa kanya na hindi ko muna ipapaalam kay Dad hanggang di pa niya nakukumpirma.

Gusto kong ikuwento kay Dindee pero hindi pwede. Nangako ako kay Mam DIna.

Naaawa ako kay Mam ngayon. Sobra.. pero, hindi ko yata kayang makita na si Daddy ay maging ama uli pero hindi ko naman kapatid na buo. Ever since ay pinangarap kong magkabalikan sila ni Mommy. Lately ay nakikita ko na may potential kaming mabuo pero tila may malaking hadlang ngayon na sisira sa pangarap ko. Nasasaktan ako. 

Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko. Mas naaawa kasi ako kay Mommy. Hindi niya deserve na may kahati sa puso ni Daddy. Matatanggap kong hiwalay sila. Ngunit, hindi ko kayang makitang napunta si Daddy sa iba. Masalimuot ang magiging buhay naming lahat, pag nagkataon. Sana, hindi buntis si Mam Dina. 

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...