Followers

Monday, November 10, 2014

Manlilimos

Pauwi na ako ng boarrding house ko, isang gabi, nang may sumakay na lalaki sa dyip na sinasakyan ko. Paluhod siyang pumasok.

"Konting barya lang. Ayokong magnakaw. Ayokong gayahin ang mga snatchers d’yan," sabi niya habang nagpupunas siya ng mga sapatos na pasahero. 

Hindi naman siya mukhang pulubi. Mas mukha siyang adik at kriminal. (Sorry for the words). Pero, totoo. Hindi siya nakahahabag. Wala ngang nagbigay sa kanya, e. 

"Di magtrabaho." bulong ko pagkatapos bumaba ng lalaking manlilimos. Naaasar kasi ako. Kinakarer ang bisyo niya. Hindi naman mukhang nagugutuman. Malaki naman ang katawan. Idadahilan pa ang mga magnanakaw at snatchers. 

Pero, mas nainis ako nang tingnan ako ng estudyanteng katabi ko na nakarinig sa bulong ko. Inisip niya siguro na masama ang komento ko. Bahala siya! E, `di sana nagbigay siya.

Tama naman ang komento ko. Sabi nga sa Bibliya ay dapat hindi binibigyan ng isda ang isang taong humihingi nito, kundi tinuturuan dapat siya kung paano mangisda. Hindi naman kasi talagang makatutulong nang husto ang barya-barya lang. Panandaliang ginhawa lang ang dulot nito. Paano pa kung sa bisyo niya lang gagamitin?

Tama lang na walang nagbigay sa kanya. 

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...