Followers

Thursday, November 13, 2014

Redondo: Matalinong Desisyon

"Kaya natin 'to, Red." alo sa akin ni Dindee. Parang bata niya akong niyakap, habang nakaupo kami sa sofa. Hinihintay kasi naman si Daddy. Nasa school pa siya at kinakausap si Mam Dina.

"Hindi ko alam kong matutuwa ako o ano.. Oo, gusto kong magkaroon ng kapatid, pero hindi ko hinangad na half lang."

"Hindi mo naman masisisi ang Daddy mo. Nagmahal lang siya, gayundin si Mam Dina."

"Hindi nga! Kaya nga naiiyak ako sa bagay na ito. Pano kung si Mam ang pillin ni Daddy? Paano na si Mommy?" 

"Paano nga? Hindi pwede.. Pero, paano naman si Mam? Ewan.. ang gulo. Ang gulo-gulo, Red! Ano ba itong nangyari sa buhay ninyo?" 

Niyakap ko ng mas mahigpit si Dindee. Gusto kong maramdaman ang pagmamahal niya sa akin sa oras na iyon. Mas kailangan ko siya ngayon.

"Huwag mo akong iwan, Dee.."

"Ano ka ba? Andito lang ako. Hindi kita iiwan dahil lamang sa problema." Kiniss niya ako sa noo.

Isang oras ang lumipas, nag-text si Daddy. Magkikita daw sila ni Mommy. Natuwa naman ako. Although, di ko alam ang napag-usapan nila ni Mam at ang pag-uusapan nila ni Mommy ay alam kong buong-buo at nagpapakalalaki si Daddy. 

Kahit paano ay nahimasmasan ako. Alam ko, matalinong desisyon ang gagawin ni Daddy...para sa akin.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...