“Sama ako sa bahay niyo, Red.” pagsusumamo ni Gio. “Sige
na. Biyernes naman na, e.”
“Anong gagawin mo dun?” Binibiro ko lang siya. Gusto ko naman
talaga siyang isama. Minsan lang kasi siyang magyaya.
“Wala. Pasyal lang. Bonding.” Humaba pa ang nguso at kumunot
ang noo.
“Tamang-tama..andami kong labahan!”
“Hala! Huwag na nga lang akong pumunta!Mabuti pa sumama na ako kina
Nico.’’ Nagtampo na ang bestfriend ko. Tumalikod na, e.
Kinawit ko ang bag niya at muntik nang matumba. “Biro
lang! Sineryoso mo naman. Tara na nga!”
“Yehey! Ayos! Tara!” Tumalon-talon pa ang loko.
Behave naman si Gio pag nasa bahay. Di katulad nina Nico at
Rafael. Kapag sila ang pumupunta sa bahay, parang nabuhawi ang buong kabahayan
pag-alis nila. Tindi!
“Ang ganda talaga ng girl friend mo, Red.” Parang batang
bumulong sa akin si Gio.
“Crush mo? Ipakilala kita.” Nilakasan ko para marinig ni
Dindee.
“Pakshit ka talaga, Red!” Nahiya siya. Nagtago pa sa kanyang
braso.
Natawa din tuloy si Dindee.
“Dindee..may sasabhin daw sa’yo si..” Bago ko pa naituloy ang
sasabihin ko ay dumapo na sa aking mukha ang throw pillow.
“Uwi na nga ako!” Namumula ang pisngi niya.
“Ang lakas mong mang-trip, Redondo. Adik ka ba?” Patawa-tawang
sabi ni Dindee. “Hayan tuloy, pikon na ang best friend mo. Pasensiya ka na dyan sa
kaibigan mo. Praning yan,e. Ako nga madalas bully-hin niyan, e.”
“Weeh! Di kaya! Ikaw nga diyan, e. Kahit nga may sipon ka, ang lakas mo
mang-asar.”
Ginaya pa ni Dindee ang nguso ko. Ginaya ko din ang pagsinga
niya. Para kaming mga bata. Napatawa tuloy namin si Gio.
Maya-maya pa ay dumaldal na si Gio. Nakipagkulitan na rin
siya kay Dindee. Panay pa ang banat ng mga jokes na corny, para sa akin. Si
Dindee panay naman ang tawa. Ngayon lang kasi niya narinig.
Nakakatuwa din si Gio.
No comments:
Post a Comment