Kapansin-pansin ang pananamlay ni Mam Dina. Hindi siya
ngayon nagturo. Nagpasagot lang siya sa amin ng activity sa libro. Hindi na rin
siya pagalit ng pagalit sa mga pasaway kong kaklase. Madalas din siyang
magpaalam para mag-CR. Siguro ay dala ng kanyang paglilihi.
Sinabihan ko ang ibang kaklase ko na mag-behave. Sinunod
naman nila ako, hindi dahil ako ang president ng school, kundi dahil maganda
naman ang intensiyon ko sa aking pakiusap. Isa pa, kapatid ko ang dinadala ng
adviser namin. Hindi siya dapat na naaapektuhan.
Para din tuloy akong nanamlay sa mga recitation. Pag-uwi ko
parang naming nadala ko pa ang mood ko. Pakiramdam ko tuloy ay pasan ko ang
daigdig. Gusto ko sanang iwaksi ang isiping iyon. Nag-try akong mag-stram ng
gitara pero parang walang tono ang sound nito. Kaya, tinext ko na lang si Mommy
at si Dindee. Parang na-miss ko sila ng bigla.
Si Mommy, nag-reply. Okay lang daw siya. Wala naman na akong
masabi at maitanong. Parang wala din sa mood makipag-communicate ang aking ina.
Si Dindee naman ang kinulit ko. Pinamamadali ko na siyang
umuwi. Alas-tres nang makauwi siya. Lumaki agad ang ngiti ko. Aminado ako, si
Dindee ang nagbibigay sa akin ng kakaibang pakiramdam. Hindi siya pwedeng
mawala sa paningin ko ng matagal. Kahit hindi siya magsalita, titigan ko lang
siya maghapon ay solve na ako. He he.
Nawala na ang aking pananamlay.
No comments:
Post a Comment