Followers

Saturday, November 8, 2014

Hijo de Puta: Ochenta y singko

Dahil sa nangyaring pagkakahuli sa akin ni Lianne, habang nagjajakol ako, hindi niya ako kinibo. Hindi na siya nag-almusal sa bahay. Nagmadali rin siyang umalis. 

Natatakot akong, one day, iwanan na niya ako at maghanap ng matitirhan.

Naisipan kong i-text si Paulo. Nangumusta lang ako. Baka nag-confide na si Lianne sa kanya. Wala naman siyang sinabi. Nangumusta lang din kasi. Ibig sabihin, hindi o hindi pa nagsumbong ang kaibigan sa kanya.

Nag-isip uli ako. Kailangang maibalik ko ang tiwala niya sa akin.

Nang araw ding iyon, nagdesisyon akong bumalik sa Xpose Bar. Kaya, tinawagan ko si Mama Sam. Natuwa naman ang matandang bakla sa balita ko. Pinapapasok na nga ako agad. Pero, nakita kong bumilog na ang katawan ko. Napasarap yata ako sa bakasyon. Kailangan ko na ulit mag-workout.

Agad-agad ay pumunta ako sa suki kong fitness center. Ilang linggo din akong di nakapagbuhat. Lumubo nga daw ako ng bahagya sabi ng instructor ko.

Pagkatapos ng workout ko, binalita ko kay Lemar at kay Jake ang nalalapit kong pagbabalik sa pagsasayaw. Pareho silang natuwa. Sinigurado pa nga kung tuluyan na talaga akong magaling.

Pagbalik ko sa bahay, naglinis ako. Nagpalit ako ng kubre-kama at mga punda. Nilabhan ko na rin ang mga ito. Gabi na ako nang matapos ako sa paglalaba. 


Hinarap ko naman ang pagluto. Kailangang makuha ko uli ang loob ni Lianne. Pinagluto ko siya ng adobong manok at baboy. Kaya lang, hindi siya kumain. Tapos na raw silang magdinner ni Paulo. Naisip ko tuloy na alam na ng kaibigan niya ang kalibugan ko. Sabagay, once niya na rin akong nahuling nagjajakol. Napagbigyan ko na nga. Hindi na big deal ‘yun sa kanya. Pareho naman kaming may itinatago kay Lianne. 

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...