“Hindi ko na kaya, class..” pagsisimula ni Mam Dina, pagkatapos
niya kaming batiin. Napamaang ang mga kaklase ako. Ako naman ay nahulaan ko
kaagad ang ire-reveal niya. Hawak kasi niya ang kanyang tiyan. “Pasasaan
ba’t malalaman at makikita rin ninyong lumalaki ang batang nasa sinapupunan ko.
“ Hinimas niya ng bahagya ang kanyang tiyan.
“Mam?” si Riz ang unang nagbuka ng bibig.
“Oo, Riz..buntis ako.” Malungkot ang tinig ni Mam.
“Congrats po, Mam!” Masayang bati ni Riz! Nag-second the motion
naman ang mga walang-muwang kung mga kaklase.
“Mam, bakit di po kayo natutuwa?” isang kaklase ko ang
nagtanong. Kapansin-pansin naman talaga kasi si Mam.
“Isa kasi itong bunga ng pag-ibig na mali.”
Hindi agad ito naunawaan ng mga kaklase ko. Kaya, ipinaliwanag
ito ni Mam Dina. Ngunit, di niya sinabi kung sino ang ama. Tinitingnan niya
lang ako na tila naghihintay ng tulong mula sa akin. Naunawaan naman siya ng
halos lahat. Ayon nga sa isa naming kaklase, hindi na naman iyon bago.
“Salamat, class sa pang-unawa ninyo. Salamat.. “
“Walang anuman po, Mam!” si Riz. “God is good all the time po.
One of these days, natatagpuan niyo rin po ang tunay na lalaking tatanggap sa’yo
at sa iyong anak.”
“Sana nga, Riz..”
Pag-uwian, kinausap ko si Mam Dina. Tinanong ko siya kung
bakit di niya ipinagtapat na si Daddy ang ama ng kanyang ipinagdadalantao. Sabi
niya, pinoproteksyunan niya lang ang aking reputasyon.
“Mam, hindi naman iyon dapat ikahiya. Nagmahalan naman kayo ng Daddy ko
kahit sa maikling panahon.”
“Oo! Kaya lang, mali pa rin, Red.. Tama na iyon! Okay na naman na ako. Pinatawad
na rin ako ng mga magulang at mga kapatid ko. “
“Mabuti po kung ganun. Sige po, ingat po kayo lagi.”
Ngumiti lang si Mam. Pilit na ngiti.
Ikinuwento ko iyon kina Dindee at Daddy kanina sa
hapag-kainan habang naghahapunan kami. No comment si Daddy. But I know,
nabagbag ang kanyang damdamin.
No comments:
Post a Comment