Followers

Monday, November 24, 2014

Redondo: Move On

Nang ibinalik ko ang card ko kay Mam Dina, kinausap ko siya. Pabulong.

"Musta ka na po, Mam?"

Sinulyapan niya muna ako. "Mabuti naman ako, Red."

Hindi na ako tiningnan ni Mam kaya hindi na ako nagtanong pa. Gusto ko sanang itanong kung kumusta na ang puso niya. Pero, dahil nakita kong bumabalik na ang saya sa kanyang mukha, ang hula ko ay unti-unti na niyang natatanggap ang katotohanan.

“Sige po, Mam! Salamat po!’

Tumango lamang siya at ngumiti.

Pakiramdam ko ay nabunutan ako ng tinik. Umaliwalis din ang mukha ko. Pasasaan ba’t tuluyan nang makaka-move on si Mam.

Mabilis akong nakatapos ng seatwork kaya naisipan kong magsulat ng note para kay Mam Dina. Sabi ko:
Mam Dina,
     Natutuwa po ako dahil nakakangiti na po kayo. Sigurado po akong magiging masaya din si Daddy kapag malaman niyang unti-unti niyo pong binubuo uli ang buhay niyo. Maraming salamat po dahil patuloy kayong lumaban sa pagsubok.
     Excited na po akong magkaroon ng kapatid. Kaya, ingatan niyo po lagi ang sarili niyo para sa ikakabuti ninyo . God bless you po!
                                                                                                                                               Red,

Iniabot ko ang sulat kay Mam nang nagsiuwian na ang mga kaklase ko. Si Gio lang ang tanging nakakaalam ng tungkol dito. Ngunit, di niya alam na ang note ko ay tungkol sa pagdadalantao ng guro namin. Ang sabi ko, nag-thank you lang ako sa pagiging top one ko sa klase.


No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...