Followers

Saturday, November 8, 2014

Redondo: Red Light

Tinawagan ko si Dindee, bandang alas-nuwebe ng umaga, kanina. Nakatatlong ring muna bago niya sinagot.

"Hello, Dee? Musta ka na? Miss na miss na kita.." Hindi siya nagsasalita. Pinakiramdaman ko muna ng ilang segundo. "May klase na kayo sa Lunes." dagdag ko pa. "Kailan ka mag-e-enroll?"

"Bakit mo tinatanong? Importante ba ako sa'yo?" Sa wakas, sumagot din siya.

"Oo naman! Ikaw ang nagpapaikot ng mundo ko."

"Ang sabihin mo, ako ang pinapaikot mo. Hmp! Bolero ka!" 

Nahalata kong pinipigilan niya ang tawa niya. "Gitarista ako, hindi bolero." Tumawa pa ako para madala siya.

"Oo nga. Bolerong gitarista!"

"Oo na! Ano? Uuwi ka na ba bukas?"

"Di ba, sinabi ko na sa'yo na hindi na! Dito na ako mag-aaral.."

"Bakit? Yun lang ba ang rason?"

"Hindi lang yun! Madami!"

"Hala! Madami? Anu-ano naman yun? Parang di ko alam mga yun.." Nalulungkot na ako. Kanina lang ay nakakatawa pa ako.. Seryoso na kasi uli siya.

"Alam mo na yun! Sige na, ba-bye na. Busy ako. Naghahanap ako ngayon ng school na mapapasukan ko. Thanks sa tawag!" Pinindot na niya ang cellphone niya.

Gusto kong ibalibag ang cellphone ko..

Bigo na naman ako. Tindi ng galit sa akin ni Dindee. Nakakapraning!

Sa sobrang kabiguan ko. Nag-bike ako. Pupuntahan ko sana si Gio sa bahay nila para kahit paano ay mapasaya niya ako. Siya lang kasi ang taong nakakatulong sa akin kapag malungkot ako. Kaya lang, naisugod ako sa hospital. Nabundol kasi ako ng isang kotse nang bigla akong nagpreno dahil red light na. Dahilan iyon para tumilapon ako. Mabuti na lang at naka-full gear ako. Less ang sugat at sakit ng katawan. Nawalan lang ako ng malay. May konting galos at pilay lang.

Nag-sorry naman ang nakabangga at nagbigay ng financial assitance. 

Si Daddy na ang nag-uwi sa akin. Sinamahan siya ni Mommy. Hindi nila ako pinagalitan. 

Alas-siyete ng gabi, kanina, tumawag si Dindee. Pinagalitan niya pa ako. Tinalo niya pa ang mga magulang ko. Pero, natuwa ako dahil nahalata kong concern pa rin siya. Tila, sinasabi niyang mag-iingat ako palagi dahil mahal na mahal niya ako at siya ang unang mamamatay kapag may nangyari masama sa akin. Sweet!

But, I learned my lesson today..

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...