Hindi ako nakapagsulat kahapon ng maghapon. Pinasyalan kasi
namin ni Dindee si Mommy sa kanyang boarding house. Naiwan ko ang journal ko sa
bahay.
Sa dalawang araw at isang gabi naming pamamalagi kay Mommy,
nakita ko ang kanyang kalungkutan. Pilit man niyang ikubli ang sakit na
nararamdaman niya ay hindi nagsisinungaling ang mga mata niya.
Okay daw siya. Lagi niyang sinasabi pero iba naman ang
kanyang ipinapakita. Pilit ang kanyang mga ngiti. Kahit panay na ang patawa ni
Dindee. Niyaya pa nga namin siyang mamasayal pero tumanggi siya. Kami na lang
daw. Hindi na rin kami umalis. Nag-stay kami sa boarding house niya maghapon.
Ayaw sana namin siyang iwanan na malungkot pero pinagtabuyan
na niya kami bandang alas-singko ng hapon. May pasok pa raw kami bukas.
“Mommy, dalaw ka naman sa bahay minsan.” Pagkatapos kong
mag-kiss sa kanya.
Tiningnan niya ako. “Busy
pa ako, Red. Sige na, ingat kayo.”
Wala na akong nasabi.
“Bye po, Tita!” Si Dindee. Nag-kiss din siya.
Nabigo akong pasayahin si Mommy. Gayunpaman, hindi pa ako
sumusuko na pagdugtungin ang mga puso nila ni Daddy. Kaya ko ‘to!
No comments:
Post a Comment