“Right choice of songs lang, anak..” payo sa akin ni Daddy nang
napansin niyang naligalig ako sa pag-parctice ng kakantahin ko mamaya sa bar.
“Ano nga po ang kakantahin ko?” napakamot pa ako sa ulo ko.
“Sino-sino ba ang audience mo? Ano kaya ang tipo nilang kanta. Ibagay
mo sa kanila.”
“Henyo ka, Dad!” Naki-apir pa ako sa kanya nang ma-gets siya.
Iniwan na niya ako.
Si Dindee naman, nakatingin lang sa akin. Excited siya. Halata
sa kanyang mga mata. Mas lalo naman akong na-inspired na kumanta at tumugtog
dahil nakatingin siya. Siya kasi ang numero unong critic at judge ko. Pag hindi
pasok sa panlasa niya, malamang bagsak din ako sa may-ari ng bar.
“Pwede na ba?’’ tanong ko kay Dindee, pagkatapos kung tugtugin
ang “Where Are You Now?’’ ng Honor Society.
“One point!”
“Eto pa..” Tinugtog ko naman ang “Inuman Na”.
Natawa si Dindee, pero tinuloy ko lang ang pagtugtog ko.
“Okay lang ba?”
“Maganda naman. Redondo version. Siguro magugustuhan nila yan, since
bar ang tutugtugan mo.”
“Thanks, Dee! Last one..” Ang original composition ko naman ang
tinugtog ko.
“Kainis ka, Red! Bakit yan?”
”Pangit ba? Hindi ba bagay?”
“Bagay. Pwede naman..”
“E, bakit ka naiinis?”
“E, kasi naman..e. Kinikilig ako, e.”
Natawa ako. Hindi ko rin natapos ang kanta. Niyakap na niya
kasi ako.
“I believe..makukuha ka mamaya. Ang galing mo, Red. I love you na
talaga.”
“I love you more.” Kiniss ko pa ang noo niya.
No comments:
Post a Comment