Hindi umuwi si Mommy kagabi. Inalagaan niya ako. Si Daddy naman ay busy-busyhan din sa kusina. Natutuwa akong makita silang nag-uusap. Naisip ko nga, minsan pala ay kailangan kong maospital o magkasakit para magkakasama kaming tatlo. Pero, kumatok ako sa kahoy pagkatapos. Ayoko namang lagi akong nasa ospital.
Pagkatapos akong mahilot ni Mommy ay nakatulog ako. Sarap kasi sa pakiramdam.
Isang halik sa labi ang gumising sa akin. Si Dindee! Kumurap-kurap ako. Baka kako nanaginip lang ako. Pero hindi. Totoong si Dindee ang nakikita ko. "Dindee?!" Agad akong bumangon at niyakap ko siya. Gumanti siya ng mas mahigpit na yakap.
"Ano bang ginagawa mo sa buhay mo, Red?" Mangiyak-ngiyak niyang tanong.
"I miss you, Dee! Akala ko ay hindi ka na nga uuwi."
"Sorry.." Bumitiw na siya sa pagkakayakap at tiningnan niya ako. Nakita ko ring nasa pinto sina Mommy at Daddy. "..kasi hindi kita inunawa."
"Wala yun. Ang importante, bunalik ka na."
"Babalik naman talaga ako.. Gusto lang kitang inisin dahil nakakainis ka."
"O, hayan..naiinis ka na naman.." Tumawa ako. Tumawa din ang mga magulang ko.
"Kayo, talagang dalawa." turan ni Daddy na nakangiti. Tapos, lumabas na sila ni Mommy.
"Kasi ikaw,e .."
"Sorry na!" Niyakap ko uli siya at kiniss ang buhok niya. Ang bango-bango niya kahit galing siya sa biyahe. "I miss you talaga!"
"Hindi kita miss.."
Suminangot ako at nahiga uli.
"Miss na miss kita!" bulalas ni Dindee. Hinalik-halikan niya ang noo ko. Niyakap niya ako habang nakhiga. "I love you." bulong ni Dindee. "Sobra akong nag-alala sa'yo nang tumawag ang Mommy mo."
Wala akong nasabi. Ninamnam ko na lang ang init ng kanyang yakap.
Kung anog lumbay ko noong mga nakaraang araw ay siyang namang saya ko ngayong araw. God is good talaga, all the time. Niligtas na Niya ako sa posibleng kamatayan, pinauwi niya pa ang aking pinakamamahal.
No comments:
Post a Comment