Followers

Friday, November 21, 2014

Redondo: Top One

Hindi pumunta si Daddy sa school para kunin ang report card ko. Hindi daw siya pinayagan ng boss niya. Hindi naman ako nagtampo. Expected ko na ganun ang mangyayari. Alam kong magdadahilan lamang siya.

Hindi rin naman nagtanong si Mam Dina kung bakit hindi akarating ang Daddy ko. Siya na nga mismo ang nagsabi na ako na lang ang kumuha ng card ko.

Wala ako sa conference ng mga magulang. Nag-abang lang ako sa covered court at ipnatawag ako ni Mam Dina after ng meeting nila. Saka ko lang nakita sa blackboard ang naka-post na honor roll. Top one uli ako. Top two si Riz. Point seventy-five ang lamang ko sa kanya.

Tuwang-tuwa ako sa resulta ng aking pagsisikap. Kahit paano ay matatakpan ang mga pighati na pinagdadaanan ng aking mga magulang. Binati nga nila ako  sa text. Tuwang-tuwa din si Dindee.

Inspired akong maggitara kaninang hapon, pag-uwi ko. Kaya, tumugtog ako at kumanta habang hinihintay si Dindee. Nakalimang kanta ako nang dunating siya. May dala siyang halu-halo ng Chowking. Blow-out daw niya sa akin.

“Hindi ako nito pwede.” biro ko kay Dindee.

Nalungkot siya. “Bakit?”

“Kasi may concert ako bukas. Mamamaos ako.” Tumawa ako.

“Baliw!’’ Hinampas niya ako sa braso. “Akin na at ipapamimigay ko sa mga bata dyan sa labas!”

Binawi ko kaaga d ang halu-halo. “Wag na! Postponed ang concert.”

Nagtawanan kami.

Ang sarap tumawa. Nakakalimutan ko ang mga problema.


No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...