Followers

Wednesday, November 12, 2014

Redondo: Confirmed

Dapat ay magbabasketball kami ng mga barkada ko, kaya lang, kinausap ko si Mam Dina pagkatapos ng klase. 

"Confirmed, Red..Buntis ako." malungkot na sagot sa akin ni Mam. Hinipo niya pa ang kanyang tiyan. Although, hndi pa iyon ay halata, pero nababakas ko sa kanya ang pagsisisi at kalungkutan.

Speechless ako. Hinihintay akong magsalita ni Mam Dina, ngunit walang lumabas na salita mula sa aking bibig. Nakatitig lang ako sa kanya. Naisip ko sina Mommy at Daddy. Gusto ko kasing magalit kay Daddy..

"Ano ang gagawin ko, Red? Bubuhayin ko ba ang kapatid mo?"

Bigla akong natauhan nang marinig ko ang salitang 'kapatid'. Oo nga naman! Kapatid ko ang dinadala niya. "Mam? A..e.." Wala pa rin akong masabi.

"Magagalit sa akin ang Papa ko. Pinag-aral niya ako't pinagtapos, pero ito lang ang igaganti ko sa kanya...kahihiyan." Sumubsob siya sa kanyang mga palad at umiyak.

"Mam, gusto niyo po bang makausap ang Daddy ko? I think, kayo po dapat ang nag-uusap."

"Ayaw na ni Daddy mo sa akin. Isa pa, mukhang magkakabalikan na sila ng Mommy mo.."

"Para na lang po sa..kapatid ko."

Tinitigan niya ako at nag-isip ng sandali. "Sige, Red..gusto kong makausap ang Daddy mo.."

"Pasensiya ka na sa akin, ha? Salamat.."

"Okay lang po, Mam!"

"Kung anuman ang mapag-usapan namin..matatanggap ko. Kasalanan ko naman, e."

"Opo. Sige po.. Ingat po kayo. Huwag po kayong malulungkot kasi anaapektuhan ang baby.." Nginitian ko siya. Napangiti ko din siya. Tapos, kumaway na ako at lumabas ng school. Nakahinga ako ng maluwag. 

Hindi pa rin ako nagkuwento kay Dindee. Hindi rin muna kami nagkulitan. Nag-busy-busy-han ako sa pag-a-assignment, gayundin siya. 

Alas-nuwebe na ng gabi nang makatiyempo akong maka-usap si Dad ng sarilinan. Nahapis bigla ang mukha niya. Sa tingin ko ay tumanda siya at pumangit bigla. 

Lumabas siya ng bahay at pagbalik may dala siyang dalawang bote ng beer. 

Naawa din ako sa kanya kahit paano. Nagmahal lang naman siya..

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...