DENISE' POV
Buwisit na Dennis! Feeling guwapo. Lakas maka-score kay Krishna ko. Ito namang maharot kong girlfriend, bumigay na yata. S#*%!
Kanina sa school magkausap sila. Nagtatawanan sila. May pahawak-hawak pa si Krishna sa kamay at braso ng damuhong kapatid ko. `Tapos, pahampas-hampas pa.
Sabi niya, never siyang mai-in love kay Kuya. Sabi niya, ako lang ang mahal niya. Leche! Parang hindi iyon ang nakikita ko. Ako ang nawalan!
"Magkaliwanagan nga tayo, Kuya!" Pinahalata kong galit ako. Inunahan ko na siya. Kailangan ko siyang sindakin. Nagulat nga siya, e, habang nagtatanggal siya ng medyas. Ako naman ay kabababa ko lang ng bag ko sa sofa.
"Malabo ba? Bakit?" Sarcastic pa ang p*#a!
"Ibang klase ka rin, `no! Inaahas mo na si Krishna ko, e!" Mas mataas na ang boses ko. Grabe kasing selos ang naramdaman ko kanina sa school. Hindi lang talaga ako nagkapag-react.
Hindi nagsalita si Kuya. Tinapos niyang hubarin ang medyas niya. Nagulat ako nang ilamukos niya ang mga iyon sa mukha ko. "Itong sa `yo! Babae ka, Denise!" `Tapos, tinalikuran ako.
"F_ck! Bakla! Bading! Beki!" Kung ano-ano pang mura ang sinigaw ko habang nasa kuwarto siya. Wala akong nagawa. Ayaw ko namang mabugbog ako ni Kuya. Mas malakas pa rin siya kaysa sa akin kahit nag-aastig-astigan lang siya. Nagkulong na lang ako sa kuwarto at umiyak.
`Tapos, naalala ko pa. Bukas na pala ang rehearsal para sa pageant na sasalihan ko. Miss Barangay! Hindi ko ma-imagine ang sarili kong rumarampa. Nakakaiyak! Anong parusa ito?!
No comments:
Post a Comment