Followers

Monday, November 17, 2014

Redondo: Baby Damulag

Kahit medyo  hindi pa napanatag na ang loob ko kagabi. Hindi na ako masyadong apektado sa mga nangyari kaninang umaga. Siyempre, Lunes na Lunes. Kaya lang, si Mam Dina ay balisa. Nahalata ko. Marahil ay hindi na niya alam kung paano niya itatago ang kanyang tiyan. Lumalaki na ito. Ilang araw na lang ay mahahalata na iyon ng mga kaklase namin. Hindi niya pa  sinasabi sa aming klase ang kanyang pinagdadaanan.

Gayunpaman, hindi ko siya kinainisan. Naaawa nga ako sa kanya. Kahit paano ay inisip ko pa rin ang dala-dala niya sa kanyang sinapupunan. Kapatid ko iyon. Marapat lamang na pakitaan ko siya ng maganda, although hindi mabuti ang paraan ng kanyang pagmamahal sa aking ama. Naging padalus-dalos kasi siya.

Pilit kong iwinaksi ang isiping iyon. Nag-focus ako sa pag-aaral ko. Nakita ko kasing nanunumbalik ang dating kasiglaan ni Riz sa talakayan. Kailangan ko siyang labanan. Kailangan ko kasing angatan siya.

Totoong mahusay siya. Pero, dahil masigasig ako, kaya ko siyang talunin. At, nagawa ko ngayong araw.

Inspired ako ngayon, lalo na’t panay ang text sa akin ni Dindee. Isa siya sa mga nagbibigay sa akin ng lakas ng loob.

“Alam mo, Red! Sana laging tayong ganito. Nakakasawa naman kasi ang lagi tayong may tampuhan.” sabi niya habang nakasandal siya sa dibdib ko at nakatanaw kami sa mga bituin.

“Ako nga rin.. Sana nga, Dee.”

“Aba! Mukhang may alinlangan ka pa!” bigla niya akong siniko.

“Ano ba dapat ang sagot ko?” Lagi na lang akong mali?” biro ko naman.

“Dapat..Oo. Pangako.”

“O, siya! Oo. Pangako!” Itinaas ko pa ang kaliwa kong kamay.

“E, bakit kaliwang kamay ‘yan?”

“Ay, sorry. Dapat pala kanan!” Sinadya ko lang iyon. Observant ang girl friend ko. Marunong..

Kinurot-kurot ako ni Dindee.

“Ang saya niyo naman, guys!” bati naman ni Daddy na mula sa loob ng bahay.

“Oo nga po, Tito! Kulit nitong baby damulag ninyo. Join po kayo. Masarap nap o ang hangin. Paskong-pasko na po.”

“Oo nga, e. Hindi ba kayo nilalamig?”

“Ang init nga po, Dad e. Lalo na itong isa. Ang init ng ulo sa akin.”

Tumawa si Daddy. Parang walang pinagdadaanang problema. Tapos, kinurot uli ako ni Dindee.



No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...