Followers

Saturday, November 15, 2014

Redondo: Give Way

Hindi na kami nakapag-usap ni Daddy. Pasado alas-dose ng hatinggabi na kasi siya dumating. Amoy-alak siya. Uminom na naman. 

Kinabukasan, tahimik siyang naghanda ng almusal namin. Hindi ko siya tinanong. Gusto kong kusa niyang ipagtapat sa akin ang mga nagyari. Kaya lang, hindi siya nag-open up.

Nitong gabi lang niya ako kinausap, pagkatapos naming maghapunan.

Nahiya sigurong magkuwento nang nakaharap si Dindee.

Inakbayan niya ako  palabas ng bahay. Naiwan si Dindee na nanunuod ng TV.

"Sorry, anak.." umpisa ni Daddy. Nakaakbay pa rin siya sa akin.

Tumigil kami sa gitna ng aming bakuran. Hindi kami umupo. 

"..binigyan kita ng malaking problema." patuloy ni Dad. "Sorry, sorry.." Kahit madilim sa labas ay alam kung naluluha siya. 

"Wala naman pong problema sa akin, e." Sinabi ko lang na wala, pero ang totoo, meron. "Ano po ba ang desisyon ninyo? Hindi po nag-reply si Mommy sa text ko."

"Nagalit siya. Sinampal niya ako't pinagsasalitaan ng masasakit na salita. Ni hindi rin ako nakapag-explain.."

"Ganun po ba? E, si Mam Dina po?"

"Nag-give way siya sa amin ng Mommy mo. Bubuhayin niya daw ang kapatid mo.."

Natuwa ako sa desisyon ni Mam pero parang mali yata ang ginawa ni Mommy. Siguro ay hindi ko lang maintindihan. Siguro ay ganun talaga ang reaksiyon ng mga babaeng sa ganitong sitwasyon. Hiling ko pa rin naman na mapatawad ni Mommy si Daddy.

"Dad, gusto ko.. mabuo uli ang pamilya natin." Umupo na ako. "Ito lang kasi ang paraan para di ka mapunta sa iba.." Wrong timing man ako ay isisingit ko na. Isa kasi ako sa apektado ng bagay na ito.

Umupo muna si Daddy. "Paano nga? Hindi na niya ako mapapatawad. Ilang beses na rin akong nagkasala sa kanya. Napuno na siya."

"Tutulungan kita, Dad!"

"Sige, anak. Pero paano? Kilala mo ang Mommy mo. Pag ayaw niya, ayaw niya talaga.."

Kaya natin 'to, Dad! Basta ang mahalaga, okay na kayo ni Mam Dina. Hindi na siya maghahangad mula sa'yo, maliban sa suporta at pagkilala sa inyong anak."

"Oo. Mabuti nga at mabait si Dina."

Pagkatapos ng usapan naming iyon, nakahinga ako ng maluwag. Kahit paano ay makakampante na ang tulog ko. Pasasaan ba't mapapatawad din ni Mommy si Daddy. Tutulong ako. Ako ang susi sa kanilang pagbabalikan.


No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...