Nobyembre 1, 2014
Unang araw ng buwan. Undas. Tapos na ang first semester. Pagbalik ko sa November 3, Lunes, simula na naman ng ikalawang semestre. Panibagong pakikibaka na naman sa buhay at karera.
Ikalawang beses na rin akong tinatamad mag-aral ng master's. Bi bale, saka na lang pag bumalik na naman ang enthusiasm at inspirasyon ko sa pag-aaral. At least, malapit ko nang matanggap ang appointment ko ay Teacher 2. Unang beses akong mapo-promote. Ikalawang hakbang naman tungo sa inaaasam kong posisyon.
Si Emily at ako, so far ay nagiging okay na ng pakonti-konti. Pero, hindi pa rin ako masyadong umaasang magiging buo uli kami. Aalis siya ng bansa. Ako naman ay nangangarap na magkabahay sa Cavite. Bahala na! Ikalawang pagkakataon na namin ito kung sakali. Kung hindi mag-work, hindi nga kami para sa isa't isa.
Nasa Bautista lang kami maghapon. Tamad na tamad ako. Panay lang ang higa ko. Ilang araw din kasi akong puyat sa kakapasok ng alas-sais. Bumabawi lang.
Nobyembre 2, 2014
Anlamig ng umaga kaya hindi na naman ako nakatulog ng husto. Medyo umatake na naman ang rayuma ko sa likod. Ilang beses din akong bumangon para umihi. Ang sumatotal, naging antukin ako maghapon. Nahiga lang ako nang nahiga. Nag-update lang ako ng Wattpad stories ko. Tapos, noong bandang hapon ay nanuood kami ng pelikula sa Youtube. Inaabot na kami ng gabi.
Nakipagkuwentuhan naman si Emily kay Mama. Nagkaiyakan yata sila.
Alas-siyete ay umalis na kami. Dumiretso na si Emily sa Monumento kung saan naroon ang Madam niya. Naghiwalay lang kami sa Cubao. Pasado alas-nuwebe ako narating sa boarding house.
Pasok na naman bukas. Second semester na. Compute-an na naman ng grades. But, one thing I wanna do is to make my teaching more enjoyable to my pupils. I will inspire them more. I will use my creativity to give them the learning they should have. Just guide me Lord..
Nobyembre 3, 2014
Hindi man ako nakabangon ng maaga, binilisan ko naman ang kilos ko sa paghahanda para makarating ako ng school ng mas maaga upang masalubong ko ang unang Lunes ng buwan at ang unang araw ng ikalawang semestre. Pero, bago ang lahat, nag-almusal muna ako ng masarap sa isang karendirya sa Pedro Gil-Taft. Kahit paano ay nakatulong ito sa aking kaisipan. Nakapagsulat tuloy ako ng lesson plan sa Filipino at nakagawa ng mga makabuluhang visual aids sa dalawang subjects. Gumawa ako ng mga 'tarpapel'.
Kokonti ang mga pupils kong pumasook, pero, naging masigasig ako sa pagtuturo sa kanila, gayundin sa ibang klase. Sa Math ay nagturo ako ng ratio. Sa Filipino ay pang-uri. Nagamit ko rin as springboard ang unang kabanata ng nobela kong Alter Ego. Sarap sa pakiramdam na unti-unti ko nang nagagamit ang mga sinulat ko para maging bahagi ng aming aralin.
Sa tingin ko, enjoy ang mga bata sa aking pagbabasa o aking pagkukuwento. Nawa ay maging mas inspired akong gawin ang mga ito. Sana din ay sila ang maging tulay para patuloy akong makapagsulat ng mga kuwento.
Pagkatapos ng klase, tumungo kami s ahideout. Halos, kasunudan din naming dumating si Sir Erwin. Nahuli lang si Donya Ineng dahil may tutorial siya. Gayunpaman, isa na namang masayang bonding ang nanganap. Nakakawala ng stress at pagod.
Alas-otso ay umuwi na kami. Pagdating sa boarding house ay nag-upload ako at nag-post sa FB. Nagkaroon kami ng mahaba-habang thread ng usapan ni Sir Erwin. Lagi namang ganun. Parang extension ng hideout. Apektado ang mga gawain ko pero okay lang.
Nobyembre 4, 2014
Second day. Inspired pa rin akong magturo. Kaya lang, unang period ko ay naghintay lang ako kasi binigyan ko ng chance ang religion teacher na magturo sa advisory class ko. Ang nangyari, nagmadali akong ituro ang lesson ko sa kanila after ng lesson niya. Mabuti na lang ay madali lang ang topic ko sa Math. Kaya nakuha naman nila agad.
Second period ko ay sa Section Earth. Okay din. Wiling-wili silang mag-participate. Marahil ay nakatulong ang tarpapel ko, as visual aid.
Before recess ay nagturo ako ng Filipino sa advisory class ko. Hindi ako ang teacher nila. Si Mam Rodel dapat iyon. Pero, dahil gusto ko ang ginagawa ko, nagturo ako. Dalawang lesson pa nga ang na-tackle ko-- ang kahapong plan at ngayon. Mabilis din naman nilang nauunawaan.
Pagkatapos ng recess, pinatawag kaming trainers ng journalism. Dapat ay magtuturo ako ng Math at Filipino sa Section Mercury at Filipino sa Section Earth.
Maganda naman na pinatawag kaming trainers dahil naiinis ako kahapon pa. At least, na-delegate na ang task. Hindi na lang kami ni Mamu ang gagawa ng diyaryo.
Ang maganda pa, nai-voice out ko ang nangyaring panggagamit ni Sir Romy ng huli kong ginagawang dyaryo. Kinumpirma ni Mah na iba sila. I hope so. Kaya naman, nagpakita ako ng willingness na makapag-produce kami school paper on the 2nd week of November.
Mag-aalas-singko na kami natapos.
Bukas ay magsisimula na kaming magpasulat sa mga bata.
After the classes, pumunta kami sa hideout. Nauna na si Papang. Si Don Facade ay sumama lang at umalis naman agad.
As usual, masasaya at matatalinong usapan na naman ang naganap doon. Alas-nuwebe na kami nakaalis.
Nobyembre 5, 2014
Maaga akong umalis ng boarding house para paghandaan sa school ang journalism workshop na ikinasa namin kahapon sa meeting. Hindi naman ako nabigo dahil, bago nagsidatingan ang mga bata ay nakapaghanda na ako ng powerpoint presentation.
Ako na rin ang nag-talk tungkol sa pagsulat ng balita.
Successful ang workshop namin dahil pagkatapos niyon ay nakapagsulat sila. Medyo, nangapa iyong iba pero nakapagsulat sila ng mga balitang iniatangan namin sa kanila. Sa tulong naman nina Mamu, Mam Loida at Mam Vi at nakapag-submit sila ng output bago mag-alas-dos.
Pasado alas-dos, pagkatapos ng recess ng mga bata ay nagturo pa ako ng Math sa Section Mercury. Nakakapagod pero kinaya ko dahil gusto ko ang ginagawa ko. Mabuti na lang at maya-maya ay may spaghetti, puto at coke na dumating dahil birthday ng pupil ni Mam Rose. Rewarding!
Nagpasaway lang mga pupils ko kaya pinasulat ko sila ng tig-dadalawang reason (English, huh) kung bakit sila nagpasaway. Nakakatuwa dahil nag-effort sila. Pinatranslate ko pa sa kanila in Tagalog. Kaya naman pala nila. They gave me an idea.
Nahuli tuloy ako ng labas.
Dumiretso ako sa hideout. Akala ko ay pupunta sina Don Facade at Papang. Pagdating ko dun ay si Mamu lang ang tao.
Tumuloy pa rin ako para magpahinga. Habang nagpapahinga ay tinype ko ang mga articles ng mga bata kanina. Natapos ko naman after namin mag-dinner ni Mamu. Kalahati na lang kasi iyon dahil hinati namin ni Mam Vi.
Ready na kami para mag-layout bukas.
Nagpagupit at nagpakulay ako ng buhok sa suki kong barbero. Inabutan ako ng 9:30. Maglalaba pa sana ako kaya lang di na kaya ng powers ko, kaya pina-laundry ko na lang. One hundered lang naman ang inabot ng apat na kilo. Hindi practical pero convinient para sa gaya kong busy person. He he.
Nobyembre 6, 2014
Kagabi, sinabi ko sa sarili ko na gigising ako ng alas-otso. Pero, kanina, nagising ako ng bandang alas-sais. Pinilit ko pang pumikit ngunit hindi na talaga ako nakatulog. Wala talaga akong suwerte sa pagtulog. Lagi hindi sapat ang aking paghimbing.
Gayunapaman, may nagawa pa ako sa school. Nakapaghanda pa ako ng visual aid sa Math. Sa Filipino ay hindi ako nagahnda kasi gagamitin ko ang inihanda ko noong Martes. Hindi kasi ako nakapagturo noon at kahapon dahil sa journalism.
Sa pagtuturo ko ng Filipino sa Mercury, nagtampo-tampohan ako dahil hindi kaagad sila umayaos ng upo. Ginaya ko ang ginawa ko sa pupils ko kahapon. Hinigian ko sila ng sampung rason kung bakit ako dapat magturo.
Effective pala! Ang gagaling nila sumagot! Nabuo nila ang sampu. Napangiti nga ako pagkatapos ng ikasampu. Natawa din sila.
Gusto talaga nilang matuto. Sadya lang may mga nakahalong pasaway at papansin.
Na-inspired ko tuloy sila na magsulat, instead na magdaldal.
Sabi ko pa, gusto kong maalala nila ako hindi sa araling itinuro ko sa kanila kundi sa adhikain binahagi ko sa kanila.
Sayang lang, kasi di ko natapos ang pagpapasulat ng explanations sa mga nakalistang pupils. Kailangan ko kasing makisabay sa grupo. But, pina-assignment ko na lang sa kanila.
Nag-dinner kami sa dati naming kinakainang carinderia. Tapos, hindi na kami dumaan sa hideout.
Nakauwi ako before eight. Tired but fulfilled and happy.
Nobyembre 7, 2014
Hindi ako pumasok sa school ng maaga. Wala naman kasi akong gagawin doon dahil sa Science Camp. Pero, pagdating ko doon, inukupa ko ang sarili ko sa pag-print ng mga ilalagay sa Math bulletin board ko. Naabutan pa nga ako ng mga pupils ko.
Ala-una ay nagsimula ang maikling programa ng Science Camp. Photographer na naman ako. But this time, gamit ko lang ang cellphone ko.
Pasado, alas-tres, inantok ako. Kaya, iniwan ko sila sa baba at umidlip ako sa classroom ko. Pasado alas-kuwatro na natapos ang camp.
Pasado alas-singko naman ako nakauwi dahil nagdilig pa ako ng mga halaman. Dumiretso ako sa Sm para magbayad ng RCBC bill ko. Bumili din ako g bagong long sleeves polo. Reward ko sa sarili ko. It's been a long time since I last bought one.
Nakauwi ako ng maaga ngayon. Nag-wattpad ako agad habang nagsasaing. Tumawag naman si Emily. Medyo, natagalan ang pagta-type ko. Pero, okay lang. Pumipindot naman ako sa keypad habang nag-uusap kami. Mabagal nga lang at konti ang natapos.
Bukas ay maaga akong magigising. Magpapa-enroll muna ako sa CUP, kasama sina Don Facade at Donya Ineng. Tapos, dididretso na kami sa The Farm, kung saan kami magsi-swimming. Treat ito sa amin ni Mamah.
Nobyembre 8, 2014
Pasado alas-sais pa alang ay nasa CUP na ako. Antagal kong naghintay kina Donya Ineng at Don Facade. Pasado alas-otso na dumating si Roselyn. Hindi naman dumating si Archie. Gayunpaman, nagtuloy kaming dalawa sa pagpa-enroll.
Antagal lang naming pumila ng pumila. Ang gulo ng sistema ng CUP. Andaming pila-pila.
Kinalabasan, alas-diyes na kami nakatapos ng enrollment. apos, alas-dose na kami nakarating sa Dasma Bayan. Naunahan pa tuloy kami ni Mam Deliarte at Mam Fatima sa meeting place. Sumunod naman si Sir Erwin ang at kanyang family.
Alas-dose at nasa The Farm na kami. Namangha ako sa simpleng ganda ng lugar. Semi-private. Halos kami lang ang tao. Kaya, pagkakain ay naglibot kami. Nilibot kami ng isang attendant doon sa lugar. Ang ganda ng The Mansion nila. Nagpicture-picture kami doon at sa iba pang lugar doon.
Then, naligo na kami. Hindi ako nagbabad ng husto dahil gininaw na ako. Kumanta na lang ako videoke.
Sulit ang treat sa amin ni Mamah sa kanyang retirement. Everybody is happy.
Then, napasama ako sa bahay ni Mam Vi. First time kong makaraing doon. Ang laki pala ng bahay ni Mam. Mansion. Mayaman! Napaka-down-to-earth talaga ni Mam.
Kainan na naman doon.
Tapos, dinala niya kami sa kanyang bakanteng lote na maraming tanim na gulay. Sayang nga lang at gabi na.
Bonsai sana ang gusto kong mahingi kaso, sarado ang bahay ng pinsan ng asawa niya na siyang maraming bonsai.
Namangha ako doon sa mga bonsai na nakita ko sa bahay niyon. Namimigay daw siya, kaso wala kaya di ako nakabitbit ni isa. Pero, pangako ni Mam na ihihingi niya ako.
Bago kami nagpaalam kay Mam Vi, napagplanuhan naming tatlo nina Don Facade at Donya Ineng na magta-Tagaytay kami sa November 30. Excited na ako kaagad! Game si Mam Vi na magpahiram ng kanyang sasakyan. Huwag lang daw ang bago. hehe
Alas-otso y medya ako nakauwi sa boarding house. Masakit ang likod ko, pero happy ako.. I had so much fun!
Nobyembre 9, 2014
Pinagbigyan ko ang sarili ko sa higaan. Alas-diyes na yata ako bumnagon para magsaing at mag-almusal. Ginawa ko na lang isa ang meal ko. Brunch!
Sa wakas, nakabawi na ako ng ilang araw na puyat at pagod. Bukas, pasukan na naman kasi. Kaya, nagpahinga lang ako maghapon. Umidlip. Naglaba-labahan. Tig-kokonti lang kasi. Binabad ko ang tatlong damit tapos binanlawan. Then, nagbabad uli. Ayos!
Ginawa ko iyon in interval. Nakapag-Wattapad pa ako.
Sa FB ay nakapag-post pa ako ng 'hideout quotes' sa Wattpad. Ginawa kong jpg ang mga iyon sa Picsart. Nasimulan ko na rin ang Makata O. Quotes na gawing picture-form.
Hapon, nag-encode ako ng backlog ko sa journal. Andami ko pa ring ita-type..
Nobyembre 10, 2014
Inagahan ko ang pasok, kahit nagbanlaw pa ako ng binabad kong mga pantalon, upang makapaghanda ako ng lesson plans at teaching aids. Nagawa ko naman ng mas maaga.
Nagturo lang ako ng Math sa tatlong sections. Pagkatapos nun ay wala nang palitan. Nag-stay ako sa advisory class ko at nagturo ng CBA. At, habang nagpa-activity ako, gumawa ako sa garden ko. Inipon ko ang mga cactus ko at mga bonsai sa isang lugar. Maliit lang ang puwesto kaya di na-occupy lahat. Pero, maganda naman ang kinalabasan. Sana hindi sirain ng mga bata.
Pagkatapos ng klase, pumunta ako sa hideout. Ako lang ang bisita doon. Umuwi na kasi si Sir Erwin. Tamang-tama naman dahil ang purpose ko talaga ay masimulan na namin ni Mamu ang pagli-layout ng Tambuli.
Ang hirap pala talaga. Naka-isang page pa lang kami. Alas-nuwebe kami natapos. Andaming kinaing oras.
Pag-uwi ko, nine-thirty na. Nag-Wattpad pa ako.
Wala pa rin si Eking at Epr. Mabuti rin naman.
Nobyembre 11, 2014
Nakapaghanda na ako ng viusal aids ko kanina, nakapag-almusal pa ako sa school. Medyo, maaga pa kasi akong dumating doon , kahit pasado alas-siyete na ako nakamulat.
Pumasok na si GL namin, pero si Mam Rose naman ang absent. Ang sumatotal ay wala na namang palitan. Gayunpaman, nagturo ako ng Filipino, Math at CBA sa klase ko at ilang pupils ng Mercury na nasa akin.
Nakapag-layout din ako ng isang page ng Tambuli.
Kaya lang, maghapong pasaway ang mga pupils ko. Panay ang away nila. Nakakabanas! Istorbo sa mga gawain ko.
May bisita din kanina. ADIS. Nadaanan akong nagtuturo. Nakita pa ang teaching aids ko at ang Panitikan Board ko sa labas.
Bukas ay mayroon uli.
After class, pumunta uli ako sa hideout. Wala si Papang. Niyaya ko siyang kumain sa suki naming carinderia, kaya lang di siya nag-reply.
Malungkot na naman ang hideout. Sabagay, okay lang din yun kasi kailangan na naming i-sumite ang school apper namin, next week.
Tumawad si Mamu. Maaga daw kaming mag-stop sa ginagawa namin. Kaya, eight o'clock ay umalis na ako. Pagod na rin kasi ang kamay ko.
Nobyembre 12, 2014
Naging mabilis ang kilos ko kanina dahil may inaaasahan kaming bisita ng ADIS ngayon araw. Nakapaghanda ako ng teaching aid bago nagsimula ang klase. Inspired ko ring sinimulan ang klase.
Kaya lang, nang kasisimula ko pa lamang ng lesson ko, dumating na agad si Mam Llanes. Turong-turo ako noon. Hindi ko pa nga napapasok ang mga late comers. Naibigay ko naman ang hinihingi niya. Nagustuhan niya ang bulletin boards ko. Eye-sore nga lang daw ang sa may parteng basurahan ko. But, all in all, positive ako sa kanya. Ayos! Kung naging mas organized nga lang ang kuwarto namin...
Nag-meeting kaming Grade 5 teachers. Naabutan din kami doon ni Mam Llanes. Then, wala na namang palitan. Sayang ang mga naihanda kong lesson. Kaya, nagturo na lang ako sa advisory class ko.
Parang nasanay na akong mabisita ng mga supervisors. Last time na may MANCOM, nadalaw din ako. Kanina naman ay natiyempuhan na ako. Unti-unti na rin akong nasasanay. At least, lagi akong prepared.
After class, pumunta ako sa hideout. Papunta din kasi si Papang. Hinatid niya lang si Bebe niya.
Naging maingay na naman ang hideout namin. Then, Sir revealed something na nakakainis sa part ni Mam Nelly. Napulaan pa ang treat niya sa ami. Grabe! Sinama na nga niya kahit na hindi belong sa grupo, namintas pa ng pagkain. Buwisit na nilalang! Walang breeding. Tsk tsk. Hindi na nga nagpasalamat! Namintas pa!
May meeting ako tomorrow with other Fillipino coordinators and Mam Silva. Kaya, pagdating ko sa boarding house ay naghanda ako ng summative test sa Math na iiwanan ko sa klase ko.
Nagkita kami ni Epr sa bago naming boarding house.
Marami-rami na rin ang nahakot niya. Babalik kami mamaya para kunin ang iba
pang gamit na kakailanganin namin.
Nobyembre 14, 2014
Alas-singko y medya ay nasa school na ako. Pang-alas ang pasok namin.
Nagkape muna ako sa canteen bago ako umakyat. Habang nagkakape ay naisip ko ang problema ko sa boarding house. Sumagi uli sa utak ko ang pagtira sa hideout at pag-iwan kay Epr. Magiging mean ako pag ginawa ko iyon. Pero, alam ko, iyon ang pinakamabilis na paraan para makalayo ako kina Eking at Buboy.
Hindi naman ako naapektuhan ng problemang ito, sa mga sumunod na oras, naging busy kasi ako. nagparada kami dahil sa International Walk to School, programa ng Safe Kids Worldwide Philipines. tapos, dalawang beses pang ng earthquake drill. Nakagawa rin ako ng Buwan ng Pagbasa bulletin board at nakapag-pictorial kami. Idagdag pa ang mga natapos kong pages sa Tambuli.
Alas-dos na ako nakauwi sa school. Umidlip ako hanggang alas-singko. Pagkatapos ay nag-Tambuli na ako. Hinuli ko na ang Wattpad at Facebook. Naitext ko na rin si Epr tungkol sa mga presyo at ganda ng boarding house na in-inquire ko.
Nai-upload ko na rin ang mga pictures ng pupils ko sa bulletin board ko. Ang ibang pictures ay nalagyan ko ng descriptions, gamit ang kanilang sanaysay na ipinagawa ko kanina sa kanila. Alam ko, matutuwa sila at ang mga magulang nila pag nakita at nabasa ang mga ito.
Isa na naman itong paraan para ma-inspire sila. Gusto ko kasing maging writer sila pagdating ng araw.
Nobyembre 15, 2014
Eksaktong alas-siyete ako nakarating sa school para sa unag araw ng pasukan ng masteral ko sa City University of Pasay. Pero, naghintay ako ng halos isang oras sa unang professor. Si Dr. Yan pala.
Nakapag-almusal na ako bago siya dumating.
Hindi pa kami nagklase. Nag-introduce lang sa mga sarili at nagbigay ng report. Tapos, nagkuwento din si Dr. Gloria Yan ng ilang accounts ng buhay niya. It was inspiring, huh! I like her, since then.
Next is Educational Leadership. Si Dr. Rosalinda Llamas ang prof ko. Gusto ko siya. Witty. Nagustuhan ko ang part na pinag-introduce kami sa sarili namin in different and professional way. Gusto niya daw na may pagkakakilanlan kami after. So, I include the line "I don't just teach, I inspire Pupils to read and write." Kaya, na-open ko ang tungkol sa pagsusulat ko sa Wattpad. Medyo interested silang lahat, though first time yata nilang marinig. Natuwa naman si Dr. Llamas. Magagamit ko daw iyon sa thesis writing. May kumuha pa ng username ko. Try daw niyang mag-open at magpapaturo siya sa akin magsulat.
Kahit paano ay nakapag-inspire ako. Hindi lamang kasi pagtuturo ang obligasyon ng mga guro. Kailangan din naming mag-inspire like pagsusulat.
Last subject is Curriculum Designing. Matanda na ang prof namin na si Dr. Amor B. Penalosa. Nahihrapan na siyang makarinig at magsalita. But, she is intellectual. Alam kong matututo ako ng husto sa kanya. She has principles in life.
Nakauwi ako bandang alas-kuwatro. Maaga pa kasi kaming pinalabas.
Nag-Wattapad, Facebook at layout ako. Nakakainis lang dahil may nag-comment sa post na na pangit ako at 'putang ina ' pa daw ako. Gamit niya ang account ni Paul Aldrine. Hindi ako naniniwalang siya ang may gawa nun. Pero, nang-iwan ako ng comment. Kaya nang mag-open uli siya ay nag-explain siya. Genesis daw ang may gawa. Nag-aaral sa ABES. Panay naman ang sorry niya, which I accepted. Napayuhan ko rin siya na mag-iingat sa kanyang account daw nakakadamay siya ng kapwa, gaya ko.
Ilang beses na rin akong nakaranas ng ganito. Ako pa ang nagagawan ng ganito samantalang wala akong ipinapakitang masama sa mga friends at pupils ko. Hay buhay!
Sana konti lang ang nakabasa nun.
Nobyembre 16, 2014
Alas-otso ay umalis kami ni Emily sa borading house, papuntang Quezon City Circle. Mabilis lang ang biyahe kaya nakarating agad kami. At although mainit na ang sikat ng araw ay agad kaming nag-picture-picture.
Bago pala kami umalis ay naka-chat ko si Sir Erwin at nasabi kong pupunta ako o kami sa Circle para sa bonsai exhibit. Naenngganyo siyang pumunta rin kasama ang mag-anak niya.
Nakakain na kami ng lunch at nakapasok sa exhibit area nang nagtext siya. Nagyayayang mag-lunch. Hindi na kami pumunta ni Emily. Hinintay na lang namin sila dahil nakinig kami sa seminar ng succulent. Nanalo pa nga kami ng gasteria at 'espada' variety.
Umulan ng malakas kaya di sila agad nakapunta sa place namin. Pero, naabutna nila kaming nanunuod sa ikebana demo. Later, sumama ako sa kanila sa paglibot sa exhibit ng mga bonsai, cactus at succulents. Na-enjoy din nila ang lugar.
Afterwards, nagyaya na si Maki sa Circle of Joy kaya nagpaalam na sila sa amin. Naiwan kami ni Emily sa demo area, where isang ale ang nag-approach sa amin at nakipagkuwentuhan. Si Bea Pangan. Interesting ang buhay niya. But, time is short to know her well. Umuwi na kami bandang alas-singko.
I'm happy sa gala ko. I've learned a lot too.
Nag-text si Eking habang naghihintay pa kami ng bus pauwi. Darating na daw siya at nagpapatulong magbuhat ng mga gamit niya. Nainis ako nung una. Akala ko kasi ay kasama na niya si Buboy. Hindi pa pala. Next week pa daw. Okay, sabi ko..
Seven PM ay nasa boarding house na ako. Pagod at antok, pero hindi pa ako pwedeng matulog. Hihintayin ko pa si Eking. Magpi-Facebook at Wattpad pa.
Nobyembre 17, 2014
Dumating si Eking kagabi ng alas-nuwebe y medya ng gabi.
Akala ko ay alas-diyes pa darating. Halos nakatulog na ako. Okay naman.
Kaninang umaga ay nagmadali akong umalis ng boarding house
para maghanda ng lesson sa school. Nagdala na rin ako ng ilang gamit para
mabasawan sa nalalapit kong paglipat-bahay.
Ang Lunes ko ay medyo inspired manermon ng klase. Ikinuwento
ko sa kanila ang experience sa isang Facebook user na nambasatos sa akin.
Pinayuhan ko sila na maging responsible sa pagagmit nito.
After class ay nagtungo ako sa hideout para kausapin si
Donya Ineng tungkol sa kagustuhan kong tumira sa hideout. Pumayag naman siya,
although sa una ay may alinlangan dahil naisip niya na ang posibleng iisipin ng
mga kasamahan namin. Tiniyak ko sa kanya na harmless ako at hindi ito malalaman
ng iba maliban sa mga kaibigan naming tunay.
Iniisip ko pa rin si Epr. Talagang maghihiwalay kami ng
tirahan kapag natuloy ako sa hideout. Sinabi ko na lang na wala pa akong
nahanap. Gusto ko siya na lang ang humanap ng matutuluyan namin. Kaya pag-uwi
ko ay sinabi kong sumabay siya sa akin bukas papuntang Pasay para siya ang
maglibot. Payag naman siya.
Pag-uwi ko, nakapag-usap kami ni Epr dahil wala si Eking. Na-finalize na namin ang plano naming kunin ang kuwarto na worth P4000 per month na may libre tubig at kuryente.
Nobyembre 19, 2014
Nobyembre 18, 2014
Hindi agad ako nakatulog kagabi. Sobrang na-stress yata ako sa kakaisip ng problema naming ni Epr sa paghahanap ng matitirhan. Idagdag pa ang mga plano ko sa career ko at kung paano ako makapag-inspire ng pupils. Nag-isip ako ng mga makabagong paraan upang mas mapaunlad ko pa ang estilo ko sa pagtuturo.
Gayunpaman, maaga pa rin kaming umalis dahil nagtext na si Mam Vale. Mag-a-ADIS at matuuloy daw ang demo ni Mare ngayong araw. Kahit di pa ako dapat na pumasok ay pumasok agad ako ng maaga. Kasama ko si Epr sa Pasay. Naghanap siya ng matutuluyan.
Sa school ay nagapaghanda pa ako ng teaching aid sa Math.
Ten-thirty ay nagsimula na ang demo. Pero, bago iyon, naglibot muna si Mam Silva sa school. Nadaanan niya ang garden ko. Nagustuhan niya ito. Na-appreciate din ang aking Buwan ng Pagbasa 2014 na bulletin board.
Nakasama ako sa mga nag-obeserve, siyempre dahil ako ang Filipino Coordinator ng school. Nadun din ako sa post-conference.
Pagkatapos, mag-lunch. Masigla akong nagturo ng decimal sa advisory ko. Napansin kong inspired din silang mag-recite. Matataas ang nakuha nilang marka. Nakakatulong talaga ang smile.
Walang palitan kasi may meeting si Mam Rose. Pero, nagturo pa rin ako ng Filipino at CBA sa klase ko. Nakagawa din ako sa Tambuli.
After class, nag-hideout kami. Si Don Façade lang ang wala. Isang masayang kapehan at kainan, gayundin ng tawanan ang naganap. Namiss naming ang isa’t isa. Natatawa kami kay Bebe, na siyang humahadlang sa aming madalas na bonding.
Nagawa ko pa doon ang pinagagawa sa akin ni Mam Vale. Ready to submit na ito bukas, through FB. Thanks God!
Pag-uwi ko, nakapag-usap kami ni Epr dahil wala si Eking. Na-finalize na namin ang plano naming kunin ang kuwarto na worth P4000 per month na may libre tubig at kuryente.
Nobyembre 19, 2014
Hindi na naman ako nakatulog kaninang alas-3 ng umaga,
pagkatapos kong maalimpungatan. Nalulungkot kasi akong iwanan din si Eking at
mas piliin pa si Epr. Gayunpaman, walang may kasalanan ng lahat. It’s God’s
will. Mabuti na rin iyon, para sa akin, upang mas malapit ako sa school. Mas
marami akong matratrabaho.
Gusto ko sanang matulog o kaya umabsent, kaya lang naisip ko
na kailangan na pala naming makalipat ni Epr, sa ayaw at sa gusto ko.
Pasado alas-otso, paalis na kami ni Epr papuntang Pasay para
tingnan ang paupahang kuwarto na nakita niya, nang mag-text si Ate Ning-Ning.
Sabi niya: “Poroy ano ba talaga ang plano mo kc sabi ni eking andyan na naman
daw ang barkada mo hindi sa minamasama ko ang pag tira nya dyan kaya lng gusto
ni eking makapag umpisa na sya na mag is asana maintindihan mo.”
Magkasunod ang text niya. Pero, nakapag-reply na ako. Medyo,
inis at nanginginig na ako. Sabi ko: “Mahali na kmi. Kaya yun yadi kay mao an
naghahanap sin balay namo. Dri man bga basta an maglipat, Andami ko gamit.
Naimod mn ni eking n indidiyo-dyo ko n paghakuta an gamit. Ayaw lng ky bdi dun
nag bi wra n kmi. Pasensiya n”
Heto naman ang kasunod ng text niya: “Walang probema kung
kyo lng sana ni eking dahil wala naman sa usapan natin na magpatira ka ng iba
ang liit na nga ng bahay nag sisiksikan pa kyo”
Ang reply niya sa reply ko ay heto: “Poroy hindi yan ang
punto ko sa umpisa pa lng sinabi ko na sau na d pa marunong makisama c eking anong ginawa mo nagpatira ka ng iba
siniperate mo ang sarili mo sa kanya at dinaan sa d pag iimikan tama ba yon
ikaw ang naka tanda diba tinatanong ko naman kung ok kayo sabi mo ok lng yon
pla hindi tapos ngayon mag kakaroon pa ba tayo ng samaan ng loob ng dahil dyan
sa barkada mo.”
Masakit para kay Epr kapag mabasa o malaman niya ito.
Nakaka-disapppoint.
Nag-reply uli ako. “Wla nman ako sma ng loob, ate ning. Mas
makulog an boot s ako sni kun pnabyaan ko sya. Hali man ini s broken family.
Nsa laoag an ina. Thnkful ngani aq ky nangyri ini at least mkasiway n kmi ky naisip ko mn un. An dri ko pgtingog praan
ko un bdi di aq mkpnakit ng sn dmdmin.”
Hindi na siya nag-reply. Sana lang ay tulad ko, wala akong
angst sa kanila. Thanks kay Buboy! Siya ang naging way para makalaya ako kay
Eking.
Naging malungkot ako maghapon. Gayunpaman, hindi ako
nagpahalata sa klase ko. Hindi nagpalitan kaya nasa classroom lang ako
maghapon. Inayos ko ang Tambuli dahil titingnan daw ni Mam.
After class, ipinakita ko nga ang gawa ko. May mga bungi pa,
pero medyo presentable na. May gusto lang siyang isama.
Nobyembre 20, 2014
Kagabi, naghakot kami ni Epr ng gamit ko. Marami-rami din
kaming nadala. Pero, marami pa rin ang naiwan kong gamit.
Naglinis din kami at nagligpit. Itinabi ko ang mga naiwan.
Kanina, maaga pa rin akong pumasok kahit malapit na lang ang inuuwian kong
boarding house. Kailangan ko kasing madaliin ang Tambuli. Naistorbo lang ito
dahil may meeting kami. Hindi na rin kami nakapagpalitan.
Marami naman akong naituro sa klase ko. Nakatapos din akong
ng marami sa Tambuli.
Nag-stay pa ako ng konti sa school dahil nag-atsara ang mga
friends ko. Nakapag-Tambuli uli ako. Nakapag-uwi pa ako ng atsara.
Pag-uwi ko, akala ko ay pupunta kami ni Epr sa Paco. Pumunta
na pala siya. Hinakot niya ang iba kong damit at mga hanger. Hindi na ako
nagyaya dahil pagod na rin ako at mag seminar ako bukas sa San Pablo City.
Okay na ako dito sa bago naming boarding house. Tahimik
naman at malaki ang room. Mababa nga lang ang banyo. Kailangan ko pang yumuko.
Nobyembre 21, 2014
Alas-singko y medya
ay nakaabang na sa Jac Liner sina Donya Ineng at Don Façade. May kasama pa si
Donya na taga-PBES. Apat kaming bumiyahe patungong San Pablo City Gymnasium
para sa unang araw ng seminar sa Wika, Sining at Kultura.
Matagal nakapagsimula. Pero, mabilis lang natapos ang unang
speaker.
Maganda sana ang topic niya. Hindi nga lang niya nabigyan ng
katarungan.
After lunch ay pumunta kami sa simbahan ng San Pablo.
Nagdasal ako doon. Ipinagdasal ko ang pamilya ko, mga anak ko, si Mama, mga kapatid ko, mga kamag-anak at mga
kaibigan.
Hapon, nag-enjoy ako sa topic ni Dr. Batnag tungkol sa mga
panlapi. Kahit aandap-andap na ang mga mata ko sa sobrang antok ay nagawa kong
making ng taimtim at makisali sa talakayan. Nakibahagi ako.
Alas-kuwatro ay natapos ang talk. Nakabili din ako ng
dalawang libro ni Prof. Robinson Cedre na kakailanganin ko sa aking karera.
Pasado alas-siyete ay nakauwi na ako sa boarding house.
Napapagod ako pero gusto ko pa sanang mag-Facebook at mag-Wattpad. Kaso, wala
pa ring signal ang Smart Bro ko. Noong isang gabi pa. Nakakabuwisit!!
Nobyembre 22, 2014
Kami lang ni Mamu ang um-attend sa second day ng
seminar-workshop. Hindi rin uli nakadalo si Sir Erwin dahil nasa ospital pa si
Makki. Hindi tuloy ako nag-enjoy masyado. Boring pa ang topics.
Alas-kuwatro ay tumakas kami habang nagsasalita pa si Sir
Cedre. Kailangan na kasi naming bumiyahe pauwi para maaga kaming makarating sa
MCU kung saan naka-confine ang anak ni Sir. Inimbitahan niya kasi kami.
Past seven ay nasa hospital na kami. Naging maingay tuloy
ang private room. Ang daldal ni Mamu. Pero ayos lang sa pamilya Climacosa. Ang
saya!
Eleven na ako nakauwi. Asar pa rin ako dahil wala pa ring
signal ang wifi ko. Ang hula ko ay dahil ito sa lugar ko. Kulob kasi.
Napapalibutan ng pader at bahay. Buwisit!
Nobyembre 23, 2014
Maaga kaming nakarating sa venue ng seminar-workshop.
Nakapag-almusal pa kami.
Ang huling araw ay sadyang napakasaya. Andami kong
natutunan.
Nang nag-talk si Eros Atalia, isang sikat at magaling na
manunulat, nagustuhan ko ang style niya. HeSimple pero rock, kumbaga. He is
witty. Palanca awardee. Nakilala ko ang dagli o flash fiction dahil sa kanya.
Sa katunayan ay bumili pa ko ng libro niyang “Wag Lang Di Makaraos”.
He has inspired me to write ‘dagli, as well.
Nakita ko na rin si Sir Patrocinio V Vilalfuerte. Last
speaker siya sa araw na ito. ANg husay niya. No wonder, andami niyang
achievements at nagawa para sa Filipino at panitikan. Gusto ko siyang speaker.
Totoo. Down-to-earth at may sense of humor. Pinatawa niya kaming lahat. Inalis
niya ang pagkaantok sa aming mga mata.
At hindi lang iyon, he also inspired everyone to write.
Willing siyang tumulong sa mga bagitong tulad ko. Nakakatuwa na may mga taong
handang gawin iyon.
Bago nagbigayan ng certificate, pormal na binuksan ang Gawad
PVV. Natuwa ako ng husto dahil pasok ang aking mga kakayahanan para sa mga
patimpalak gaya ng pagsulat ng tula, kuwento at sanaysay at paghahananp ng
outstanding teacher.
Halos maiyak ako sa tuwa. Nagkaroon ako ng malaking pag-asa.
Pinu-push pa ako nina Donya Ineng. Tapos, nag-announce din si Sir Cedre na
magpasa ang mga aspiring writers para matawagan sakaling may schedule ng
writing workshop. Nagkaroon uli ako ng malaking tsansa. I’m so blessed today.
Nagbukas ang Diyos ng mga pinto para sa akin.
Habang pauwi kami, punung-puno ako ng pag-asa. One day, ako
naman ang magbibigay ng autograph sa mga librong sinulat ko. One day, ako naman
ang speaker sa harap ng mga aspiring writers.
Pasado alas-otso, dumating si Emily. Inutusan ko siya na
kunin ang salamin sa boarding house ni Eking para mas makabuluhan ang pagpunta
niya sa akin. Nagawa naman niya.
Nobyembre 24, 2014
Alas-otso, umali na kami ni Emily. Siya ay pauwi. Ako naman ay papasok na sa school.
Nag-lesson plan ako pagdating. Thanks God, hindi ko pa kailangang magdilig ng mga halaman. Wala ring natuyot. Three days kasi akong di nakadilig.
Nainis ako kay Ma. Absent talaga ako nung Friday. Hindi man lang kinonsedera ang seminar ko. Kaya, pagkatapos kung mag-Tambuli, bumaba ako sa opisina para ibigay kay Plus One ang form ng absent ko. Biglang kumislap ang bombilya sa ulo ko. Nakita ko kasi sina Sir Erwin, Donya Choling at Mah. Naisip kong batiin si Papang at dedmahin ang dalawa.
Nagawa ko. Segundo lang ang pagitan. Ang bilis kong nakalabas. Maya-maya ay tinawag ako ni Mah. Hindi ko daw siya binati. Sorry, sabi ko. Busy kasi ako, dagdag ko pa. Tambuli naman ang isiningit niya.
Natuwa ako sa ginawa ko. Nakaganti ako sa pambabalewala niya. Hehe
Nagturo ako maghapon. Nakapag-garden din ako bago nag-uwian.
Pagkatapos ng klase, umuwi agad ako para iuwi ang laptop ko. Pupunta kasi kami nina Mamu at Donya Ineng sa MCU. Nagyaya si Papang kanina.
Pagdating ko sa boarding house, paalis na si Epr. Hindi na siya nakipagkuwentuhan sa akin. Ingat na lang ang nasabi ko.
Bumalik pa ako sa school para makipagsabay kay Mamu. Tapos, nagkape pa kami sa hideout. Six-thirty na kami nakaalis. Past 7 na kami nakarating sa hospital.
Sumaya si Sir.
Natuwa din siya sa ginawa ko pandedma ko kanina sa mga kalaban.
Naawa ako kay Makki. Umiiyak at sumisigaw sa sakit. Gustong-gusto nang magpaopera. Hope malampasan ng pamilya ang problemang ito.
Nobyembre 25, 2014
Ang aga ko nagising. Nakakainis! Hindi man lang ako
makatulog ng matagal-tagal. Hindi ako nakakabuo ng 8 hours of sleep.
Naglaba muna ako bago umalis ng bahay. Tapos, pumunta ako sa
Harrison Plaza para sa magbayad ng RCBC at Smart bills. Nag-grocery na rin ako
sa Shopwise. Maaga pa ako nakarating sa school kaya nakagawa pa ako ng visual
aids.
Wala man ako sa mood ngayon dahil may runny nose ako,
nagturo pa rin ako ng Matematika. Masigla akong nagturo. Alam kong naunawaan
nila ang lesson ko. Hindi nga lang ako nakalipat sa Section 1. Umalis kasi si
Mam Rose.
Para mapunan ang bakanteng oras, nagpagawa ako ng sanaysay
tungkol sa violence against women and children dahil ngayon ay consciousness
day.
Umuwi ako agad pagkatapos kung magpalinis ng kuwarto. Gusto
ko na kasing mahiga. Kaya lang tinext ako ni Plus One. Punta daw kami sa hideout.
Birthday kasi niya ngayon.
Nag-dinner kami doon.
Nobyembre 26, 2014
Maaga akong pumasok para maghanda ng teaching aids.
Handang-handa na sana akong ituro ang inihanda ko sa tatlong section nang malaman ko na wala si Donya Choling. Di man lang nagsabi sa amin ni Mamu kahapon. Kaya, walang palitan. Itinuro ko lang sa klase ko ang lesson ko. Tapos, nagpagawa na ako ng slogan tungkol sa violence against women and children na inatang sa akin ni Mam Vi kahapon. Nakapagpagwa rin ako ng Christmas decoration.
Medyo, naging maayos na ang pakiramdam ko maghapon. Hindi tulad kahapon. Nahinog na kasi ang sipon ko. Pero, umuwi ako ng maaga sa boarding house pagkatapos ng klase. Gusto ko kasing magpahinga at maging at home sa bago kong tirahan. Hindi ko na nga muna hahakutin ang iba ko pang gamit sa boarding house ni Eking. Saka na pag nagawi uli ako banda doon. O kaya pag malapit na ang Pasko. Malamang nasa Bulan na siya nun.
Nobyembre 27, 2014
Hindi ako pumasok ng maaga. Pero, nakasulat pa rin ako ng
lesson plan tungkol sa pagsulat ng tula, na natutunan ko sa seminar-workshop
noong Biyernes sa San Pablo City.
Wala pa rin si Donya Choling kaya wala na naming palitan.
Gayunpaman, nakapagturo ako ng mahusay sa advisory class ko dahil wala silang
kahalong ibang section.
Nagustuhan nila ang activity ko. Nakagawa sila ng tula.
Nai-post ko nga agad sa FB group naming na V-Mars (SY 2014-2015).
Bukas ay tuturuan ko naman silang sumulat ng Haiku at
Tanaga. Excited na nga sila.
Plano ko ring ibida sa mga magulang nila ang achievement
nila. Bukas kasi ang kuhaan ng card. May maikling conference kami. Sana magawa
ko.
After class, umuwi agad ako para banlawan ang binabad kong
mga damit kaninang umaga. Pupunta kasi kami sa MCU para dalawin si Makki. Kaso,
hindi natuloy dahil masama ang pakiramdam ni Mamu. Isa pa, umuulan. Nakakain
lang tuloy kami ni Mamu doon sa dati naming kinakainan na may P50 budget meal.
Nobyembre 28, 2014
May professional Meeting ang GES Faculty. Ten-thirty ng
umaga nagsimula. Wala ang principal kaya si Mam Rose ang nag-preside ng
meeting. Nakakainis ang mga gawaing ipinagagawa ng bagong superintindent.
Pamatay! Pati ang kulay ng kung ano-ano sa classroom ay kumporme sa gusto niya.
Ewan!
Pinag-usapan din namin ang Christmas Party. Sa wakas,
nagkasundo din. Sa school lang kami magpa-party, gaya nang naabutan ko noon kay
Sir Soriano.
After ng meeting, nagturo ako ng Haiku sa mga bata.
Nakasulat naman sila. Naabutan nga lang kami ng pagdating ng mga magulang.
Alas-kuwatro sila pinapasok ng guard.
Sa meeting ay pinanuod ko muna sila ng nakak-touch na video.
Isang sulat ito ng anak sa ina, na hindi masyadong pinapansin dahil mas
paborito ang kanyang ate. May mga naluhang magulang at estudyante.
Ipinabatid ko sa kanila, pagkatapos, na mahalagang dumalaw
sila sa paaralan, ipatawag man o hindi. At, sana ay maging proud sila sa mga
kakayahan ng kanilang mga anak.
Nagparamdam din ako ng kasiyahan sa kanilang pagdalo,
gayundin ang aking unti-unting pagiging masaya na kasama ang kanilang mga anak.
At nang banggitin ko ang Christmas Party at ang tungkol sa
pagbabawal ng pag-aambagan ay nagkusa ang officers na mag-ambagan sila para sa
pagkain. Natuwa ako. At least, sa kanila mismo galing ang desisyon.
Nobyembre 29, 2014
Pasado alas-dos ng madaling araw ay nagising ako at nahirapang matulog na muli. Kaya pala ay may gusto akong sulating kuwento.
Sinulat ko ang kuwento ni Haring Kingking, isang kathang-isip. Maganda ang pagkakasulat ko kahit aandap-andap na ang mata ko. Nai-published ko na rin ito sa aking Wattpad.
Siguro, iyon ay 4:30 ng umaga nang ako ay makatulog muli. Ang sarap sanang matulog, pero, alas-sais y medya ay bumangon na ako para maghanda sa masteral class. Hindi ako na-late.
Masaya akong nakinig sa report ng unang reporter sa Philosophy of Education, kahit hindi niya masyadong nabigyan ng clear explanation. Nagbiruan din kami at nagkuwentuhan.
Next course is Educational Leadership. Dalawang reporter ang nag-discuss. Una ay tungkol sa Importance of Management in Leadership. Ang pangalawa ay sa Leadership Style. Nagbigay ako ng mga kuro-kuro ko, lalo na sa pangalawang topic.
Past past, umalis na ako sa CUP dahil nasa panel si Dr. Penalosa. Pumunta ako sa school para mag-organize doon ng mga gamit ko. Kaya lang, lalo yatang nagulo dahil pagkatapos kung ilabas ang mga gamit, ay umuwi na ako sa boarding house dahil nagugutom na ako. Iniwan ko muna ang mga kalat doon.
Naidlip naman ako pagkameryenda ko. Five-thirty na ako nagising. Nagi-guilty nga lang ako dahil hindi ako umuwi sa Antipolo para dalawin si Mama. Sana maunawaan niya ako. Busy ako. Isa pa, kapos na ako sa budget.
Natuwa namana ko paggising ko dahil may signal ang net ko.
Nobyembre 30, 2014
Alas-diyes ng umaga ay nasa school ako. Itinuloy ko ang
paglinis sa classroom ko. Andami kong nagawa at natapos. Andami ring kalat at
basura na naipon. Nakaipon din ako ng mga pwedeng ibenta—mga puting papel at
mga karton
Grabe! Andami pala naming abubot ni Mam Rodel. Napagod ako.
Alas-kuwatro ay umuwi na ako.
Nakakainis si Emily. Dinagdagan pa niya ng dinagdagan ang
pag-upload ng pictures namin, na naka-tag sa mga co-teachers naming.
Baliw-baliwan na naman. Akala ko ay magaling na. Hindi pa pala.
Ano ba ang gusto niyang patunayan? Sus! Hindi naman tama.
Papansin lang yata.
Hindi ko na napigilan. Tienext ko uli. Sabi ko tanggalin
niya ang pagka-tag. Pag di niya yun tinanggal, siya ang tatanggalin ko sa
friend list ko.
Nakakakabuwisit! Ano na lang ang iisipin ng mga kaguro ko?
E, hindi naman nila picture yun. Siyempre, nag-a-appear sa timeline nila.
Nakikita pa ng mga di namin friends.
No comments:
Post a Comment