I was fifteen minutes late. Dumating ako sa tipanan namin ng ala-una y kinse.
Nakita ko na si Arla na panay tingin sa kanyang cellphone, habang palapit ako. Nakangiti ako para kapag tumingin siya sa direksyon ko ay masiyahan siya. Ngunit hindi siya luminga.
"Hello, Arla! Sorry for letting you wait.." I gave her a big smile.
Nang tumingala siya ay nasa harap na niya ako. Halos magkalapit na ang mga mukha namin. Hinawakan ko siya sa kamay.
"Z-zillion.. It's okay."
"Thank you! Nahirapan kasi akong i-convince si Daddy. So, let's go."
Natulala si Arla. Parang hindi niya ako narinig. Nakatitig lang siya sa akin. Ang ganda ng reaksiyon niya. Lalo rin siyang gumanda. Bumagay sa kanya ang fancy curly hair niya. Mas tumangkad din siya sa mga suot niya. Para din tuloy akong na-mesmerize sa kanya.
"Tara na." I'm still holding her hand.
"Saan tayo?"
"Kakain muna tayo then..wherever you want.."
"No! Kumain na ako. I just want somebody to talk to."
"Okay. Hanap tayo ng place where we can talk."
Hindi ko binitawan ang kamay niya. Gusto ko pa nga sana siyang akbayan kaya lang baka magalit sa akin. Ang mahalaga ay gusto niyang magkahawak-kamay kami. Ang sweet niya..
Nakahanap kami ng lugar kung saan kami nakaupo ng maayos. May WiFi pa. Kaya habang nagkukuwentuhan kami ay in-add niya ako sa Facebook. Then, nag-selfie kami gamit ang mobile niya.
I like her initiative.
Ang kulit niya. Andami ko ring natutunan sa kanya. She's smart and witty. Ilan sa mga katangian ng babae na hinahanap ko. Meron din nito si Angela, but Arla is quite dissimilar compared to her. Magkaiba sila. Si Angela ay madalas serious. Serious na nga ako. Serious din siya. Boring!
"Nasa MOA ka pala with your NEW GIRL!!!" PM ni Angela sa Facebook ko. Noon ko lang na-realize na dapat hindi ako pumayag na mag-selfie kami ni Arla. But, nangyari na. I should blame myself.
Hindi ako nagpahalata kay Arla na nasira ang araw ko because of my girlfirend's message. Tinapos ko pa rin ang date namin. Handa akong harapin ang sinuong kong problema.
No comments:
Post a Comment