Bakit ipinagdiriwang natin ang Bagong Taon, kung hindi naman natin babaguhin ang ating sarili?
Ngayong bago na ang taon, sana magbago na rin tayo. Palitan natin ng mabubuti ang mga masasamang ugali, asal at gawain. Laging nating iisipin ang ikabubuti ng ating kapwa. Huwag lang ang ating sarili.
Balewala ang mga New Year's resolution kung patuloy nating tatangkilikin ang masama.
Huwag na nating hayaang sabihan pa na tayo ng "Mabuti pa ang taon, nagbabago, pero ikaw, hindi!"
Magbago na tayo.
Followers
Wednesday, December 30, 2015
Hijo de Puta: Ciento bente-dos
Ayaw ko nang maglihim kay Lianne kaya ipinagtapat ko na kung sino ang may gawa niyon sa akin. "N-naging customer siya ng katrabaho kong si Jake... Nang minsan naisama niya sa bahay, nagkagusto siya sa akin..." dagdag ko pa.
Hindi ko maipinta ang mukha ni Lianne. Hindi ko alam kung nandidiri siya sa akin o naiinis.
"Hindi ko maintindihan... Bakit kayong mga lalaki..." Nasapo niya ang kanyang noo bago siya tumalikod sa akin.
"Trabaho, Lianne... trabaho."
"Trabaho?" pasigaw niyang tanong. Humarap siyang muli sa akin na may nagbabadyang mga luha. "Sa dinami-dami ng puwedeng pasuking trabaho... shit! Ang pagpuputa pa ang pinili mo. Oo, ako rin... Napasok ko rin 'yan pero hindi ko ginusto. Hindi ko kinarer, Hector."
Hindi na ako nagsalita pa. Ayaw kong mag-away uli kami. Alam kong nagmamalasakit lang siya sa akin. Thankful na ako roon.
Natahimik kaming sandali bago pumasok ang isang nurse. Magiliw siyang bumati at ngumiti sa amin saka siya nagbigay ng mga gamot sa akin.
"Nurse... maaari ko bang malaman kung sino ang nagdala sa akin dito?" tanong ko.
"Sige po, Sir. Aalamin ko po sa information."
"Salamat!"
Palabas na sana ng pinto ang nurse nang maalala kong itanong ang bill ko.
"Isabay ko na rin po mamaya..."
Animo'y registered nurse na lumapit sa akin si Lianne, ilang sandali paglabas ng totoong nurse. Sabagay, nag-iintern naman talaga siya.
Inayos niya ang higa ko. Sinipat-sipat niya ang dextrose. At tahimik niyang tiningnan ang bendahe ko. Ramdam ko ang tibok ng puso niya habang nalulunod ako sa masamyo niyang amoy. Tumambad din sa akin ang malulusog niyang dibdib na patay-malisya kong sinulyapan.
"Ano'ng plano mo, paglabas mo rito?" tanong niya.
Nakatulala ako ngunit agad kong nabawi. "Uuwi muna ako sa probinsya..."
"Then?"
Wala akong maisip na isasagot. Hindi ko masasabing babalik uli ako sa bar. "A... e, bahala na. Mahalagang lumakas muna ako."
"Ganyan ka ba talaga, Hector?"
"What do you mean?"
"My God, Hector!" bulalas ni Lianne. Seryoso pala siya. "Walang direksiyon ang buhay mo! Sinong babae ba ang magmamahal sa'yo kung ganyan ka?!
Napipi na naman ako.
"Hindi ko nga alam kung bakit ako nandito, e. Bakit ba ako magmamalasakit sa'yo kung ang sarili mo nga ay hindi mo kayang mahalin... irespeto?"
Natahimik kaming pareho. Hindi magkasalubong ang mga paningin namin pero parang magkadugtong ang aming mga puso--- nangungusap.
Mapalad nga ako't nakilala ko siya. Siya na nga marahil ang tuluyang magbibigay sa akin ng direksiyon sa buhay.

Tuesday, December 29, 2015
Biktima
Sa loob ng sasakyan, tinanaw ni Carmina ang nakaunipormeng pulis sa kabilang kalsada at bumalik ang kanyang pokus sa dalagang nagwi-withdraw sa ATM, walong hakbang ang layo mula sa kanya.
Nang matapos ang babae, naghanda na siya upang isagawa ang kanyang modus.
Tumawid ang babae at pumasok sa isang fast food chain. Hindi agad nakasunod si Carmina dahil hindi niya akalaing kakain muna ang prospek. Hindi siya nakapaghanda ng plano para sa tagpong iyon.
Dumidilim na. Kailangan na niyang isagawa ang kanyang operasyon. Kaya sa ilang sandaling pag-aalinlangan ay pumasok din siya doon.
"Pwedeng maki-share?" tanong niya sa bibiktimahin. Tamang-tama, walang bakanteng upuan.
"Sure!" Ngitian pa siya nito.
Iniwan niya ang kanyang eleganteng bag sa babae dahil oorder siya.
"Naku..." alinlangan ng babae.
"It's okay! Mapagkakatiwalaan ka naman, right? Besides, may CCTVs, o!" Itinuro pa niya ang isa sa mga ito.
Napangiti na lang ang dalaga.
Naging kampante ang babae kay Carmina. Dinaan niya kasi ito sa kanyang mga buladas. Nagkatawanan pa nga sila lalo na nang mapag-usapan nila ang Aldub.
Maya-maya, naglabas na ng cellphone ang dalaga. Ipinagamit pa kay Carmina. Lihim na nagbunyi ang loob niya dahil gumana ang kanyang diskarte.
Ang bank account naman ang pinag-usapan nila. Effortless si Carmina dahil kusa nitong ibinigay sa kanya ang ATM card at passcode na parang magkakilala na sila nang lubusan.
Nagulat si Carmina nang mag-ring ang cellphone ng babae. Ibibalik niya ito upang masagot.
Naririnig niya ang usapan. Pinauuwi na siya ng boyfriend niya. Natuwa si Carmina.
"I have to go, friend!" Tumayo na ito at dumukwang kay Carmina para bumeso. "See you again. Bye! Ingat ka."
Inulit lang ni Carmina ang huling dalawang pangungusap ng babae habang palayo na ito sa kanya.
Nang tuluyang makalayo ang babae, lumabas na rin si Carmina. Sinigurado niyang wala na ito sa lugar na iyon bago niya tinungo ang ATM.
Nakadalawang passcode error na siya nang biglang dumating ang dalawang lalaking nakajacket at may hawak na baril, kasunod ang dalagang biniktima niya.
"Itaas ang kamay!" anang isang lalaki.
"Sumuko ka na. Andami mo nang biniktima. Isa na doon ang akin ina." May galit ang pagkakasabi nito ng babae.
Tinutukan na siya ng isa pa.
"Huli ka na ngayon!" saka namang pasok ng nakaunipormeng pulis. Ikinagulat iyon ng tatlo. "Face the wall!" Tapos, pinusasan niya si Carmina. "Salamat sa inyo. Matagal ko nang tinitiktikan ang babaeng ito."
Tila nahipnotismo ang dalaga at dalawang lalaki. Nakatanaw lang sila sa pulis at kay Carmina habang umaandar ang patrol car.
"Sabi ko naman sa'yo, mag-iingat ka, e." sabi ng pulis sa kawatan. Hinalikan niya pa ito sa noo.
Sunday, December 27, 2015
Regalo
Binibilang ni Mang Jude ang kinita niya mula sa pagtitinda ng mga illegal na paputok, nang magising ang kanyang bunsong anak mula sa pagtulog.
"Wow! Andami nating pera!" Nanlaki ang mga mata ni Tonton habang palapit sa ama. "Magiging masaya na po ang Bagong Taon natin!"
"Opo, anak. Hindi na tayo matutulog pagsapit ng alas-dose gaya noong Pasko..."
Kumunot ang noo ng anak. "E, bakit po andami niyong pera? Saan po galing 'yan? Ano naman po ang mga 'yan?"
"Regalo, anak. Regalo..." Biglang nataranta ang ama. Sinamsam niya ang mga pera. "Sige na! Balik na sa higaan mo. Bukas... ibibili ko kayo ng damit. Sige na. Matulog ka na uli."
Nang makitang nahiga na ang anak. Ang mga tirang paputok naman ang binilang ni Mang Jude. Naisip niyang bukas ay maibebenta niyang lahat ang mga natira at kapag nagkagayon, magiging maligaya ang pagsalubong nila sa Bagong Taon.
Hindi nga siya nagkamali. Maaga pa'y naubos na ang paninda niya kaya nakadaan pa siya sa palengke upang bumili ng mga regalo para sa kanyang tatlong anak.
Masayang umuwi si Mam Jude habang pinaplano niya ang pamimiling muli ng mga ibebentang paputok.
"Mang Jude! Mang Jude..!" hangos na salubong ng kalaro ni Totoy na si Marlo. "...s-si Totoy po nasa ospital!"
"Bakit?"
"Nagpaputok po siya. Putol ang kanang kamay!"
Nabitawan niya ang mga regalo at sumambulat sa dibdib niya ang tuwang naramdaman niya kanina lamang.

Utang na Loob
Apat na beses tumawag si Melia sa kanyang tita at paulit-ulit na nag-door bell. Hindi ito sumasagot ngunit parang may nakita ang kanyang asawa sa loob ng kabahayan.
"Tara na... Hindi ka pa niya napapatawad." ani Jester. Kapagdaka'y malungkot na niyakag ang misis na nasa ikalimang buwang pagdadalantao. Naisip niyang may kasalanan din siya kahit paano. Maaga silang nag-asawa.
"Hindi na niya ako mapapatawad." Halos maiyak ang misis habang papalayo sila sa dati niyang tahanan. "Kasalanan ko naman ito. Ni hindi ko nasuklian ang pagpapaaral niya sa akin... Hindi na nga siya nakapag-asawa... Wala akong utang na loob..." Tuluyan nang bumuhos ang mga luha ni Melia.
Pinisil lang ni Jester ang kamay ni Melia. Kung alam ng misis niya na nasaktan nang husto ang tita niya dahil mas pinili niya ang pamangkin kaysa sa kanya.

Demokrasya
"Baka dumating na sila, Homer. Aalis ka pa ba o hindi na? nag-aalalang tanong ng misis, habang pinagmamasdan niya ang kanilang anak na tila ayaw paalisin ang ama.
Tiningnan muna ng ama ang kanilang dalawang taong gulang na anak, kasunod ang pagsulyap niya sa kanyang armalite. Mahal na mahal niya ang kanyang mag-ina ngunit hindi maaaring isantabi ang ipinaglalabang demokrasya.
Kumahol ang kanilang aso bago nakapagsalita si Homer. Hindi na siya tumayo sapagkat mas pipiliin niyang maging ama kaysa maging rebelde.

Saturday, December 26, 2015
Hiling
Ligayang kay ilap sa'yo--
kailan mo ito matatamo?
O, kay sakit ng iyong puso
pagkat laging nagdurugo.
Ramdam ko ang pighati mo
at ang bawat kirot nito.
Nawa'y iyong makatagpo
ang tunay na pagsuyo.
Ang pag-ibig na totoo
ay siyang nararapat sa'yo.
kailan mo ito matatamo?
O, kay sakit ng iyong puso
pagkat laging nagdurugo.
Ramdam ko ang pighati mo
at ang bawat kirot nito.
Nawa'y iyong makatagpo
ang tunay na pagsuyo.
Ang pag-ibig na totoo
ay siyang nararapat sa'yo.
Liham, Lihim #23
Nay,
Patawad kung ginagawa ko ito ngayon sa'yo.
Hindi sa pinapahiya ko ang angkan ninyo pero kayo ang nakakahiya sa lugar ng tatay ko. 'Yung sinasabi niyong baliw ako, saan ba ako nabaliw? Di ba sa lugar ng angkan mo? Inalila nila ako du'n. Kinawawa at ni-rape ako ni Kerwin, na abogado na raw ngayon.
Patawad, pero para malinis ang pagkatao ko sa angkan ninyo, ako ang biktima dahil nilayo mo ako sa tatay ko.. Kayo ang 'di naging mabuting ina sa'ming magkakapatid. Porke't mahirap ang angkan ng tatay ko minata, ninyo ng pamilya mo. Hindi magulo ang pamilya ng tatay ko dito. Maayos kaming magpipinsan dito. Hindi man kami masyado nilalapitan ng mga kapitbahay dahil iyon sa ugali mo.
Patawad pero kung gusto mong matanggap ko pa kayo bilang ina ko, kayo ang tumanggap ng kamalian mo sa pamilya. Ang pangungusinti mo sa kapatid ko kaya naparirawa ang buhay niya. Kaya kayo ang dapat magpagamot sa psychiatrist. Iyon nga ang pinag-aralan sa RTU. Ang mag aral ng utak ng tao pero bakit mo ako hinusgahan? Wala nga sa angkan ng ama ko ang baliw kundi nasa sa inyo. Kaya tayo pinagtatawanan sa lugar natin dahil kayo ang mali sa pamilya. Alam ng tao ang ginagawa mo sa'ming anak mo.
Tatay ko ang pinatay mo! Kayo ang 'di naging mabuting asawa. Napakabuti ng aking ama. Wala siyang naagrabyadong tao. Nagsikap siyang mabuhay sa matinong paraan. Hindi magnanakaw ang angkan niya. Matalino kami. At kahit 'di ko natapos ang pag aaral ko Bibliya ang tinuro sa akin ni Tatay para matuto. Pinagmamalaki mo ang angkan mong matatalino. Nasaan ang respeto ninyo?
Patawad, 'Nay, pero inaayos ko lang talaga ang kamalian mo. Matuwid kaming mga anak mo.
Nay, ngayon si Weng ay may sakit. Inaasikaso mo ba? Dapat dinadala niyo sa ospital. Pero, hindi! Kasi gusto mong mawalan ako ng kakampi sa bahay, dahil gusto mong palayasin ako sa bahay ng tatay ko. Hindi ba mayaman kayo sa probinsiya? E, 'di umuwi kayo doon, kung talagang tanggap nila kayo...
PATAWAD... Merry Christmas!
Nagmamahal,
Lovelyn

COC
"Cheers!" deklara ni Mayor Bulokoy sa harap ng kanyang mga kapartido. Itinaas niya ang kanyang wine glass na may alak. Nagsunuran ang mga mga tanod, mga konsehales, mga kapitan, mga empleyado sa municipal hall at mga pinuno ng iba't ibang asosasyon. "Tiyak na ang aking panalo..." Tumawa muna siya na parang si Satanas. "dahil wala na naman akong makakalaban."
"Mabuhay si Mayor! Mabuhay!" sigaw ng isang matabang kapitan.
"Mabuhay!" anang lahat ng mga naroon. Itinaas pa nila ang kanilang mga kamao.
Sumenyas ang alkalde na sandaling ihinto ang pag-cheer.
"Dahil d'yan... lahat kayong mga narito..." Sinuyod niya muna ng tingin ang lahat ng mga naroon. "lahat kayong mga nangarito... ay patuloy na makikinabang habang ako ay nasa puwesto!"
Nagpalakpakan ang mga supporters at kaalyado ng mayor, habang parang aso ang ngiti nito.
"Sige, kain lang kayo d'yan!"
"Boss..." bulong ng kapitana. "may ilang oras pa para makapaghain ng COC..."
Nginitian ni Mayor Bulokoy ang kapitana. "Huwag kang mag-alala, Kap! Ang takot lang nilang kalabanin ako. Hindi ba, Sarge?" Tinapik pa niya ang tinutukoy.
Tumango lang si Sarge. Tapos, nagtawanan lang sila ni Kapitana.
"Mayor, phone call po from Atty. Makatalo..." iniabot ng sekretarya niya ang wireless na telepono.
"Hello, Attorney? Good afternoon!" masayang bati ng alkalde.
"Hello, Mayor! Sorry, I'm not able to join your party."
"It's alright! May victory party pa naman tayong gaganapin after election. That time, hindi ka na siguro busy."
"Yeah. But... but.."
"Ano'ng problema, Attorney?"
"Your... your daughter."
Nag-iba ang ekspresiyon ng mukha ni Mayor Bulokoy. "Sinong daughter ko?"
"Si Karla. She's back with a vengeance!"
"What do you mean? Tapatin mo ako, Attorney!"
Bumuntong-hininga muna ang abogado. "Siya ang makakalaban mo! Naghain siya ng COC..."
"Ano? Hindi puwedeng mangyari 'yan, Attorney! Lalabas ang mga baho ko... Gawan mo ng paraan, Attorney! Gawan mo ng paraan!"
"No, Mayor! I can't! Ayokong makialam sa family problems niyo..."
"Attorney... pakius..." Sumikip ang dibdib ni Mayor at bumagsak ito sa sahig.

Room for Rent
"Tao po?!" pasigaw na tawag ni Sir Leroy sa isang unit ng townhouse. Nakita kasi nilang mag-asawa ang karatula na nagsasabing may pinapaupahan kuwarto doon.
Inulit niya pa ang pagtawag bago lumabas ang isang babae na nasa trenta pataas ang edad. May kabuntot siyang bata na nasa limang taong gulang. "Ano 'yun?" tanong nito.
"Magtatanong lang po kami tungkol sa room for rent? Magkano po?"
"Two-five. One month advance. One month deposit." kaswal na sagot ng babae.
Nagtinginan ang mag-asawa.
"Ate... pwede bang one month advance lang? Iyon lang kasi ang kaya namin ngayon." Hinaplos pa ni Mrs. Leroy ang kanyang tiyan na nasa walong buwan na.
"Hindi ho!" mariing sagot ng landlady. "Iyon ang patakaran dito."
"Babayaran naman po namin kayo 'pag sumahod ang asawa ko."
"Oo, 'te. Teacher po ako d'yan sa school. Regular na po ako. Garantiya ko po sa inyo ang aking pagkaguro. Ang asawa ko po kasi ay manganganak na. Hindi na po advisable na magkalayo kami." paliwanag ni Mr. Leroy. "Kung hindi niyo na ho itatanong, nagbe-bedspace lang po, samantalang siya ay nasa magulang ko. Gusto ko sanang... sa isang tirahan na lang kami."
"Pwede po ba?" tanong uli ng asawa ko.
"Hindi po talaga puwede. Balik na lang po kayo 'pag kaya niyo na. O kaya... try niyo sa iba. Sige." Walang ano-ano ay pinagsarhan niya ang mag-asawa ng pinto.
Masama ang loob na lumayo ang mag-asawa. Ipinangako naman ni Sir Leroy na hinding-hindi siya babalik sa lugar na iyon. Tatandaan niya rin ang ginawa ng babaeng iyon sa kanilang mag-asawa.
Lumipas ang limang taon, may isang pamilyar na mukha ng babae ang tumawag kay Sir Leroy. May kasunod itong eatudyante na animo'y may problema sa pag-iisip dahil nakalikot ng mga kamay at paa nito. Nahahawig pa ito sa isang mongoloid.
"Sir, sabi po sa Guidance, sa inyo ko raw po i-enroll ang anak ko. Kayo lang raw po kasi ang makakaunawa sa kondisyon ng anak ko." nahihiyang turan ng ale.
Napagmasdan na ni Sir Leroy nang maigi ang babae habang nagsasalita. Bumalik sa kanyang alaala ang karamutang dinanas nilang mag-asawa sa kanya, limang taon na ang nakakaraan. "Bumalik ka na lang po kapag kaya mo nang maging maunawain sa kapwa. O kaya humanap po kayo ng ibang guro para unawain ka at ng iyong anak. Sige!" Tinalikuran na niya ang babae at binalikan ang pagtuturo sa klase.

Ang Mangluluya
Tatlong beses na pinahid ng maliit na matandang babae ang luya sa noo ni Lando, kasabay ang pagbanggit sa Trinity. Pakrus naman ang pagpahid niya sa mga bisig, sa mga paa, sa mga palad at sa tiyan ng binata. Pagkatapos ay nag-usal ito ng dasal na hindi niya lubos na maunawaan dahil sa lengguwaheng ginamit.
Ang tangi lang mauunawaan ni Lando ay ipinagdadasal siya ng mangluluya.
Sunod ay pinakuyom sa kanya ang dalawamg piraso ng luya. Siguro ay tumagal ng tatlong minuto bawat palad.
Ang luyang kinuyom ni Lando ay ipinatong mg matanda sa puyo niya. Inikot-ikot doon at inihipan niya ang kanyang puyo. Pakiramdam niya ay lumusot ang hininga ng mangluluya, mula sa puyo hanggang sa kanyang sikmura. Umikot-ikot doon ang hangin at tila nagbigay iyon ng ginhawa.
Muling nag-usal ng panalangin ang matanda habang itinatanong niya sa may-ari ng lumang bahay kung sino-sino ang mga namatay doon. Isa-isa niya itong kinakausap. Ipinakikiusap niya si Lando na huwag pahirapan sa sakit ng tiyan.
Sa pagitan ng pag-ubo, patuloy na nagdasal ang mangluluya. Tila napapatda pa siya kapag nababanggit niya ang salitang 'taglugar'. Pagkatapos ay kumurot siya sa luya ay inihagis sa timog na bahagi ng bahay. Sundan daw iyon ng mga kaluluwang kinausap niya. Ginawa niya iyon sa tatlong pang direksiyon--- sa hilaga, sa kanluran at sa silangan.
Ang natirang luya ay ipinatali niya sa damit ni Lando. Sa loob ng tatlong araw, lagi raw itong nakakabit sa kanyang damit.
Guminhawa na ang pakiramdam ni Lando nang matapos ang ritwal. Nagbigay siya ng fifty pesos. Iyon ay ayon sa may-ari ng bahay, ngunit humingi ng barya ang mangluluya. Dapat daw kasi ay laging may barya.
Ipinahid niya ang mga pera sa noo ni Lando at muling binanggit ang Trinity.
Hindi pa rin makapaniwala si Lando. Dati pa naman kasi siyang nakakaranas ng ganoong pakiramdam. Nawawala rin naman.
Hindi nawala sa kuro-kuro niya ang pagiging bakasyunista sa lugar na iyon. Marahil ay totoo ngang nabati siya, subalit mas matimbang sa isip niya ang pag-inom niya ng vitamins at pagkain niya ng balut, mahigit isang oras ang lumipas.

Wednesday, December 23, 2015
Ako'y Isang Pulubi
Ako'y isang pulubi---
mabaho, marusing at madumi.
Tahanan ko ay ang kalye,
ngunit turing pa sa akin ay salbahe.
Kailangan ko pa bang magpahid ng grasa
o magsuot ng gulagulanit na damit
para lamang kayo'y aking mapaniwala
na ako'y isang pulubi at 'di nang-uumit?
Kailangan ko pa bang ibuklat itong palad;
ang balikat mo ay akin pang kalabitin;
ang sobre kong hawak, sa iyo pa ilahad;
at ang alikabok sa sapatos mo'y tanggalin?
Kailangan pa bang sa harap mo'y lumuha ako;
magmakaawa at paniwalain kang ako'y pulubi;
kumanta't tumugtog ng mga latang instrumento;
at makarinig ng mga paratang na mahapdi?
Kailangan ko pa bang magpatintero sa daan
at kalimutang ako ay may isang buhay
para lang kumatok sa iyong sasakyan
at hintayin ang barya na iyong ibibigay?
Kailangan ko pa bang sabihing ako'y nagugutom;
na ako'y walang tirahan o walang magulang;
ako'y walang edukasyon at sa solvent, nagugumon;
at katawan ko'y numinipis, sa sakit ay nadadarang?
Kailangan ko pa bang sa kalye ay mamalimos,
upang kumakalam kong sikmura'y malamnan;
upang ang buhay ko araw-araw ay mairaos
at upang ako lamang ay inyong pagmasdan?
Kailangan ko pa bang matulog sa kalsada;
maulanan-mainitan at kumain ng tira-tira
habang ikaw ay komportable sa iyong kama
at ang hapunan mo ay animo'y nasa pista?
Ako'y isang pulubi...
Hindi ko na kailangang humingi
kung ang puso mo'y para sa mga sawi
at hindi sinasamba ang salapi.

Tuesday, December 22, 2015
Positive O: Great works are performed, not by strength, but by perseverance.
"Great works are performed, not by strength, but by perseverance." --Samuel Johnson
Tama!
Hindi naman lahat ng tagumpay ay dahil sa tibay at lakas. Hindi lahat ng magagandang bagay sa mundo ay maaabot sa isang iglap. Ang iba ay dahil sa pagtitiyaga at paghihintay. Gumugol ng oras at panahon para lamang makuha ang inaasam.
Kung natatandaan mo ang kuwento ng langgam at ng tipaklong, ito ang pinakamainam na halimbawa para dito.
Higit na malaki at may kakayahan ang tipaklong kaysa langgam, ngunit dahil sa katamaran ay nagutuman siya pagdating ng tag-ulan.
Imagine-nin mo rin kung paano nagawa ang Hagdan-Hagdang Palayan. Ito ay isa sa mga pambihirang resulta ng kasipagan at pagtitiyaga ng ating mga ninuno. Hindi man sila ang mga edukadong tao o inhinyero, ngunit ang ambag nila sa kasaysayan ay hindi matatawaran.
Bawat tao ay may kalakasan at kahinaan. Kung ang kahinaan ay sasamahan ng tiyaga, ito ay magiging lakas at sandata, ngunit ang kalakasan na walang pagtitiyaga ay isang kahinaan.
Cliche Ka!
Ang yayabang ng ibang manunulat! Natuto lang sumulat ng kuwento, kung makapagkomento sa akda ng iba, wagas!
Cliche raw ang kuwento na sinulat ng iba.
Por Dios por santo! Akala mo kung sinong sikat! Akala mo kung sinong magaling! Akala mo kung ang akda niya ay hindi gasgas.
Nakakainis lang.
Ang bawat manunulat ay unique. Maaaring nagawa na ng iba ang sinulat niya ngunit karapatan niyang sulatin ang gusto niyang tema, kisihudang katulad ng akda ng iba. Kung cliche man ang akda niya, walang mangingialam! Diskarte niya 'yan.
Walang karapatan ang sinuman na tawaging cliche ang akda ng isang manunulat sapagkat wala namang cliche meter, walang anti-cliche law, walang cliche identifier. Wala! Wala!
Tao lang ang manunulat. May kahinaan. Kaya nga siya nagsusulat siya ng akdang common sa kanya at sa iba dahil iyon pa lang ang abot ng kakayahan niya. Huwag naman sanang hanapan siya ng akda gaya ng kay Shakespeare.
May tamang panahon para sa kanya. Hintayin lang natin.
Kung may cliche man, 'yan ang history, dahil paulit-ulit.
Ikaw. Isa pang paratang sa kapwa mo manunulat... Tatawagin kitang cliche writer. Cliche ka!
Stop Bullying Now!
Matagal siyang nakatayo sa harap ng puno ng mangga. Ngayon niya lang kasi napansin ang karatulang kinasusulatan ng "Stop Bullying Now!" Kahapon ay wala pa iyon.
Lihim siyang natuwa sa nakita habang binabagtas niya ang kanyang classroom. Tila nawala lahat ng takot at pangamba niya. Pakiramdam niya, pinoprotektahan ng paaralan ang kanyang karapatan. Hindi pa nga siya nagsusumbong sa Guidance' Office tungkol sa mga pambubully sa kanya ng kanyang kaeskuwela ay gumawa na sila ng paraan upang matigil ito.
Sa unang pagkakataon, nagpagabi siya ng uwi upang magawa niyang malibot ang paaralang apat na taon na niyang pinangilagan dahil na rin sa takot. Subalit, sa hindi inaakalang pagkakataon, nagpahuli rin pala sa pag-uwi si Marcelo-- ang nag-iisang bully sa kanilang paaralan at ang tanging taong nagbibigay sa kanya ng nginig sa tuwing lalapitan siya nito.
Habang mabilis na lumalayo si Darwin, palapit naman si Marcelo sa kanya. Alam niyang gagawin na naman siya nitong isang laruang robot. Iikot-ikutin ang ulo. Lalapirutin ang mga tenga, ilong at iba pang bahagi ng katawan. At ang pinakamatindi, duduraan siya sa mukha kapag hindi niya naibigay ang assignment na ipinagagawa sa kanya.
Nababalot ng takot at poot ang kanyang buong katawan habang patakbo siyang naghahanap ng matataguan.
Sa likod ng nakatambak na mga upuan at mesa siya nagtago. Nakikita at naririnig niya si Marcelo. Nagbabanta pa ito. Huwag daw siyang magpapakita sa kanya.
Hindi na niya gusto ang nangyayari. Ito na yata ang pinakamalupit na ipinakita ni Marcelo sa buong apat na taon. Sobrang nakakatakot na siya. Abot-abot ang kaba at takot ni Darwin ngunit handa na siyang tapusin ang bangungot na iyon.
Inilabas niya ang lubid mula sa kanyang bag at matapang siyang lumabas sa kanyang pinagtaguan.
Kinabukasan, pinagkaguluhan sa may puno ng mangga ang malamig na bangkay ni Marcelo. Nakabigti ito. Nakasabit sa leeg nito ang karatulang "Stop Bullying Now!"

Cytotec
"Kapag bumalik ako sa January..." Maiyak-iyak si Lally nang nagpapaalam siya sa kanyang katrabahong lalaki. "...ibig sabihin, wala na tayong dapat ipangamba." Pagkatapos, tahimik siyang sumakay sa taxi.
Naiwan si Fortunato--- mabigat ang puso. Hindi niya gustong mangyari ang bagay na iyon. Hindi niya ninais na gumawa sila ng isa pang bagay para lamang masolusyunan ang pagkakamali nila, subalit wala siyang magagawa. Parehong masisira ang trabaho nila kung paninindigan nila ang alam nilang tama.
Naging tahimik si Fortunato buong linggo hanggang Pasko. Hindi naman ito nahalata ng kanyang asawa. Magtatatlong buwan na rin kasi nang malaman nila ni Lally na may problema sila. Ang tangi lang paraan ay umuwi siya sa probinsiya upang doon ay magawan ng paraan.
Enero. Balik na sila sa trabaho. Naisip ni Fortunato ay hindi nasolusyunan ni Lally ang problema nila. Absent kasi siya sa unang araw. Nalungkot siya. Ang isipin pa lamang niya na nagkaroon ng bunga ang minsang pagniniig nila ay nakakapagpakabog na siya sa kanyang dibdib, lalo na kapag naiisip niya ang konsenkuwensiya nito. Nai-imagine niya ang mas matinding problemang kakaharapin nila.
Paano niya sasabihin sa asawa niya na nabuntis niya ang katrabaho niya? Paano niya hahatiin ang kakarampot na sahod para sa mga anak niya?
Lumipas pa ang dalawang araw, hindi pa rin bumabalik si Lally sa trabaho.
Lugmok na lugmok si Fortunato buong maghapon sa trabaho. Marami na rin ang nagtatanong sa kanya kung bakit hindi na bumalik si Lally pagkatapos ng Pasko at Bagong Taon. Wala siyang maisagot.
Sa bahay, madalas siyang tahimik na nakatitig sa kanyang asawa at dalawang anak. Gusto na niyang aminin sa asawa kaya lang inabot siya ng takot at hiya. Nakahinga lang siya nang maluwag nang mapagtanto niyang hindi niya kailangang mangamba dahil nasabi sa kanya ni Lally na hindi niya guguluhin ang pamilya na nabuo ni Fortunato. Haharapin niyang mag-isa ang resulta ng pagkakamali niya.
Hindi niya napigilan ang pagtulo ng mga luha niya bago siya natulog. Nagdasal siya. Humingi siya ng kapatawaran sa Diyos.
Sabado ng umaga, tumawag si Lally kay Fortunato.
"Di ba uminom naman ako ng oregano, isang buwan pa lang akong delayed?" tanong nito. Umoo lang si Fortunato. "Tapos, pinilit kong uminom ng nilagang baging na binili natin sa Quiapo. Ang pait-pait nu'n. Sobra!"
Pinakinggan niya lang si Lally. Hindi niya alam kung may maganda itong ibabalita sa kanya.
"Kanina..." patuloy na kuwento ni Lally. "nagtanong ako sa kapitbahay namin. Pinayuhan niya akong uminom ng katas ng dahong talbos ng sitaw. Uminom ako. Sana... sana umepekto. Gusto kong magtrabaho..."
"Sana..." Ang tanging nasambit ni Fortunato bago. Gusto pa niyang sabihing uminom na lang siya ng Cytotec ngunit hindi niya nasabi. Mas nananaig ang kagustuhan niyang magkaroon ng anak na lalaki. Mali man o malaki mang problema at kahihiyan, tatanggapin niya dahil may takot siya sa Diyos.
Lumipas ang anim na buwan, saka lamang nakausap ni Fortunato si Lally.
"Hindi epektibo ang mga ininom ko. Ang oregano ay pamparegla man pero hindi nito natanggal ang bata sa sinapupunan ko. Ang mapait na baging ay hindi ko naman yata nalunok dahil isinuka ko lang lahat. Ang dahon ng sitaw ay ginugulay sa ibang lugar... Lahat ng naimon ko ay herbal..." litanya ni Lally.
"May naririnig akong uha ng bata... Tama ba ang naiisip ko, Lally?" Naluluha na si Fortunato.
Huminga muna si Lally. "Oo, Fortunato. Baby natin siya. Siya si Junior... Salamat! Salamat dahil nabigyan mo ako ng bagong buhay at pag-asa. Salamat..."
Umagos ang mga luha ni Fortunato. Walang mapagsidlan ang ligaya niya.
"Fortunato... mapalad ka sa iyong pamilya ngayon. Huwag mo silang iiwanan. Okay lang kami ni Junior. Huwag mo na kaming alalahanin. Balang araw, makikilala mo rin siya. Salamat!"
Hindi iyon matanggap ni Fortunato kaya kinontak niya ito, ngunit bigo siya. Hindi na niya matawagan si Lally.

Takot
Alas-tres ng madaling-araw, marahang bumangon ang secretary ng isang ahensiya ng gobyerno mula sa magara at malambot na kama. Dumiretso siya sa pinakaibabaw ng gusali.
Umapak siya sa mataas na harang. Tanaw niya doon ang nagkikislapang mga bituin. Pinagmasdan niya ang mangilan-ngilang sasakyan na dumaraan sa gilid ng hotel. Gusto niyang malula dahil sa taas ng kinatatayuan niya. Isang pagkakamali ng galaw niya ay maaari siyang mahulog. Nilabanan niya ang takot. Kailangan niyang magawa iyon bago sumilip ang araw. Sawa na siya. Pagod na siyang lokohin ang sarili. Gusto na niyang malampasan ang takot na iyon.
Hindi ang fear of heights ang nagpahirap sa kanyang kalooban, kundi ang takot sa pang-uusig ng taumbayan.
"Patawad, Pilipinas!" sigaw ni Secretary habang nakadipa.
Pumikit siya at pinatuhulog ang sarili.

Tahanan
Tulog na ang kuya niya at ang bunso nilang kapatid na babae nang dumating si Dominador galing sa trabaho. Nag-grocery na rin siya kaya ginabi siya nang husto.
Marahan niyang binuksan ang pinto ng ref at biglang nag-init ang ulo niya nang makita ang mga nagyeyelong karne, isda at processed food.
"Hindi na naman kayo nagluto?! Ang tatamad naman ninyong kumain! Ang tagal-tagal na ng mga ito sa freezer. Heto nga't namili na naman ako. Saan ko pa ito ipaglalagay?" galit na litanya ni Dominador.
Dahil hindi siya nagbukas ng ilaw, tanging ilaw sa ref lang ang tumatanglaw sa kanilang kubo. Hindi niya nararamdaman ang presensiya ng kanyang mga kapatid pero alam niyang naroon sila.
"Sige... kung ayaw niyo, iuuwi ko na lang ang mga ito sa bahay." Mabilis na tinanggal ni Dominador ang lahat ng mga nagyeyelong ulam sa freezer at isa-isa niyang inilagay ang mga pinamiling pagkain. Pagkatapos, tahimik siyang lumabas sa bahay ng kanyang dalawang kapatid.
Napapaligiran iyon ng mga puno ng niyog. Hindi na halos masilip ang mga bituin dahil sa mga puno. Kaya, binabalot ng kadiliman ang paligid niyon.
Tatlong hakbang palang ang ginawa niya patungo sa kanyang konkretong tahanan, natanaw niya ang makapal na apoy sa direksiyon na kanyang tutunguhin. Kinabahan siya habang abot-abot ang hininga niya dahil sa pagtakbo.
Nang makalapit na siya, kumpirmado ni Dominador na natupok na nga ang kusina niya. Muling dumilim ang paligid. Tanging ang mga maliliit na baga na lang ang tumatanglaw sa palibot ng kabahayan.
Gusto niyang umiyak. Buong buhay niya kasi ay nagtrabaho siya upang makapagpatayo ng isang tahanan para sa kanyang pamilya.
Hindi pa siya lubusang nakakalapit ay naaninag niya ang anino ng kanyang kuya. Nagsisindi ito ng mga inipong tuyong dahon ng langka. Nagliyab ang puso niya sa nakita. Ang kanyang kuya pala ang nagsunog ng bahay niya.
"Demonyo ka! Demonyo ka!" hiyaw niya sa kuya.
Walang lumabas na salita sa bibig ng nakatatandang kapatid ni Dominador habang palapit ito sa kanya at galit na hinahampas siya ng kahoy.
Napilitang bumangon si Dominador. Sumilip siya sa labas ng kanyang trapal na tahanan. Natanaw niya ang mga kapwa niya biktima ng sunog. Nahabag siya sa sinapit ng kanilang kabarangay. Kung maaari niya lang aminin na siya ang dahilan ng sunog, ginawa na niya.

Engagement Ring
"Miss, ano pong hinahanap mo d'yan?" tanong ng service crew sa babae na aligagang sinungkit ng plastik na tinidor ang drainage ng lababo.
Kagyat na tumingin ang babae at nagpatuloy ito sa ginagawa. "Nahulog dito ang engagement ring ko."
"Alam kong mahalaga iyon sa'yo, pero hindi ko maipapangakong maibabalik namin ito sa'yo ngayong araw," anang binata.
Tumigil na ang dalaga. Tinitigan niya ang sinserong lalaki. "Tulungan mo akong makuha iyon, please."
May tila diyamanteng kumislap sa mata ng binata. "Oo, Miss..." Nakatitig pa rin siya sa magandang babae. Nanaig ang puso niyang matulungin.
Nagpalitan sila ng numero, pagkalipas ng ilang sandali ng pakiramdaman at titigan. Nangako ang binata na ibabalik niya ang singsing sa lalong madaling panahon.
Dalawang araw ang lumipas, nakuha na niya ang engagement ring. Tinawagan na ng binata ang dalaga, subalit iyak at hikbi lamang ang narinig niya sa kabilang linya. Nag-iwan na lang siya ng mensahe. Magkikita na lang sila sa isang lugar na kanyang itinakda upang maibalik niya ang singsing na may tampok na diyamante.
Sa isang hindi mataong restaurant, naghihintay si Dominic. Nasa harap niya ang singsing na nakabalot sa tissue. Muli niya itong tiningnan. "Napakapalad ni Trisha..." sambit niya sa kanyang isip.
"Hello! Sorry, I'm late." Ikinagulat nang bahagya ni Dominic ang bati ni Trisha.
Gayunpaman, mabilis siyang nakatayo upang alalayan ang dalaga sa pag-upo.
"Salamat!" ani Trisha. Ngumiti pa ito. Noon lamang napansin ni Dominic ang mapupungay nitong mata at matangos nitong ilong na lalong nagpapaganda sa kanya.
Natutunaw si Dominic sa titig ni Trisha kaya ibinigay na niya ang singsing.
"Hindi ko na kailangan 'yan, Dominic." Pilit na pinasasaya ni Trisha ang boses. Inilapit niya uli sa binata ang singsing. "Ibigay mo na lang sa iyong kapatid na babae."
"Pero, bakit? Hindi ba't engagement ring niyo ng boyfriend mo?"
"Oo." Yumuko siya't saglit na natahimik. "Nang malaman niyang nawala ko 'yan..." Garalgal na ang boses ni Trisha. "...nawala na rin ang pagmamahal niya sa akin."
"Ganun lang?!" Tumaas ang tono ni Dominic. "Hindi makatarungan ang ginawa niya. Materyal na bagay lang 'yan."
"Oo, Dominic... pero para sa kanya..." Hindi na niya kinaya. Yumugyog na ang kanyang mga balikat.
Nahihiya man, nilapitan pa rin ni Dominic si Trisha at inalay niya ang kanyang balikat.
"Salamat, Dominic!" bulong ng dalaga. "Sana, hindi ko na lang siya nakilala."
Pinagtitinginan na sila ng mga waiters kaya umupo na sila. Umorder na rin si Dominic ng pagkain. At habang hinihintay nila ito, nilabas niya ang pulang ring box. Wala itong laman. Doon niya inilagay ang diamond engagement ring nina Trisha at boyfriend niya.
"Salamat... dahil nakilala. Itatago ko ang singsing na ito baka sakaling magbago ang isip niyong dalawa."
Nakatitig lamang si Trisha sa kanya. Nais niyang magsalita.
"Salamat!" Itinago na niya ang box sa kanyang bulsa. "Pareho lang tayong nabigo." Inilabas niya ang gintong singsing mula sa bulsa ng kanyang polo. "Tinanggihan akong pakasalan ng girlfriend ko pagkatapos ng limang taon ng aming relasyon."
Pareho na silang puspos ng mga luha.
Kinuha niya ang kanang kamay ni Trisha. "Gusto kong tanggapin mo ito. Wala mang namagitan sa atin, alam kong pinagtagpo tayo ng tadhana." Isinuot niya ang singsing sa palasingsinginan ng dalaga.
"Salamat, Dominic! Salamat... dahil dumating ka sa buhay ko." Mangiyak-ngiyak na si Trisha.
Naghawak-kamay sila habang nangungusap ang kanilang mga mata.

Thursday, December 17, 2015
Ang Pangitain ng Basag na Plato
Ang Pangitain ng Basag na Plato
Makata O.
https://www.wattpad.com/myworks/15734521-zilyonaryo%27s-dagli
Hindi na naihatid ni Purisimo ang kanyang asawa sa terminal dahil sa masama pa ring lagay ng panahon. Hindi naman niya hinayaang malumbay si Melinda sa kanyang biyahe, kaya sa bawat sampung minuto ay tinatawagan niya ito o kaya’y tinitext upang alamin kung nasaan na ito o kung nakarating na ito sa airport.
“Mahal, nandito na ako sa Terminal 4. Kakainis lang… delayed ang flight ko. Alas-otso na raw ng gabi…” Malungkot si Melinda.
Inalo siya ng mapagmahal na asawa. “Hayaan mo na. Ang mahalaga, matutuloy pa rin ang flight mo ngayong gabi. At least, hindi ka mahuhuli bukas sa kasal ng iyong mga kaibigan…”
“Sabagay… Hindi ko naman puwedeng ipaurong ang kasalan.” Tumawa pa si Melinda.
Nang maramdaman ni Purisimo na nanumbalik na ang sigla ng asawa, nagpaalam na siya ng ilang sandali upang makapaghapunan silang mag-ama. Naghugas na rin siya ng mga pinagkainan, pagkatapos.
Sa lababo, aksidenteng dumulas mula sa kanyang kamay ang puting plato. Nabasag ito. Kagyat na naisip ni Purisimo ang pamahiin. Binayo ng takot at kaba ang dibdib niya. Ayaw niyang mangyari ang naiisip niya. Hindi niya kakayanin. Sinabi na niya kasi sa kanyang asawa na ipa-cancel na niya ang flight dahil hindi pa naman nakakalayo ang bagyo. Nagpumilit pa rin si Melinda. Hindi niya raw maaaring ma-miss ang kasal ng kanyang matalik na kaibigan. Idinahilan pa niyang hindi naman apektado ng bagyo ang pupuntahan niya.
Nagkandamali-mali na si Purisimo sa kanyang ginagawa dahil sa pagkakataranta. Nasugatan pa siya sa pagdampot sa mga basag na piraso ng plato.
Malas! Naibulalas pa niya. Magkakahalong inis at pangamba ang bumalot sa kanya, habang dinadayal niya ang numero ng asawa. Ngunit sa kasawiang-palad, naubusan na ng load ang kanyang cellphone. Lalo siyang nag-alala. Tila tinatambol na ang kanyang dibdib. Gusto na niyang tumangis at isiping may nangyari ngang masama sa kanyang asawa. Isa ngang pangitain ang pagkabasag ng plato kanina.
Sampung minuto na ang lumipas nang maalala niya ang simcard na nabili niya sa may LRT station noong nakaraang araw. Hindi pa niya iyon nagagamit. May load na rin iyon.
Natataranta niyang pinalitan ng sim ang cellphone niya at dinayal uli ang numero ng asawa. Naisip niyang pakikinggan niya lang ang boses ng asawa. Kahit hindi na niya ito makausap. Ang mahalaga, alam niyang nasa ligtas na kalagayan ito at nagkamali lang siya ng hinuha.
Nag-ring nang nag-ring lang ang kabilang linya. Naisaloob ni Purisimo na ayaw lang sagutin ni Melinda dahil bagong numero ito sa kanyang phonebook. Subalit buo ang kanyang loob na marinig lang ang boses ng asawa, kaya inulit niya ang pag-dial. Kapag may sinagot, ibig sabihin niyon ay walang kinalaman ang pagkabasag ng plato sa kamatayan ng mahal sa buhay.
“Hello, good evening! Who’s this?” masiglang bati ng nasa kabilang linya.
Tila tinarak ng bente-nuwebe ang puso ni Purisimo. Boses ng lalaki ang narinig niya.
***
Larawan: google.com
Spirit of the Glass
Mula sa malayong bayan ng Bulacan, isinama ni Adrian ang asawang si
Luisa sa pagbisita sa mga kaibigan sa Sampaloc, Manila. Maghapon din silang
nagbahay-bahay upang kumustahin ang mga dating kaklase.
Sa bahay ng isang kabarkada ni Adrian, iniwan niya sandali si Luisa.
Pupuntahan lamang niya ang mga kaibigan upang mag-spirit of the glass. Nais
kasi nilang makausap ang espiritu ng namayapang kaibigan nila.
Dahil na rin siguro sa antok at pagod ay nagpaiwan si Luisa. Wala siyang
nagawa. Sa kabila ng mga kaluskos at ingay, hindi na nga niya namalayang may
mga dumating na lalaki.
Walang ideya si Luisa kung paano ginagawa ang spirit of the glass kaya
pinilit niyang ibuka ang mga mata at tahimik siyang nagmatyag sa anim na maiingay
na lalaki na nakapaligid sa gasera. Hindi niya kilala ang iba. Tanging ang
may-ari ng bahay ang namukhaan niya.
Unti-unting tumaas ang mga balahibo niya sa kamay nang makita ni Luisa
ang mapuputing usok na umapaimbulog mula sa umpukan. Tila sinasapian ang mga
lalaki tuwing naglalaho ang mga espiritung puti. Hindi niya maintindihan ang
nangyayari. Akala niya’y nais nilang kausapin ang kaluluwa ng kanilang kaibigan
ngunit ang nakikita niya ay isang ritwal. Ang mga kaluluwang nagmula sa dinarang
na bagay ay pumapasok sa kanilang mga katawan. Sinasapian sila ng mga ito.
Nanlumo si Luisa. Gusto niyang magtalukbong ng kumot ngunit ayaw
niyang malaman ng mga lalaki na siya ay gising. Mas lalong ayaw niyang sumanib
sa kanya ang isa sa mga espiritu. Gumuhit sa kanyang katawan ang matinding
takot at pangamba. Nasaan na ba si Adrian, naisaloob niya.
Ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata. Nakiramdam siya habang
pinipigil ang paghangos.
“Solb!”
Nabuhay ng dugo si Luisa nang marinig niya ang boses ng asawa. Dumilat
siya at nakita niya si Adrian. Isa pala siya sa anim na nag-spirit of the
glass.
Isa-isa nang naglabasan ang mga lalaki habang nililigpit ng may-ari ng
bahay ang mga paraphernalia na ginamit nila sa ritwal. Nanlilisik naman ang mga
matang nilipatan ni Adrian si Luisa.
One Night Stand
"Ate... Ate, si Randel... si Randel nakita kong may kasamang babae sa paradahan ng dyip!" hingal na hingal pang balita ng pinsan niyang babae.
Ayaw niya sanang maniwala pero hinila siya ng kanyang mga paa. Tangay ang isang kaibigan, tinungo nila ang jeepney terminal. Nandoon nga si Randel at ang babae nito. Katabi sila ng driver.
Wala siyang balak sumakay dahil wala naman talaga siyang pupuntahan. Siguro naengganyo lang sumakay ang magkaibigan dahil sa tawag ng kundoktor. Isa na lang daw ang kulang.
Sumakay ang magkaibigan. Kalong-kalong si Monica ng kaibigan niyang si Veronica. Isang dipa lang ang layo nila mula sa driver. Hinihintay niyang magtama ang mga mata nila sa salamin. Wala namang imik si Randell habang patawa nang patawa at ang lakas ng boses si Monica. Dedma lang.
"Manong, naliligaw po kasi kami ng kaibigan ko..." ani Monica nang makalapit siya sa drayber. "Saan po ba ang pinakamalapit na police station dito?"
"Doon pa sa sentro." anang driver.
"Ah. Sige po. Pakibaba po kami doon kasi may isang babae po dito sa dyip niyo na ipapapulis ko." Seryoso na si Monica pero tawa pa rin nang tawa si Veronica.
Napatawa rin ang drayber bago nagsalita uli. "Sino? Bakit?"
"Magnanakaw po kasi ng jowa. Actually, dalawa nga po silang ipapapulis ko. Ang isa, lalaki po."
"Bestie, magnanakaw din?" sabad ni Veronica. Halatang sinasakyan niya ang kaibigan.
"Hindi, Bestie. Isa siyang maniac. Paano ba naman, yayayain ba naman akong mag-ano kami... mag... mag-one night stand!? Diyos ko, akala niya, kaladkarin akong babae!"
Nakatingin na sa kanila lahat ng mga naroon maliban kay Randel. Wala namang clue ang babae niya.
"Sino sila?" Na-conscious tuloy si Manong. Tiningnan pa isa-isa ang kanyang pasahero sa likod.
"Hay, naku, Manong! Kung si Duterte lang ang mayor natin, yari itong dalawa. Ipapaputol ko ang ano ng lalaki at ng ano ng babae." Umaksyon pa siya.
"Sino nga kasi?" Medyo nainis na ang matandang driver.
"Chillax po kayo! Hindi nga po nila alam na sila ang tinutukoy ko, e. It's a free country. Hayaan po natin silang maglakbay sa kasinungalingan at panloloko. Bahala na sa kanila si Karma," aniya.
Tumahimik sa loob ng dyip. Maya-maya may pumara. Natigalgal si Monica nang sumakay ang nakaunipormeng pulis.
"Sir," tawag ni Manong drayber sa pulis. "... may sasabihin daw po sila sa inyo."
Namutla si Monica. "W-wala po. Wala. Nag-rerehearse lang po kami para sa play... " Nakita niyang tawa nang tawa si Randel.
Wednesday, December 16, 2015
Ang Pamilyang Salome
Siyam na oras na binayo ng supertyphoon Loring ang baryo Mapolot. Siyam na oras ding nakipag-amok ang pamilyang Salome sa mga mababalasik na hangin at matatalim na ulan sa ilalim ng chapel na kanilang nilikasan.
Pagtahan at pagkapipi ng unos, masayang bumangon si Mang Pedring. Pinagmasdan niya ang kanyang mag-iina na nakahimlay pa sa ilalim ng mga pinagdikit-dikit na upuang kahoy. Nahalina siya sa pagngiti ng araw at sa paghuni ng mga ibon kaya lumabas siya sa chapel. Buong-buo ang loob niyang maiaahong muli niya ang kanilang kabuhayan. Positibo naman lagi ang pananaw niya sa buhay. Mataas ang pananampalataya niya sa Panginoon. Maraming beses na rin silang pinahirapan ng mga bagyo. Noong nakaraang dalawang taon, binawi sa kanya ang isa sa apat niyang anak. Ngunit ang lahat ng mga ito ay nalampasan niya.
Pinagmasdan niya ang paligid. Wasak na wasak. Nagbagsakan ang mga puno at halaman. Natatanaw din niya ang mga kabahayang nawalan ng bubong. Ang iba ay nagiba.
Humayo pa si Mang Pedring. Nais niyang makita ang kanilang dampa.
Nabigo siya sa kanyang nakita. Wala na roon sa dating kinatitirikan ang kanilang kubo. Kung saan man ito napadpad ay hindi na niya nais malaman. Ang mahalaga ay magkakasama silang magpapamilya.
Tumakbo siya pabalik sa nagibang chapel. Doon ay nakahandusay pa rin sa ilalim ng mga upuan ang kanyang asawa, ang kanyang tatlong anak at ang kanyang sarili. Sinubukan niyang tanggalin ang mga tipak ng semento na nakadagan sa kanilang mga katawan ngunit nabigo lamang siya.
Napaluhod siya. "Panginoon... Panginoon, salamat po!"
Kiss
Paikot-ikot ang misis niya. Tila may kulang pa sa inempakeng damit.
"Anong oras ba ang flight mo?" tanong niya sa asawa.
"Five:forty-five. Alis na ba ako? Excited lang ang peg ko."
Nainis siya. "Alis ka na! Ang hirap mong tingnan, e!"
"Hindi niyo ba ako ihahatid?" Nakangiti pa siya na parang okay lang sa kanya na hindi siya ihatid.
"Hindi na. Umuulan, di ba? Dalawa pa kaming pahihirapan mo. Para namang ngayon ka lang bibiyahe..."
"O, sige. Bye na." Hinagkan niya ang kanilang anak. Nagpalitan sila ng matunog na kiss. "Mabuti pa si Junior, may goodbye kiss kay Mommy..."
Nagtulog-tulugan na ang mister bago pa lumabas sa kuwarto ang misis.
Maya-maya, bumalik ang asawa. "Wala talaga... tsk tsk!"
"Ingat" halos pabulong na sabi ng mister nang naipinid na uli ng asawa ang pinto. Hindi niys alam kung narinig ito o hindi.
Ilang minuto ang lumipas, tinawag niya ang anak upang mahiga rin sa kama. Sinubukan niyang umidlip. Ang sarap ng tulog ng anak nila pero siya ay hindi dinalaw ng antok.
Kinuha niya ang cellphone. Nagtype siya.
Ingat. Tsup. <3
Ang Tatlong Kondisyon
Bagsak ang napasandal si Stella sa pinto. Nasundan na naman kasi niya si Wendell sa paborito nitong motel. Ito na ang ikasampung beses na ginawa niya ang paniniktik sa palikero niyang boyfriend. Labing-isang iba-ibang babae na rin ang nadadala niya doon. Siya ang pinakauna.
Sa mga oras na iyon, hindi na siya maaaring magkamali. Totoo ngang niloloko lang siya at ang iba pang babae. Pinagsasabay-sabay sila.
Habang naririnig niya ang mga halinghing ng dalawa, ipinangako niyang siya na ang huling babae na dadalhin niya sa mumurahing hotel na iyon.
Kinabukasan, naging sweet si Stlella kay Wendell. Panay ang hilahid niya sa boyfriend habang ito ay nagbabasa.
Maramdaman naman ito ng lalaki. Nakaramdam siya ng init sa kanyang katawan kaya nagyaya itong magmotel sila. Agad namang pumayag si Stella, ngunit siya ay may tatlong kondisyon.
Abot-tainga ang ngiti ni Wendell nang pumayag siya.
Sa motel, maharot na hinubaran ni Stella ang kasintahan. Takam na takam na ito ngunit hindi pa siya pwedeng hawakan ayon sa kanilang unang kasunduan.
Nagbawas na rin ng saplot si Stella. Sumayaw-sayaw pa siya na animo'y ago-go dancer. Pagkatapos, inilabas na niya ang dalawang posas. Pangalawa ito sa kanilang kasunduan.
"Go, Stella... take me." saad pa ni Wendell. Para na siyang asong ulol.
Damang-dama na rin ni Stella ang nangangalit na pagkalalaki ng nobyo. Kahit siya ay nadadala na. Gusto na rin niyang baliin ang kanilang mga kasunduan. Noon niya na-realize kung bakit pinagnanasaan si Wendell ng halos lahat ng kababaihan sa kanilang pamantasan.
Nang maiposas na niya ang dalawang kamay ni Wendell sa brass bed, pinapasok niya ang naka-bonnet na lalaki.
Nagpumiglas si Wendell ngunit wala siyang nagawa.
"Calm down, Wendell." Hinaplos niya pa ang matipunong dibdib ng kasintahan. "Just enjoy the show."
Maya-maya pa ay tila nabaliw si Wendell sa kanyang nakikita at naririnig. Hindi niya kayang makitang nahihirapan si Stella. Hindi niya masikmurang ang isa sa onse niyang girlfriends ay nakikipag-sex sa ibang lalaki.
Mura nang mura si Wendell habang lumuluha sa magkahalong sarap at sakit si Stella.
Napagod si Wendell. Ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata at pinakinggan ang pag-ingit ng nobya. Bawat ungol at halinghing nito ay ikinadudurog ng puso niya. At, napaluha na lamang siya pagkatapos mairaos ng estrangherong lalaki ang kanyang init.
Nang imulat niya ang kanyang mga mata, palabas na ang kasabwat at nakaharap na sa kanya si Stella. Hawak nito ang puting underwear. Lalong nadurog ang puso ni Wendell nang mapagmasdan niya ang pagdaloy ng pulang-pulang dugo mula sa puwerta ng girlfriend.
"Ikatlong kasunduan. Wala kang pananagutan..."
Ang Bag ni Lorena
Habang mugto ang mga mata at pasinghap-singhap, inilabas ni Lorena ang laman ng kanyang bag at pinalitan niya ng mga damit, pantalon, panloob, tuwalya at gamit na panlinis sa katawan. Kapagdaka'y tahimik at nakayuko siyang umalis ng bahay. Dinaanan niya lang ang kanyang ama sa sala na animo'y kumbinsidong sa school siya didiretso.
Paglampas sa kanilang bahay. Binilisan niya ang paglakad hanggang makarating siya sa sakayan ng dyip patungo sa trabaho ng kanyang kasintahan.
Isang oras ang naging biyahe niya. Sapat na iyon upang masabi niyang desidido na siyang huminto sa pag-aaral at makisama sa nobyo. Hindi na niya kayang sundin ang mga patakaran ng kanyang mga magulang. Pakiramdam niya, nasasakal siya sa sobrang higpit nila. Gusto niyang lumaya. Gusto niyang lumayo. Gusto na niyang makasama si Arnold.
Sa working place ng boyfriend ni Lorena, pinaghintay siya ng guard sa may waiting area habang pinatatawag ito.
"Lorena?" Ikinagitla niya ang mahinang boses ng lalaki.
"Arnold!" malakas niyang sambit. Kung wala lang doon ang guard, gusto sana niyang yakapin ang kasintahan. Iyon lamang kasi ang magpapaalis ng kanyang kalungkutan. Iyon lang ang alam niyang mabilis na paraan para mabawasan ang bagabag niya.
"Anong ginagawa mo rito?"
Nagitla si Lorena sa tinuran ni Arnold lalo na't umarko ang mga kilay nito. Para siyang sinampal. Hindi siya makapaniwalang si Arnold ang kaharap niya. Nawalang bigla ang kanyang pagiging sweet at pagiging gentleman.
"G-gusto lang kitang... m-makita."
"May trabaho ako." Halos ipagtabuyan siya ni Arnold.
"Sige. Dito na ako. Bye." Agad na tumalikod at lumabas ng gate si Lorena.
Hindi siya makausad. Pakiwari niya'y may tanikala ang kanyang paa. Sumikip ding bigla ang dibdib niya.
"Lorena!" narinig niyang sigaw ni Arnold.
Napahinto siya. Gusto niyang humiyaw sa tuwa dahil sa wakas ay na-realize ng nobyo niya na kailangan niya ng balikat na masasandalan. Maya-maya pa'y nasa harap na niya si Arnold, hawak ang kanyang bag.
"Naiwan mo. Enjoy sa outing niyo!" anito, sabay takbo pabalik sa loob.
Tuesday, December 15, 2015
Basang-basa
Hindi ko na nahintay na tumila ang malakas na ulan dahil gabing-gabi na, kaya basang-basa ang pantalon at sapatos ko.
Kahit ilang oras na ang pagbuhos ng ulan ay natakot pa rin ako sa leptospirosis kaya pagdating sa boarding house ay agad kong hinubad ang sapatos ko. Naisip ko agad na maghugas ng paa. Kaso lang, may tao sa CR. Naghintay ako.
Maya-maya, lumabas ang lalaking naka-boxer shorts. Bisita iyon ng ka-boardmate ko. Ilang segundo lang ang lumipas ay lumabas naman ang isa pang lalaki. Nakatapis ito ng tuwalya. Pareho silang basang-basa.
Paano Na, Paano Pa
Nona, kay lupit mo!
Sinira mo ang ganda ng bayan ko
at winasak ang yaman nito.
Paano pa sila babangon nito?
Nona, ang bagsik mo!
Kabahayan ay tinangay mo
at ari-arian ng tao'y nilubog mo.
Paano na ang kanilang Pasko?
Monday, December 14, 2015
Ang Pinto
Nakaempake na si Nona ng mga damit nang magpaalam siya sa asawa.
"Hindi ba't napag-usapan nating dito kayo magpa-Pasko?!" Sinara niya ang pinto. "Halos linggo-linggo ka na sa mga magulang mo, pati ba naman ang okasyong para sa ating pamilya ay ipagkakait mo pa sa akin!"
"Philip... nakiusap naman ako sa 'yo kahapon pa, na kung ayaw mong mag-isa sa Pasko, samahan mo ako kina Mommy. Doon tayo mag-celebrate." Pinilit na magpakahinahon ng maybahay.
"Ayaw ko do'n sa inyo!" singhal ni Philip. "Christmas is family time. Ako na ang pamilya mo ngayon!" Galit na galit na ang tono ng pananalita niya. "Nang pinakasalan mo ako, nangako kang susunod ka sa akin... Ngayon kung hindi mo kaya... sige!" Binuksan niya uli ang pinto. Umupo siya sa sofa at naghintay ng desisyon ni Nona.
Yumuyugyog na ang mga balikat ni Nona habang karga niya ang isang taong gulang nilang sanggol. Paulit-ulit niyang pinagmasdan ang nakayukong asawa, ang sanggol, at ang bag.
Alumpihit si Nona. Tiningnan niya ang pinto. Ilang segundo niya ring pinagmasdan ang kadiliman sa labas ng bahay bago niya ipininid ang pinto. Pagkatapos, dahan-dahan siyang lumapit sa asawa.
"Umalis ka na kung gusto mo." Nakayuko pa rin si Philip, pero sa pagkakataong iyon ay bumaba ang boses niya. Tila nakikiusap pa siya. "Kapag umalis ka, kalimutan mo na ako."
Puspos na ng luha ang mga mata ni Nona, kasabay ng pagpatak ng mga luha niya at ang palahaw na iyak ng kanilang anak.
"Philip... I'm sorry."
Tumingin si Philip sa asawa. Nangusap ang kanilang mga mata.
"I'm sorry..." Ipinatong ni Nona sa kamay ni Philip ang umiiyak na sanggol at tahimik siyang lumabas ng bahay, bitbit ang maliit na bag.
Subscribe to:
Posts (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...